San Miguel, Bulacan
bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Bulacan From Wikipedia, the free encyclopedia
bayan ng Pilipinas sa lalawigan ng Bulacan From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang San Miguel ay isang unang uri ng bayan sa lalawigan ng Bulacan, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 172,073 sa may 40,269 na kabahayan.
San Miguel Bayan ng San Miguel | ||
---|---|---|
| ||
Mapa ng Bulacan na pinapakita ang lokasyon ng San Miguel | ||
Mga koordinado: 15°08′45″N 120°58′42″E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Gitnang Luzon (Rehiyong III) | |
Lalawigan | Bulacan | |
Distrito | Pangatlong Distrito ng Bulacan | |
Mga barangay | 49 (alamin) | |
Pagkatatag | 29 Setyembre 1725 | |
Pamahalaan | ||
• Punong-bayan | Kgg. Roderick "Erick" D.G. Tiongson (kasalukuyan) | |
• Manghalalal | 100,163 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 231.40 km2 (89.34 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 172,073 | |
• Kapal | 740/km2 (1,900/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 40,269 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan | |
• Antas ng kahirapan | 18.05% (2021)[2] | |
• Kita | ₱434,145,715.38189,750,138.21211,760,880.47 (2020) | |
• Aset | ₱892,157,509.50264,457,411.92289,576,225.21 (2020) | |
• Pananagutan | ₱485,827,738.03217,921,389.61232,457,462.92 (2020) | |
• Paggasta | ₱382,861,190.90 (2020) | |
Kodigong Pangsulat | 3011 | |
PSGC | 031421000 | |
Kodigong pantawag | 44 | |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima | |
Mga wika | wikang Tagalog wikang Kapampangan |
Kilala ang bayan na ito sa kanilang masarap na produktong "pastillas de leche", isang matamis na pagkaing gawa sa sariwang gatas ng kalabaw.
Ang bayan ng San Miguel De Mayumo ay itinatag noong 1763 sa pangunguna nina Carlos Agustin Maniquis, Maria Juana Puno, asawa ni Carlos Agustin, at Miguel Pineda bilang unang punong bayan nito. Si Miguel Pineda ay tubong Angat, Bulacan ngunit piniling manatili sa baryo ng San Bartolome na ngayo'y Brgy. Tartaro. Bumuo siya ng isang samahan kasama si Mariano Puno, na kinilalang pinuno ng Brgy. Sto. Rosario na ngayo'y Brgy. Mandile. Nagkasundong sila na magtatag ng bayan na Miguel De Mayumo ang ngalan mula sa pangalan ni Miguel Pineda at sa salitang mayumo na ang ibig sabihi'y matamis sa salitang Kapampangan bilang pagkilala sa kabaitan ni Mariano Puno. Ito ang pinakamalaking bayan noon sa Bulacan bago naitatag ang bayan ng San Ildefonso noong 1900 at bago rin naitatag ang Donya Remedios Trinidad sa ilalaim ng pamahalaang Ferdinand Marcos bilang pagkilala sa ina ng kanyang asawang si Imelda Marcos.
Noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinalakay at binomba ng hukbong himpapawid ng bansang Hapon ang buong bayan sa San Miguel noong Disyembre 1941 at bago ang pagsakop ng hukbong santadahan ng bansang Hapon sa bayan ng San Miguel noong 1942. Ang mga grupo ng gerilyang Bulakenyo sa bayan ng San Miguel ay lusobin ng kawal Hapones at bago ang umatras ng mga gerilya sa kamay ng mga Hapon ng halos tatlong taong panghihimagsik noong 1942 to 1944 bago ang palayain ang bayan ng san miguel noong 1945 kasama ang mga kawal Pilipino ng pangkat ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas ay tumulong sa mga gerilyang Bulakenyo laban sa mga Hapon at tuloy ang pagsalakay sa kalabit ng bayan ng San Miguel noong Enero hanggang Agosto 1945.
Sumiklab ang Pagpapalaya at Pagsalakay sa San Miguel noong Enero hanggang Agosto 1945 sa bayan ng San Miguel at kasabay ng hukbong Pilipino ng Pangkat ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas kabilang ang mga gerilyang Bulakenyo laban sa mga kawal Hapones.
Sumiklab ang Pagpapalaya at Pagsalakay sa San Miguel noong Enero hanggang Agosto 1945 sa bayan ng San Miguel at kasabay ng hukbong Pilipino ng Pangkat ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas kabilang ang mga gerilyang Bulakenyo laban sa mga kawal Hapones. Muling sinalakay at pinasok ng hukbong Pilipino ng Ika 3, Ika 32, Ika 36 at Ika 37 Dibisyong Impantriya ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa bayan ng San Miguel at humingi ng tulong sa pagtutol ng mga gerilyang Bulakenyo ay tanging pakikipaglaban kawal na Imperyong Hapon ay kalapit ng buong bayan.
Nilusob ang hukbong himpilan ng hukbong sandatahan ng Imperyong Hapon ay muling salakayin at pasukin ng kampo sa mga magkakasama ng kawal Pilipino at gerilyang Bulakenyo ay talunin sila ng pangkat ng Hapon at hanggang sa pagkabihag ng kampong Hapones sa kalapit ng bayan at muling nagtagumpay at kimuha ng mga pinagsamang hukbong Pilipino at gerilyang Bulakenyo matapos ang labanan at muling pagkatalo at pagsuko ng kawal Hapones sa mga kawal Pilipino at gerilyang Bulakenyo.
Matapos ang pagsalakay sa bayan ng San Miguel noong Agosto 1945 at nanalo at tagumpay ng mga pinagsama ng mga sundalong Pilipino ng pangkat ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas at mga pagtutol ng mga gerilyang Bulakenyo ay muling binihag sa kalapit ng bayan sa San Miguel at sumuko at natalo ng mga sundalong Hapon matapos ang pagbabakang lumaban at pagkaraan ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig at Digmaang Pasipiko sa Pilipinas. Mahigit sa 86,000 mga sibilyang Bulakenyo ang napatay at pinaslang sa kamay ng mga kawal Hapones sa kalapit ng bayan sa San Miguel.
Mayroon noong nakitang batong imahe ng isang arkanghel noong nasa panahong nais baguhin ng konseho ang ngalan ng bayan. Nagmadaling nagtungo ang isang lalaki upang iulat ang natuklasang imahe sa kweba ng Madlum. Ang imahe ay si San Miguel De Arkanghel. Napagdesisyunan na dagdagan na lamang ng San sa inuhan ang dati nitong pangalang Miguel De Mayumo. Sa kasalukuyan ay tinatawag itong Munisipalidad ng San Miguel.
Ang San Miguel ay nahahati sa 49 na barangay.
mga natatanging atraksiyon :
- biak na bato national park na matatagpuan sa brgy. biak na bato
- banal na bundok na matatagpuan sa brgy.sibul
- madlum cave na matatagpuan sa brgy.sibul
Ang bayang ito ay mayroong mga paaralang pampublikong nag-aalok ng edukasyon ng elementarya at mataas na paaralan. Ang ibang mga pampublikong elementarya ay:
Ang ibang mga pampublikong mataas na paaralan ay:
Ang ibang mga pribadong elementarya at pahandang elementarya ay:
Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 14,919 | — |
1918 | 17,988 | +1.25% |
1939 | 26,759 | +1.91% |
1948 | 38,093 | +4.00% |
1960 | 43,195 | +1.05% |
1970 | 58,712 | +3.11% |
1975 | 66,870 | +2.64% |
1980 | 73,113 | +1.80% |
1990 | 91,124 | +2.23% |
1995 | 108,147 | +3.26% |
2000 | 123,824 | +2.94% |
2007 | 138,839 | +1.59% |
2010 | 142,854 | +1.04% |
2015 | 153,882 | +1.43% |
2020 | 172,073 | +2.22% |
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.