From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Digmaang Pasipiko, tinatawag din minsan na Digmaang Asya–Pasipiko,[1] ay ang teatrong pakikidigma ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na pinaglabanan sa Asya, Karagatang Pasipiko, Karagatang Indiyano, at Oseaniya. Ito ang pinakamalaking teatro ng digmaan ayon sa heograpiya, kabilang ang malawak na teatro ng Karagatang Pasipiko, teatro ng Timog Kanlurang Pasipiko, teatro ng Timog-silangang Asya. Ikalawang Digmaang Sino-Hapones, at Digmaang Sobyet-Hapones. Sa kasalukuyan, maraming mga Hapones ang gumagamit ng terminong Digmaan ng Pasipiko (太平洋戦争, Taiheiyō Sensō) o minsan ay Dakilang Digmaan ng Silangang Asya (大東亜戦争, Dai Tō-A Sensō).
Isinasagawa na ang Ikalawang Digmaang Sino-Hapones sa pagitan ng Imperyo ng Hapon at Republika ng Tsina simula pa noong Hulyo 7 1937, kasama ang pakikipaglaban noong pang Setyembre 19, 1931 sa pagsalakay ng mga Hapon sa Manchuria.[2] Bagaman, mas malawak na tinatanggap[a][4] na nagsimula ang Digmaang Pasipiko mismo noong Disyembre 7 (Disyembre 8 sa oras ng mga Hapon), nang sinalakay ng mga Hapones ang Thailand at inatake ang mga Britanikong kolonya ng Malaya, Singapore at Hong Kong, gayon din ang mga baseng pandagat at militar ng Estados Unidos sa Hawaii, Pulo ng Wake, Guam at Pilipinas.[5][6][7]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.