Santa Rosa, Laguna

lungsod ng Pilipinas sa lalawigan ng Laguna From Wikipedia, the free encyclopedia

Santa Rosa, Lagunamap
Remove ads

Ang Santa Rosa ay isang primera klaseng lungsod sa lalawigan ng Laguna sa Pilipinas. Ang lungsod ay matatagpuan 38 kilometro sa timog na Maynila, sa pamamagitan ng South Luzon Expressway, kaya ang lungsod ay naging pamayanang suburban resendensyal ng Kalakhang Maynila. Ang tahimik na bayan na ito ng Laguna ay nagsimulang umunlad nang maitatag ang Filsyn, CIGI, at iba pang maliliit na multinasyonal na mga kompanya na nasa labas ng Maynila. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 414,812 sa may 122,458 na kabahayan.

Agarang impormasyon Santa Rosaᜐᜈ̟ᜆ ᜇ̵̥ᜐ Lungsod ng Santa Rosa, Bansa ...
Remove ads

Hanggang sa mga taon nakalipas, ang Santa Rosa ay dating kilala dahil sa Coca-Cola at Toyota na may mga malalaking planta sa mga liwasang pang-industriya rito. Nakikilala na rin ang lungsod na ito dahil sa pagkakatayo ng Enchanted Kingdom, Nuvali at sa mga ginagawang mga pabahay. Ang Santa Rosa ay may labasan din para sa mga manlalakbay na tutungo sa Tagaytay sa pamamagitan ng South Luzon Expressway.

Dumarami na rin ang mga planta ng mga sasakyan sa lungsod, tulad ng Ford Motor Company na gumagawa ng Ford Lynx, Ford Focus, Mazda 3, Ford Escape, at Mazda Tribute at nagtitinda ng Ford Ranger, Ford Everest & Mazda6. Ang iba pang kompanya ay Nissan Motors Co., Ltd., Toyota Motor Corporation, Honda Motor Co., Ltd., Isuzu Motors Ltd. at Mitsubishi.

Ang Santa Rosa ay ikalawa sa mga bayan at lungsod sa Katimugang Luzon na nagkaroon ng parehong SM Mall at Robinson pagkatapos ng Dasmariñas sa Cavite. Ang Santa Rosa ay naging lungsod ng pagpipirma ng Republic Act No. 9264, na binuwag ng mga tao ng Santa Rosa noong 10 Hulyo 2004.

Remove ads

Ganap na lungsod

Noong 10 Hulyo 2004, ang Santa Rosa ay ginawang lungsod sa pamamagitan ng Republic Act 9264,[3] na inaprubahan ng mga botante sa plebisito. Si Leon Arcillas, na nanumpa sa kanyang pangatlo at huling termino sampung araw bago, ay naging unang alkalde ng lungsod. Si Arcillas ay pinaslang sa dating city hall ng dalawang armado, sina Arnold David at Herminigildo Vidal Jr. Sila ay nahatulan at nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo noong 2013.

Si Jose Catindig Jr., na nagsilbing bise alkalde, ay naging alkalde upang maihatid ang natitira sa kanyang kataga Noong 14 Mayo 2007, si Catindig, na tumakbo para sa kanyang buong termino bilang alkalde, ay natalo ng anak na babae ni Arcillas na si Arlene B. Arcillas.

Remove ads

Mga Barangay

Ang Santa Rosa ay nahahati sa 18 barangay.

  • Aplaya
  • Balibago
  • Caingin
  • Dila
  • Dita
  • Don Jose
  • Ibaba
  • Labas
  • Macabling
  • Malitlit
  • Malusak (Pob.)
  • Market Area (Pob.)
  • Kanluran (Pob.)
  • Pook
  • Pulong Santa Cruz
  • Santo Domingo
  • Sinalhan
  • Tagapo

Mga kilalang sikat sa Santa Rosa

  • Mark Herras, ay isang aktor ng Starstruck Season 1 ay Ultimate Survivor
  • Alden Richards, ay isang aktor at dating Ginoong Santa Rosa
  • Jason Fernandez, dating bokalista ng Rivermaya, mang-aawit
  • Koreen Medina, ay isang aktres, modelo at isa sa mga StarStruck Avenger
  • Jef Gaitan, dating Rosas ng Santa Rosa at Banana Split
  • Nadine Samonte, ay isang aktres na lumaki sa Santa Rosa, isa sa mga StarStruck Avenger
  • Jodi Sta. Maria - Lacson, isang kilalang Aktres sa pelikula at sa telebisyon.
  • Juancho Trivino, ay isang aktor
  • Maria Carpena, kaunaunahang Plipino recording artist at timaguriang "The Nightingale of Zarzuela"

Demograpiko

Karagdagang impormasyon Taon, Pop. ...
Remove ads

Mga sanggunian

Loading content...

Mga kawing na panlabas

Loading related searches...

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Remove ads