Ang Mga Krusada ay isang sunod-sunod na digmaang militar na may kaugnayan sa relihiyon[1] na itinaguyod ng karamihan ng Kristiyanong Europeo noong 1096–1273, karamihan nito ay pinagtibay ng Papa sa ngalan ng Kristiyanismo. Ang kaunaunahang layunin mga Krusada ay ang mabawi ang Jerusalem at ng "Banal na Lupain"[2] mula sa kapangyarihang Muslim at kaunaunang binunsod bilang tugon sa panawagan mula sa Silangang Ortodoksong Silangang Imperyong Romano, na mula kay Emperador Bisantino Alexios I Komnenos[3] upang masugpo ang pagdating ng Muslim na Seljuk Turks[4] sa Anatolia

Nagbalak si Papa Urbano II na bawiin ang banal na lupain sa kamay ng mga Muslim noong 1095. Pinangunahan ng mga maharlikang Pranses at Norman ang unang krusada. ang ikalawang Krusada naman ay pinangunahan ni Papa Eugenius II, Ang ikatlong krusada naman ay mas kilala sa tawag na Krusada ng tatlong Hari sapagkat Tatlong Hari ang nanguna nito, sila ay si Haring Richard I ng Great Britain, Haring Philip II ng Espanya at Emperador Frederick Barbossa ng Germany. Habang ang ika-apat na Krusada naman ay pinangunahan ni Papa Innocent III, ito ay nagdulot lamang ng pag-sama ng mga Venezio sa Pagsalakay sa Constantinople noong 1203–1204 na ikinahina ng Silangang Imp. Romano (Imperyong Bizantion). Ang Krusada naman ng mga kabataan ay nabigo dahil sila ay nilinlang ng sinakyan nilang barko at ipnagbili bilang mga alipin.

Ang layunin ng mga krusada ay hindi naisakatuparan at ang mga episodyo ng brutalidad na isinagawa ng mga hukbo ng mga Kristiyano at Muslim ay nag-iwan ng isang legasiya ng mutual na kawalang pagtitiwala sa pagitan ng mga Muslim at mga Kristiyano.[5] Nabigo rin ang mga Kristiyanong nagkrusada na magtatag ng mga permanenteng Kahariang Kristiyano sa Herusalem.

Ang Mga krusada

Unang Krusada

Ang Unang Krusada (1096–1099) ay isang ekspedisyong militar ng Romano Katolikong Europa upang muling maibalik ang mga banal na lupain na nasakop ng mga Muslim sa Levant (632–661) na sa huli ay humantong sa muling pagkakabihag ng Herusalem noong 1099.[6][7][8] Ito ay inilunsad ni Papa Urban II noong 27 Nobyembre 1095 na may pangunahing layunin ng pagtugon mula sa apela mula sa Emperador ng Imperyong Byzantine na si Alexios I Komnenos na humiling ng mga bolunterong kanluraning upang tulungan siya at patalsikin ang mga mananakop na Turkong Seljuk mula sa Anatolia. Ang karagdagang layunin ay sandaling naging pangunahing layunin na Kristiyanong pananakop ng Herusalem at Banal na Lupain at pagpapalaya ng mga Silangang Kristiyano mula sa pamumunong Islamiko. Sa panahon ng unang krusada, ang mga kabalyero at mga magsasaka mula sa iba't ibang mga banks ng Kanluraning Europa ay naglakbay sa lupain at dagat una ay sa Constantinople at pagkatapos ay tungo sa Herusalem bilang mga nagkukrusada. Ang mga magsasaka ay mas marami sa mga kabalyero. Ang mga magsasaka at mga kabalyero ay nahati sa dalawang magkakahiwalay na mga hukbo dahil ang mga magsasaka ay hindi mahusay na sinanay sa labanan gaya ng mga kabalyero. Ang kanilang hukbo ay nabigong makarating sa Herusalem. Ang mga kabalyero ay nakarating sa Herusalem at naglunsad ng pagsalakay sa siyudad. Kanila itong nasakop noong Hulyo 1099 at nang-masaker ng maraming mga Muslim at Hudyong mamamayan nito. Kanila ring itinatag ang mga estado ng nagkrusada na Kaharian ng Herusalem, Kondado ng Tripoli, Prinsipalidad ng Antioch at Kondado ng Edessa. Dahil ang Unang Krusada ay malaking nauukol sa Herusalem na isang siyudad na hindi napasailalim ng mga Kristiyano sa loob ng 461 taon, ang mga nagkrusad ay tumanggi na ibalik ang lupain sa kontrol ng Imperyong Byzantine. Ang Unang Krusada ay bahagi ng tugong Kristiyano sa mga pananakop ng Muslim. Ito ay sinundan ng Ikalawang Krusada hanggang Ikasiyam na Krusada ngunit ang mga nakamit dito ay tumagal sa kaunti sa 200 taon. Ito rin ang unang pangunahing hakbang tungo sa muling pagbubukas ng kalakalang internasyonal sa Kanluran simula ng pagbagsak ng Kanluraning Imperyo Romano.

Ikalawang Krusada

Ang Ikalawang Krusada (1145–1149) ang ikalawang krusada na inilunsad mula sa Europa. Ang Ikalawang Krusada ay sinimulan bilang tugon sa pagbagsak ng Kawnti ng Edessa sa nakaraang taon ng mga pwersa ni Zengi. Ang Kawnti ay itinatag noong Unang Krusada (1096–1099) ni Baldwin ng Boulogne noong 1098. Bagaman ito ang unang itinatag na estado ng nagkrusada, ito rin ang una na bumagsak. Ang Ikalawang Krusada ay inanunsiyo ni Papa Eugene III at ang una sa mga krusada na pinamunuan ng mga haring Europeo na sina Louis VII ng Pransiya at Conrad III ng Alemanya na may tulong ng isang bilang ng ibang mga maharlikang Europeo. Ang mga hukbo ng mga dalawang haring ito ay nagmartsa ng magkahiwalay sa buong Europa. Pagkatapos na tumawid sa teritoryong Byzantine tungo sa Anatolia, ang parehong mga hukbong ito ay magkahiwalay na natalo ng mga Turkong Seljuq. Ang pangunahing sangguniang Kristiyano sa Kanluran ng Krusadang ito na si Odo ng Deuil at ang mga sangguniang Kristiyanismong Syriac ay nag-angkin na sikretong hinarang ng Emperador ng Imperyong Byzantine na si Manuel I Comnenus ang pagsulong mga nagkrusada partikular na sa Anatolia kung saan inakusahan na kanyang sinadyang utusan ang mga Turko na atakihin ang mga ito. Sina Louis at Conrad at mga natitirang mga hukbo nito ay dumating sa Herusalem at noong 1148 ay lumahok sa isang hindi mahusay na napayuhang pag-atake sa Damascus. Ang krusada sa silangan ay isang pagkabigo para sa mga nagkrusada at isang malaking pagkapanlo para sa mga Muslim. Ito ay kalaunang nagkaroon ng mahalagang impluwensiya sa pagsalakay sa Herusalem at naglunsad ng Ikatlong Krusada sa wakas ng ika-12 siglo. Ang tanging tagumpay ng Ikalawang Krusada ay ang isang pinagsamang pwersa ng mga 13,000 na nagkrusadang Flemish, Frisian, Norman, Ingles, Scottish, at Aleman noong 1147. Sa paglalakbay mula sa Inglatera sa pamamagitan ng barko tungo sa Banal na Lupain, ang hukbo ay huminto at tumulong sa mas maliit na 7,000 hukbong Portuges sa pagsalakay sa Lisbon na nagpatalsik sa mga naninirahan nitong mga Moor.

Ikatlong Krusada

Ang Ikatlong Krusada (1189–1192) na kilala rin bilang Krusada ng mga Hari ang pagtatangka ng mga pinunong Europeo na muling masakop ang Banal na Lupain mula kay Saladin (Ṣalāḥ ad-Dīn Yūsuf ibn Ayyūb). Ito ay malaking matagumpay ngunit nagkulang sa huling layunin nito na muling pananakop ng Herusalem. Pagkatapos ng pagkabigo ng Ikalawang Krusada, ang dinastiyang Zengid ay kumontrol sa isang pinag-isang Syria at lumahok sa isang alitan sa mga pinuno ng dinastiyang Fatimid ng Ehipto na humantong sa pagkakaisa ng mga pwersang Ehipsiyo at Syrian sa ilalim ng pamumuno ni Saladin na ginamit ang mga ito upang paliitin ang mga estadong Kristiayno at muling mabihag ang Herusalem noong 1187. Sa kanilang kasigasigang relihiyoso, winakasan nina Henry II ng Inglatera at Philip II ng Pransiya ang kanilang alitan at namuno sa isang bagong krusada (bagaman ang kamatayan ni Henry noong 1189 at naglagay sa kontinhenteng ingles sa ilalim ng pamumuno ni Richard Lionheart). Ang matandang Banal na Emperador Romanong si Frederick Barbarossa ay tumugon sa pagtawag sa digmaan at nanguna sa isang malaking hukbo sa buong Anatolia. Gayunpaman, siya ay nalunod at namatay sa Asya minor noong 10 Hunyo 1190 bago makarating sa Herusalem. Ang kanyang kamatayan ay nagsanhi ng pinakamalaking kalungkutan sa mga nagkrusadang Aleman. Ang karamihan ng kanyang mga napanghinaan ng loob na hukbo ay umuwi sa kanilang mga tahanan. Pagkatapos ng pagtataboy sa mga Muslim mula sa Acra, ang kahalili ni Frederick na si Leopold V ng Austria at Philip ay lumisan sa Banal na Lupain noong Agosto 1191. Nabigo si Saladin na talunin si Richard sa anumang mga digmaan at nakuha ni Richard ang ilang mga mahahalagang siyudad na pang-baybayin. Gayunpaman, noong 2 Setyembre 1192, ginawang pinal ni Richard ang isang kasunduan kay Saladin kung saan ang Herusalem ay mapapasailalim ng kontrol ng mga Muslim ngunit pumapayag rin sa mga walang sandatang Kristiyanong mga pilgrim at mangangalakal na bumisita sa Herusalem. Nilisan ni Richard ang Banal na Lupain noong Oktubre 9. Ang mga tagumpay ng Ikatlong Krusada ay pumayag sa mga nagkrusada na panatilihin ang malaking kaharian batay sa Cyprus at baybaying Syrian. Gayunpaman, ang pagkabigo na muling mabihag ang Herusalem ay humantong sa pagtawag ng Ikaapat na Krusada pagkatapos ng anim na taon.

Ika-apat na Krusada

Ang Ika-apat na Krusada (1202–1204) ay orihinal na nilayon upang sakupin ang kinokontrol ng mga Muslim na siyudad ng Herusalem sa pamamagitan ng pananakop sa pamamagitan ng Ehipto. Sa halip nito, noong Abril 1204, sinakop ng mga nagkrusadang Europeo ang siyudad na Silangang Kristiyano ng Constantinople na kabisera ng Silanganing Imperyo Romano. Ito ay nakikita na huling mga akto ng Schismo ng Silangan-Kanlurarn sa pagitain ng Simbahang Silangang Ortodokso at Simbahang Katoliko Romano at isang mahalagang pangyayari sa pagbagsak ng Imperyo at Kristiyano sa Silangan. Itinatag ng mga nagkrusada ang Imperyong Latin (1204–1261) at iba pang mga estadong Latin sa mga lupaing Byzantine na kanilang sinakop. Ang pagsalungat ng Byzantine sa mga hindi nasakop na bahagi ng imperyo gaya ng Nicaea, Trebizond, at Epirus ay sa huli nagpalaya sa kabisera at nagpabagsak sa mga estado ng nagkrusada.

Krusadang Albigensian

Ang Krusadang Albigensian (1209–1229) ang 20 taong kampanyang militar na sinimulan ni Papa Inosente III upang lipulin ang Catharismo sa Languedoc. Ang Krusada ay pangunahing nilitis ng Koronang Pranses at mabilis na naging pampolitika na humantong sa hindi lamang ang malaking pagbawas ng bilang ng mga nagsasanay na Cathar kundi isang muling paglilinya ng Occtinania na nagdala nito sa sakop ng Koronang Pranses at nagbawas ng natatanging pang-rehiyong kultura at mataas na lebel ng impluwensiyang Aragonese. Ang mga Cathar ay isang mediebal na sektang Kristiyano na may pilosopiyang neo-manichean. Ito ay nagmula sa isang repormang kilusan sa loob ng mga simbahang Bogomil ng Dalmatai at Bulgaria na tumatawag sa pagbabalik ng mensaheng Kristiyano ng pagiging perpekto, kahirapan at pangangaral. Sila ay nakilalang mga Albigensian dahil ito ay nagkamit ng maraming mga tagasunod sa siyudad ng Albi at mga palibot na lugar noong ika-12 at ika-13 siglo CE.[9] Nang mabigo ang mga diplomatikong pagtatangka ni Papa Inosente III na paurungin ang Catharismo at pagkatapos ng pagpatay sa legato ng papang si Pierre de Castelnau, idineklara ni Inosente III ang isang krusada laban sa Languedoc na nag-aalok ng mga lupain ng mga heretikong Cathar sa sinumang maharlikang Pranser na makikidigma sa mga Cathar. Ang karahasan nito ay humantong sa pagkakamit ng Pransiya ng mga lupain na may malapit na kaugnayang linguistiko, kultural at pampolitika sa Catalonia. Idineklaran ng papa na ang lahat ng mga Albigenses "ay dapat ikulong at ang mga pag-aari nito ay kompiskahin".[10] Nang matanto ng papa na nabigo siyang lipulin ang mga Cathar, kanyang inilunsad ang Inkisisyong Mediebal upang tapusin ang trabaho ng paglipol sa mga ito.

Krusada ng mga Bata

Ang mga kronika ay nag-ulat ng isang kusang loob na kilusan ng mga kabataan sa Pransiya at Alemanya noong 1212 na umakit ng malalaking mga bilang ng mga magsasakang tinedyer at kabataan (na ang ilan ay mas bata sa 15). Ang mga ito ay nahikayat na kanilang mapapagtagumpayan kung saan nabigo ang mga mas matanda at mas makasalanang nagkrusada. Hinikayat ng mga mga pari at mga magulang ang gayong kasigasigan sa relihiyon at hinimok ang mga ito. Sinalungat ng papa at mga obispo ang pagtatangkang ito ngunit buong nabigo itong mapigilan. Ang kilusan ng mga bata sa Pransiya ay pinamunuan ni Stephen na isang batang pastol na mga 12 taon gulang mula sa maliit na bayan ng Cloyes sa Orléannais. Iginiit ni Stephen bilang angkop sa pinuno na magkaroon ng magarang kariton na may palyo upang liliman siya mula sa araw. Sa kanyang tabi ay sumakay ang mga maharlikang bata na sapat na mayaman upang mag-angkin ng isang kabayo. Si Stephen ay trinatong isang santo at ang mga buhok at mga piraso ng kanyang kasuotan ay tinipon bilang mahalagang mga reliko. Sila'y dumaan ng lagpas sa Tours at Lyon at tumungo sa Marseilles. Ito ay isang mahirap na paglalakbay at ang tag-init ay hindi karaniwang mainit. Sila ay umasa sa kawanggawa para sa kanilang pagkain. Ang tagtuyo ay nag-iwan ng kaunti sa kawntri at ang tubig ay nagkukulang. Marami sa mga bata ay namatay sa mga gilid ng daanan at ang iba ay umurong upang umuwi sa kanilang mga tahanan. Sa huli, narating ng mga bata ang Marseilles. Pagkatapos ng ilang mga araw, ang dalawang mga mangangalakal ng Marseilles ay nag-alok na kanilang gamitin ang mga barko at isakay sila ng walang bayad para sa kaluwalhatian ng diyos tungo sa Palestina. Ang ilang mga sasaksiyan ay inupahan ng mga mangangalakal at isinakay ang mga bata at naglakabay. Ang 18 taon ay lumipas bago magkaroon ng anumang karagdagang mga balita sa mga ito. Ang isang pangkat ng mga ilang libong bata at kabataan na pinamunuan ng Aleman na si Nicholas mula sa Rhineland ay nagtipon at naglakbay para sa Italya. Ang mga ikatlo ay nakaligtas sa pagmamartsa sa Alps at umabot hanggang sa Genoa. Ang pangkat ni Stephen mula sa Pransiya ay nakarating sa Marseilles. Ang mga mas mapalad ay kalaunang nagawang makauwi sa kanilang mga tahanan ngunit ang iba ay ipinagbili bilang mga alipin sa Marseilles. Maraming mga bata lalo na ang mga babae ay hindi nakaya ang kasidhian sa lansangan at naiwan sa isang bayang Italyano. Ang tanging kakaunting naligaw ay nakabalik sa Rhineland. Ngunit iginiit ng mga galit na magulang ng mga bata na napahamak na hulihin ang ama ni Nicholas na tila humikayat sa bata para sa pagyayabang. Ang kanyang ama ay hinuli at binigti.

Ikalimang Krusada

Ang Ikalimang Krusada (1213–1221)[11] ang pagtatangka na muling makuha ang Herusalem at Banal na Lupain sa pamamagitan ng pananakop mula ng estadong Ayyubid ng Ehipto. Pinangasiwaan nina Papa Inosente III at ang kanyang kahaliling si Papa Honorius III ang mga hukbong nagkrusada na pinumunuan nina Haring Andrew II ng Hungary at Duke Leopold VI ng Austria. Ang pagsalakay ng mga ito sa Herusalem ay huling nag-iwan ng siyudad sa kamay ng mga Muslim. Kalaunan noong 1218, ang isang hukbong Aleman na pinamunuan ni Oliver ng Cologne at isang halong hukbong ng mga sundalong Dutch, Flemish at Frisian na pinamunuan ni William I, Konde ng Holland ay sumali sa krusada. Upang atakihin ang Damietta sa Ehipto, sila ay nakipag-alyansa sa Anatolia sa Turkong Seljuk na Sultanato ng Rûm na umatake sa mga Ayyubid sa Syria sa pagtatangka na palayain ang mga nagkrusada mula sa paglalaban sa dalawang mga pronta. Pagkatapos sakupin ang puerto ng Damietta, ang mga nagkrusada ay nagmartsa patimog tungo sa Cairo noong Hulyo 1221 ngunit bumalik pagkatapos ang kanilang paunti ng paunting suplay ay humantong sa pwersahang pag-urong. Ang isang panggabing pag-atake ni Sultan Al-Kamil ay nagresulta sa isang malaking bilang ng mga kamatayan ng nagkrusada at kalaunan ay sumuko ang hukbo. Si Al-Kamil ay umayon sa isang walong-taong kasunduan ng kapayapaan sa Europa.

Ikaanim na Krusada

Ang Ikaanim na Krusada[12] ay nagsimula noong 1228 bilang pagtatangka na muling makuha ang Herusalem. Ito ay nagsimula pitong taon pagkatapos ng pagkabigo ng Ikalimang Krusada. Ito ay kinasasangklutan ng napakakaunting aktuwal na labanan. Ang maniobrang diplomatiko ng Banal na Emperador Romano Frederick II ay humantong sa muling pagkontrol ng Kaharian ng Herusalem sa Herusalem at iba pang mga lugar sa loob ng 15 taon.

Ikapitong Krusada

Ang Ikapitong Krusada ay pinamunuan ni Louis IX ng Pransiya mula 1248 hanggang 1254. Ang tinatayang 800,000 bezant ay pinantubos para kay Haring Louis na kasama ng mga libo libong hukbo ay nabihag at natalo ng hukbong Ehipsiyo na pinamunuan ng Ayyubid Sultan na si Turanshah na sinuportahan ng mga Bahariyya Mamluk na pinamunuan nina Faris ad-Din Aktai, Baibars al-Bunduqdari, Qutuz, Aybak at Qalawun.[13][14][15]

Ikawalong Krusada

Ang Ikawalong Krusada ang krusada na inilunsad ng Hari ng Pransiyang si Louis IX noong 1270. Ang Ikawalong Krusada ay minsang binibilang na Ikapito, kung ang Ikalimang Krusada at Ikaanim na Krusada ni Frederick II ay bibilanging isang krusada. Ang Ikasiyam na Krusada ay minsang binibilang na bahagi ng Ikawalong Krusada. Nabalisa si Louis sa mga pangyayari sa Syria kung saan ang Mamluk sultan Baibars ay umaatake sa natitira ng mga estado ng nagkrusada. Sinunggaban ni Baibars ang pagkakataon pagkatapos na ang isang digmaan na naglalaban ng mga siyudad ng Venice at Genoa sa bawat isa (1256–1260) ay umubos sa mga puertong Syrian na kinokontrol ng dalawang mga siyudad. Noong 1265, nasakop ni Baibars ang Nazareth, Toron, Asruf. Si Hugh III ng Cyprus na nominal na hari ng kaharian ng Herusalem ay lumapag sa Acre upang ipagtanggol ang siyudad samantalang si Baibars ay nagmartsa hanggang sa hilaga sa Armenia na sa panahong ito ay nasa kontrol ng Mongol. Ang mga pangyayaring ito ay nagtulak kay Louis na tumawag ng isang bagong krusada noong 1267 bagaman may kaunting suporta sa panahong ito. Ang nagkokronikang si Jean de Joinville na sumama kay Loius sa Ikapitong Krusada ay tumangging pumunta. Si Louis ay agad na nahikayat ng kanyang kapatid na si Charles ng Anjou na atakihin muna ang Tunis na magbibigay sa kanila ng isang malakas na base para sa pag-atake sa Ehipto. Ito ang layunin ng Ikaanim na Krusada ni Louis dayundin din ang Ikalimang Krusada bago niya na parehong natalo doon. Si Charles ng Kaharian ng Sicily ay may sariling interes rin sa sakop na ito ng Meditteraneo. Ang Khalif ng Tunis na si Muhammad I al-Mustansir ay may mga koneksiyon rin sa Espanyang Kristiyano at itinuturing na mabuting kandidato para sa pang-aakay. Noong 1270, si Louis ay lumapag sa baybaying Aprikano noong Hulyo na isang napaka hindi kanais nais panahon para paglapag. Ang karamihan ng hukbo ay nagkasakit dahil sa maruming inuming tubig. Ang kanyang anak na ipinanganak sa Damietta na si John Sorrow ay namatay noong Agosto 3[16] at noong Agosto 25 ay namatay si Lous mula sa isang flux sa tiyan isang araw pagkatapos ang pagdating ni Charles. Ang kanyang salita sa pagkamatay ay "Herusalem:". Prinoklama ni Charles ang anak ni Louis na si Philip III ng Pransiya na bagong hari ngunit dahil sa kanyang pagiging bata, si Charles ang naging aktuwal na pinuno ng krusada. Dahil sa karagdagang mga sakit, ang pagsalakay sa Tunis ay inabandona noong Oktubre 3 sa isang kasunduan sa sultan. Sa kasunduang ito, ang mga Kristiyano ay nagkamit ng malayang pakikipagkalakalan sa Tunis at ang parsiyal na tagumpay. Pagkatapos marinig ang kamatayan ni Lous at ang paglikas ng mga nagkrusad mula sa Tunis, kinansela ni Sultan Baibars ng Ehipto ang kanyang plano na magpadala ng mga hukbo upang labanan si Louis sa Tunis.[17] Sa ngayon ay nakipagalyansa na si Charles sa Prinsipe Edward ng Inglater na dumating. Nang ipinagpaliban ni Charles ang pagtake sa Tunis, si Edward ay nagpatuloy tungo sa Acre na huling nagkrusada sa bantay sa Syria. Ang kanyang ginugol doon ay kadalasang tinatawag na Ikasiyam na Krusada.

Ikasiyam na Krusada

Ang Ikasiyam na Krusada ay minsang pinapangkat sa Ikawalong Krusada at karaniwang tinuturing na huling pangunahing krusadang mediebal sa Banal na Lupain. Ito ay nangyari noong 1271–1272. Ang pagkabigo ni Louis IX ng Pransiya na bihagin ang Tunis sa Ikawalong Krusada ay nagtulak kay Edward I ng Inglatera na maglayag sa Acre na kilala bilang Ikasiyam na Krusada. Ang Ikasiyam na Krusada ay nakakita ng ilang mga kahanga hangang pagkapanalo ni Edward kay Baibars. Sa huli, ang krusada ay hindi labis na nabigo bilang pag-urong dahil si Edward ay may mga mahalagang pagkabahala sa tahanan at naramdamang hindi magagawang malutas ang mga panloob na alitan sa natitirang mga estado ng nagkrusada. Ikinatwirang ang espirito ng pagkukrusada ay halos naglaho na sa panahong ito.[18] Ito ay nagbabala rin sa nalalapit na pagguho ng huling natitirang mga muog na mga nagkrusada sa kahabaan ng baybaying Mediteranneo.

Mga Krusadang Hilagaan

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.