From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang sultan (Arabe: سلطان) ay isang katawagan, pangalan, o pamagat para sa mga pinuno o monarka ng Islam. Sa kadalasan, bagaman may kamalian kung minsan, ang asawa ng isang sultan ay tinatawag na sultana o sultanah. Ang salitang sultan ay isang pangngalan sa wikang Arabe na ang kahulugan ay "lakas", "tibay", "may kapangyarihan", "kapangyarihan", o "pagkapinuno". Sa pagdaka, ang salitang ito ay naging ginagamit bilang pamagat ng ilang mga pinunong Muslim na umangkin ng buong kasarinlan, pangingibabaw, at kapangyarihan. Hindi nila kailangang tumanggap ng mga utos o atas mula sa anumang mas mataas na pinuno, na hindi umaako o umaangkin ng buong kakalipahan. Ang dinastiya at mga lupain na pinamumunuan ng isang sultan ay tinatawag na isang kasultanan o sultanado (sultanate sa Ingles).
Ang katagang sultana (Arabe: سلطانه) ay isang pamagat o titulo na nakalaan para sa ilang mga pinunong babaeng Muslim sa kasaysayan. Minsan itong ipinagkakamali bilang pamagat lamang para sa pangunahing asawa ng isang sultan. Sa Kasultanan ng Sulu sa Pilipinas, ang asawa ng sultan ay tinatawag na panguian.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Islam ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.