Prinsipalidad ng Antioquia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Remove ads
Ang Prinsipalidad ng Antioch[1] ang isa sa mga estado ng nagkrusada na nalikha noong Unang Krusada at kinabibilangan ng mga bahagi ng modernong Turkey at Syria. Ang Prinsipalidad ng Antioch ay higit na mas maliit kesa sa Kawnti ng Edessa at Kaharian ng Herusalem. Ito ay sumasaklaw sa hilagang silangang gilid ng Mediterraneo at nahahangganan ng Kawnti ng Tripoli sa timog, Kawnti ng Edessa sa silangan at Imperyong Byzantine o Kaharian ng Armenia sa hilagang kanluran depende sa petsa. Ito ay may tinatayang 20,000 mamamayan noong ika-12 siglo CE na karamihan ay mga Armenian at mga Griyeong Ortodoksong Kristiyano na may ilang kakaunting mga Muslim sa laban ng mismong siyudad. Ang karamihan ng mga nagkrusad na tumira dito ay may pinagmulang Norman at/o mula katimugang Italya gaya ng mga aunang pinuno ng prinsipalidad na pinalibutan ang kanilang mga sarili ng kanilang mga tapat na nasasakupan. May ilang kakaunting Romano Katoliko maliban sa mga nagkrusad na nagtatag ng Prinsipalidad bagaman ang siyudad ay ginatawang Patriarkadong Latin noong 1100.
Remove ads
Remove ads
Mga sanggunian
Wikiwand - on
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Remove ads