makrorehiyon ng Italya From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang katimugang Italya (Italyano: Sud Italia; Napolitano: 'o Sudde; Sicilian: Italia dû Sud), na kilala rin bilang Meridione o Mezzogiorno (bigkas sa Italyano: [ˌMɛddzoˈdʒorno],[2] literal na "Gitna ng araw";[3][4] sa Napolitano: 'o Miezzojuorno; sa Sicilian: Mezzujornu), ay isang makrorehiyon ng Italya na binubuo ng katimugang kalahati ng estado ng Italya.
Katimugang Italya Mezzogiorno | |
---|---|
Bansa | Italya |
Mga rehiyon | |
Lawak | |
• Kabuuan | 123,024 km2 (47,500 milya kuwadrado) |
Populasyon | |
• Taya (2019) | 20,637,360 |
Mga wika | |
– Opisyal na wika | Italyano |
– Mga makasaysayang lingguwistikong minoridad | |
– Mga rehiyonal na wika |
|
Sakop ng katimugang Italya ang makasaysayan at kulturang rehiyon na dating pampolitikang sa ilalim ng pangangasiwa ng dating mga Kaharian ng Napoles at Sicilia (opisyal na tinaguriang Regnum Siciliae citra Pharum at ultra Pharum, iyon ang "Kaharian ng Sisilia sa kabilang panig ng Kipot" at "sa kabila ng Kipot"), at kung saan kalaunan ay nagbahagi ng isang karaniwang samahan tungo sa pinakamalaking estado bago ang Pag-iisa ng Italya, ang pinamunuan ng mga Borbon na Kaharian ng Dalawang Sicilia.[5][6][7][8][9][10] Ang isla ng Cerdeña, na hindi kailanman naging bahagi ng mga nabanggit na estado at dati ay nasa ilalim ng pamamahala ng Alpinong Pamilya Saboya, gayumpaman ay madalas na isinailalim sa Mezzogiorno.[11][12]
Ang Katimugang Italya ay karaniwang itinuturing na binubuo ng mga administratibong rehiyon na tumutugma sa heopolitikong lawak ng makasaysayang Kaharian ng Dalawang Sicilia, kabilang ang Abruzzo, Apulia, Basilicata, Calabria, Campania, Molise, at Sicilia. Kasama rin sa ilan ang pinakatimog at pinakasilangang bahagi ng Lazio, (ibig sabihin ang mga distrito ng Frosinone, Sora, Cassino, Gaeta, Cittaducale, Formia, at Amatrice) sa loob ng Mezzogiorno. Ang isla ng Cerdeña, bagaman hindi gaanong nauugnay sa kultura, lingguwistika, at kasaysayan sa mga nabanggit na rehiyon kaysa alinman sa mga ito sa isa't isa, ay madalas na kasama bilang bahagi ng Mezzogiorno,[13] madalas para sa estadistika at mga layuning pang-ekonomiya.[14][15][16]
Ang mga rehiyon ng Timog Italya ay nalantad sa ilang iba't ibang makasaysayang impluwensiya kaysa iba pang bahagi ng tangway, na pinaka-kapansin-pansin sa kolonisasyon ng Gresya. Ang impluwensiyang Griyego sa Timog ay nangingibabaw hanggang sa matapos ang Latinisasyon sa panahon ng Romanong Prinsipado. Ang mga impluwensyang Griyego ay ibinalik ng huling Imperyong Romano, lalo na kasunod ng mga muling pananakop ng Justiniano at ng Imperyong Bisantino.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.