Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Homo habilis (may kahulugang "taong marunong gumawa ng kung anu-anong mga bagay) ay isang ekstintong espesye ng genus na Homo, na namuhay noong bandang 1.4 hanggang 2.3 milyong mga taon na ang nakalilipas sa simula ng panahong Pleistoseno.[1] Ang Homo habilis (o maaaring H. rudolfensis) ang pinakamaagang nakikilalang species ng genus na Homo. Sa anyo at morpolohiya nito, ang H. habilis ay ang pinaka malayo ang pagkakatulad sa modernong tao sa lahat ng species ng genus na Homo (maaaring maliban sa H. rudolfensis). Ang H. habilis ay maiksi ang taas at may hindi pantay na mahahabang mga bisig kung ihahambing sa mga modernong tao. Subalit hindi gaanong nakaungos ang mukha nito kung ihahambing sa mga australopithecine na pinaniniwalaang mga ninuno nito. Ito ay may kapasidad na pangbungo na bahagyang mas kakaunti kaysa kalahati ng sukat ng makabagong mga tao. Sa kabila ng morpolohiya ng katawan na parang sa bakulaw, ang mga nalalabi ng H. habilis ay madalas na nasasamahan ng mga primitibong mga kagamitang yari sa bato (halimbawa na ang nasa Olduvai Gorge, Tanzania at Lawa ng Turkana, Kenya). Ang Homo habilis ay sabay na nabuhay sa ibang mga primadong tulad ng Homo na bipedal gaya ng Paranthropus boisei na ang ilan ay nabuhay sa loob ng maraming mga libong taon. Gayunpaman, dahil sa posibleng maagang paggamit ng mga kasangkapan at isang kaunting espesyalisadong diyeta ng H. habilis, ito ay nag-ebolb sa buong linya ng bagong species samantalang ang ibang species gaya ng Paranthropus boisei at mga matipunong kamag-anak nito ay naglaho na sa fossil record.
Homo habilis | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Primates |
Suborden: | Haplorhini |
Infraorden: | Simiiformes |
Pamilya: | Hominidae |
Subpamilya: | Homininae |
Tribo: | Hominini |
Sari: | Homo |
Espesye: | †H. habilis |
Pangalang binomial | |
†Homo habilis Leakey et al., 1964 | |
Ang Homo habilis ay pinaniniwalaang ang ninuno ng mas may magandang hubog ng katawan at mas sopistikadong Homo ergaster na nagpalitaw sa species na kamukha ng tao na Homo erectus. Noong 2007, may bagong mga pagkakatuklas na nagmumungkahing maaaring ang parehong H. habilis at H. erectus ay sabay na umiral at maaaring ito ay magkahiwalay na angkan mula sa isang karaniwang ninuno sa halip na nagmula ang H. erectus mula sa H. habilis.[2] Ito maaaring nagpapakita na ang anumang mga kaugnayang pang ninuno ng H. habilis sa H. erectus ay isang kladohenetiko sa halip na anahenetiko na nangangahulugang kahit ang isang hiwalay na subgrupong populasyon ng H. habilis ay naging karaniwang ninuno ng natitirang henus, ang ibang mga subgrupo ay nanatili bilang hindi nagbagong H. habilis hanggang sa kanilang mas kalaunang ekstinksiyon.[3]
Ang isang hanay ng mga fossil (OH 62) ay natuklasan nina Donald Johanson at Tim White sa Olduvai Gorge noong 1986 na kinabibilangan ng mga mahahalgang mga pangitaas at pangibabang mga biyas.[4] > Ang isang mas matandang fossil (1963) mula sa Olduvai site na natuklasan ni N. Mbuika ay kinabiblangan ng pragmento ng mababang panga, mga ngipin at itaas na mandible na posibleng mula sa isang babae na may edad na 1.7 milyong taong gulang.[5] Kung ihahambing sa mga australopithecine, ang kapasidad ng utak ng H. habilis' na mga 600 cm³ ay sa aberahe 50% mas malaki kesa sa mga australopithecine ngunit malaking mas maliit kesa sa saklaw na 1350 hanggang 1450 cm³ ng kapasidad ng mga Homo sapiens. Ang KNM ER 1813 ay isang relatibong kumpletong cranium na 1.9 milyong taong gulang at natuklasan sa Koobi Fora, Kenya ni Ajit Sharma noong 1973. Ang OH 7 na 1.75 taong gulang ay natuklasan nina Mary at Louis Leakey noong Nobyembre 4, 1960 sa Olduvai Gorge, Tanzania. Ito ay isang mababang pangat na may kumpletong mga ngipin. Natagpuan rin ang higit sa 20 pragmento ng kaliwang kamay. Ang OH 24 (Twiggy) ay isang depormadong cranium na mga 1.8 milyong taong gulang na natuklasan noong Oktubre 1968 sa Olduvai Gorge, Tanzania. Ang bolyum ng utak ay mababa sa 600 cm³. Ang KNM ER 1805 ay isang specimen ng isang matandang H. habilis na binubuo ng 3 piraso ng cranium na 1.74 taong gulang mula sa Koobi Fora, Kenya.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.