Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Homo erectus (mula sa Latin: nangangahulugang "taong nakatindig") ay isang species ng genus na Homo. Unang nilarawan ito ng anatomistang Olandes na si Eugene Dubois noong mga 1890 bilang Pithecanthropus erectus, batay sa takip o putong ng bungo at sa tila makabagong-panahong itsura ng buto ng hitang natuklasan sa baybayin ng Ilog Solo sa Trinil, Java. Ngunit salamat sa unang paglalarawan ng Kanadyanong anatomistang si Davidson Black's noong 1921 sa isang mababang molar, na tinaguriang Sinanthropus pekinensis, sapagkat naganap sa Zhoukoudian sa Tsina ang halos lahat ng mga maaga at ispektakular na mga pagtuklas ng taksong ito. Ibinigay ng Alemang anatomistang si Franz Weidenreich ang karamihan sa mga detalyadong paglalarawan sa materyal na ito sa ilang mga monograpong inilathala sa diyaryong Palaeontologica Sinica (Serye D)[1] Natagpuan ang mga labing fossil sa Java noong mga 1890 at sa Tsina noong 1921.
Homo erectus | |
---|---|
Reconstruction of a specimen from Tautavel, France | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Primates |
Suborden: | Haplorhini |
Infraorden: | Simiiformes |
Pamilya: | Hominidae |
Subpamilya: | Homininae |
Tribo: | Hominini |
Sari: | Homo |
Espesye: | H. erectus |
Pangalang binomial | |
Homo erectus (Dubois, 1892) | |
Kasingkahulugan | |
|
Noong kaagahan ng ika-20 daantaon, nakaraang pinaniniwalaan na namuhay ang mga unang modernong tao sa Asya. Ngunit noong mga 1950 at mga 1970, maraming mga natagpuang fossil mula sa Kenya ng Silangang Aprika na nagpakitang nagmula ang mga pinakamatandang modernong tao mula doon. Pinaniniwalaan na ngayong ninuno ng mga Homo erectus ang mga mas sinaunang mga taong katulad ng Australopithecus na nag-ebolb sa henus na Homo. Ang species ng Homo na Homo habilis ay pinaniwalaan na ninuno ng Homo Ergaster na nagpalitaw naman sa Homo erectus. Gayunpaman, may mga bagong tuklas noong 2007 na nagpapahiwatig na namuhay sa magkaparehong panahon ang Homo habilis at ang Homo erectus at maaaring nagmula sa nagiisang ninuno.[2] Gayunpaman, ito ay maaaring nagpapakita na ang anumang mga kaugnayang pang ninuno ng H. habilis sa H. erectus ay isang kladohenetiko sa halip na anahenetiko na nangangahulugang kahit ang isang hiwalay na subgrupong populasyon ng H. habilis ay naging karaniwang ninuno ng natitirang genus, ang ibang mga subgrupo ay nanatili bilang hindi nagbagong H. habilis hanggang sa kanilang mas kalaunang ekstinksiyon.[3]
Ang Homo erectus ang nananatiling ang pinakamatagal na nabuhay na species ng Homo na nabuhay sa higit sa isang milyong taon. Ang Homo sapiens(modernong tao) ay umiiral pa lamang sa loob ng 200,000 taon.
Pinagdedebatihan pa rin ng mga siyentipiko ang klasipikasyon, angkan, at inapo ng H. erectus. May dalawang mga pangunahing klasipikasyon: ang H. erectus ay maaaring isa pang pangalan ng Homo ergaster at kaya ay direktang ninuno ng mga kalaunang hominid gaya ng Homo habilis, Homo erectus, at Homo sapiens; o ito ay maaaring ang Asyanong species na natatangi mula sa Aprikanong Homo ergaster.[4][5][6]
Itinuturing ng ilang mga paleoantroplogo ang H. ergaster na simpleng uring Aprikano ng H. erectus. Ito ay humahantong sa paggamit ng terminong "Homo erectus sensu stricto" para sa Asyanong H. erectus, at "Homo erectus sensu lato" para sa mas malaking species na bumubuo ng parehong maagang mga populasyong Aprikano (H. ergaster) at mga populasyong Asyano.[7][8] Iminungkahi ng ilang siyentipiko na ang Homo ergaster ang direktang ninunong Aprikano ng Homo erectus na nagmumungkahing ang Homo ergaster ay lumisan sa Aprika at lumipat sa Asya na nagsanga sa isang natatanging species.[9]
Ang Homo floresiensis na natuklasan sa kapuluang Flores sa Indonesia noong 2003 ay maaaring nag-ebolb mula sa Homo erectus ayon sa pag-aaral ng mga siyentipikong Hapones.[10] Iminungkahi nina Brown et al. na ang Homo erectus ay nag-ebolb tungo sa isang mas maliit na katawan dahil sa kapaligiran na may limitadong pagkain sa pamamagitan ng insular dwarfism[11][12] na isang anyo ng speciation na napagmasdan sa ibang mga species sa islang Flores kabilang ang ilang mga species ng proboscidean genus Stegodon.
Ang Homo erectus ay malamang ang unang hominid na namuhay sa lipunang mangangaso-tagapagtipon. Naniniwala ang mga antroplogong gaya ni Richard Leakey na ito ay mas tulad ng mga modernong tao sa pakikisalamuha kesa sa tulad ng Australopithecus na species na nabuhay bago nito. Ang lumaking kapasidad ng bungo ay kasabay na mas sopistikadong mga kasangkapan na natagpuan kasama ng mga fossil nito. Ang H. erectus/ergaster ay pinaniniwalaang ang unang hominid na nag-aalaga sa mga kasama nitong may sakit o mahihina. Ang mga lugar na natuklasan sa Europa at Asya ay nagpapakita ng kontroladong paggamit ng apoy ng H. erectus noong mga 1 milyong taong nakakaraan.[13] Ang mga paghuhukay sa Israel na may petsang 790,000 taong nakakaraan ay nagmumungkahing ang Homo erectus ay hindi lamang kumontrol ng apoy kundi nakakalikha rin ng apoy.[14] Ang Homo ergaster ay gumamit ng iba iba at mas sopistikadong mga batong kasangkapan kesa sa mga nauna rito. Gayumpaman, ang homo erectus ay gumamit ng komparatibong primitibong mga kasangkapan. Ito ay posible dahil ang H. ergaster ang unang gumamit ng mga taon bago ang pangkalahatang pagpapakilala ng teknolohiyang Acheulean. Dahil dito, ang mga inapo ng H. ergaster na lumipat sa Asya ay hindi gumamit ng teknolohiyang Acheulean. Sa karagdagan, iminungkahi ring ang H. erectus ay maaaring ang unang hominid na gumamit ng mga balsa upang maglakbay sa mga karagatan.[15]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.