From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Homo ergaster na kilala rin bilang "Aprikanong Homo erectus"[1]) ay isang ekstintong chronospecies ng henus na Homo na namuhay sa silanganin at katimugang Aprikano noong panahong maagang Pleistocene sa pagitan ng 1.8 milyon at 1.3 milyong taong nakakalipas.[1]
Homo ergaster | |
---|---|
Skull KNM-ER 3733 discovered by Bernard Ngeneo in 1975 (Kenya) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | |
Espesye: | H. ergaster |
Pangalang binomial | |
†Homo ergaster Groves and Mazák, 1975 | |
Pinadedebatihan pa rin ng mga siyentipiko ang klasipikasyon, angkan at inapo ng Homo ergaster ngunit malawakan ngayong tinatanggap na ito ay isang direktang ninuno ng mga kalaunang hominid gaya ng Asyanong Homo erectus, Homo heidelbergensis, Homo sapiens, at Homo neanderthalensis.[2]
Itinuturing ng ilang mga paleoantroplogo ang H. ergaster na simpleng uring Aprikano ng Homo erectus. Ito ay humahantong sa paggamit ng terminong "Homo erectus sensu stricto" para sa Asyanong Homo erectus, at "Homo erectus sensu lato" para sa mas malaking species na bumubuo ng parehong maagang mga populasyong Aprikano (Homo ergaster) at mga populasyong Asyano.[3][4] Iminungkahi ng ilang siyentipiko na ang Homo ergaster ang direktang ninunong Aprikano ng Homo erectus na nagmumungkahing ang Homo ergaster ay lumisan sa Aprika at lumipat sa Asya na nagsanga sa isang natatanging species.[5]
Ang H. ergaster ay pinaniniwalaang nag-ebolb mula sa ninuno nitong Homo habilis sa pagitan ng 1.9 at 1.8 milyong taong nakakalipas. Ang angkan ng H. ergaster na lumisan sa Aprika at tumungo sa Asya ay humiwalay sa linyang ergaster at naging mga Homo erectus. Ang parehong Homo antecessor at Homo heidelbergensis ay pinaniniwalaang nag-ebolb mula sa H. ergaster. Ang H. ergaster ay nanatiling matatag sa loob ng ca. 500,000 sa Aprika bago naglaho sa fossil record noong mga 1.4 milyong taong nakakalipas.
Ang Homo ergaster ay gumamit ng mas iba iba at mga sopistikadong kasangkapang bato kesa sa ninuno nitong Homo habilis. Nilinang nito ang namanang Oldowan at pinaunlad ang unang mga palakol na Acheulean[6] Bagaman ang paggamit ng mga kasangkapang Acheulean ay nagsimula noong ca. 1.6 milyong taong nakakalipas, ang linyang H. erectus ay humiwalay noong mga 200,000 taong nakakalipas bago ang pangkalahatang pagpapakilala ng teknolohiyang Acheulean at kaya ang mga inapong Asyano ng H. ergaster ay hindi gumamit ng teknolohiyang Acheulean.
Ang dipormismong seksuwal sa H. ergaster ay malaking nabawasan mula sa mga ninuno nitong australopithecine (mga 20%[7]) ngunit mas malaki pa rin kesa sa dimorpismo sa mga modernong tao. Ang nabawasang dimorpismong ito ay pinagpapalagay na tanda ng nabawasang kompetisyon para sa mga makakatalik sa pagitan ng mga lalake nito.[8]
Ang mga mga H.ergaster ay katulad ng mga modernong tao sa organisasyon at pakikisalamuha kesa sa anumang mas naunang mga species. Pinaniwalaang ang H.ergaster ang unang hominin na kumontrol sa apoy o nakakalikha ng apoy ngunit pinagtatalunan pa rin ito ng mga siyentipiko. Ngayong pinaniniwalanag ang Homo erectus ang nakakontrol ng apoy [9] gayundin ang ibang mga hominin na nagsasalo ng karaniwang ninuo sa H.ergaster.
Ayon sa BBC series na Walking With Cavemen, ang Homo ergaster ang malamang na unang hominid na gumamit ng "makikilalang isang tinig ng tao" bagaman ang kognisyong simboliko ay malamang na limitado kumpara sa mga modernong tao. Pinaniniwalaang ang H.ergaster ay nalilimitahan sa kakayahang pisikal nito sa pagreregula ng paghinga at paglikha ng mga masalimuot na tunog. Ito ay batay sa cervical vertebrae ng Turkana boy na higit na mas makitid kesa sa mga kalaunang tao. Ang mga natuklasang cervical vertebrae sa Dmanisi, Georgia noong mga mas maagang 300,000 taon kesa sa Turkana boy ay nasa loob ng normal na saklaw ng tao.[10]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.