Civitavecchia
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Civitavecchia ( pronounced [ˌTʃivitaˈvɛkkja]; nangangahulugang "sinaunang bayan") ay isang lungsod at komuna ng Kalakhang Lungsod ng Roma sa gitnang rehiyon ng Italya na Lazio. Isang daungan sa dagat sa Dagat Tireno, matatagpuan ito 60 kilometro (37 mi) kanluran-hilaga-kanluran mula sa sentro ng Roma. Ang daungan ay binubuo ng dalawang pantalan at isang dalahikan, kung saan nakatayo ang isang parola. Ang Civitavecchia ay may populasyon na bandang 53,000 hanggang noong 2015.
Civitavecchia | ||
---|---|---|
Città di Civitavecchia | ||
Moog ng Civitavecchia at pantalan | ||
| ||
Lokasyon ng Civitavecchia sa Kalakhang Lungsod ng Roma Capital | ||
Mga koordinado: 42°06′N 11°48′E | ||
Bansa | Italya | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 73.74 km2 (28.47 milya kuwadrado) | |
Taas | 4 m (13 tal) | |
Populasyon (2018-01-01)[2] | ||
• Kabuuan | 52,671 | |
• Kapal | 710/km2 (1,800/milya kuwadrado) | |
Demonym | Civitavecchiesi | |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
Kodigong Postal | 00053 | |
Kodigo sa pagpihit | 0766 | |
Websayt | comune.civitavecchia.rm.it |
Ang modernong lungsod ay itinayo sa isang dati nang umiiral na mga tirahang Etrusko.
Ang daungan ay itinayo ng Emperador Trajano sa simula ng ika-2 siglo. Ang unang paglitaw ng pangalang Centum Cellae ay mula sa isang liham ni Plinio ang Nakababata (AD 107). Ang pinagmulan ng pangalan ay pinagtatalunan: iminungkahi na maaari itong tumukoy sa mga centum ("isandaan") bulwagan ng villa ng emperor.
Noong unang bahagi ng Gitnang Kapanahunan (530s), ang Centumcellae ay isang kutang Bisantino Naging bahagi ito ng mga Estado ng Simbahan noong 728. Habang ang daungan ay sinalakay ng mga Saraseno noong 813–814, 828, 846 at sa wakas noong 876, isang bagong paninirahan sa isang mas ligtas na lugar ang itinayo sa utos ni Papa Leo VII, agad noong 854. Ibinigay ng mga Papa ang pook bilang isang fief sa maraming lokal na panginoon, kasama ang Konde Ranieri ng Civitacastellana at ng Abadia Farfa, at ng Di Vico, na humawak sa Centumcellae noong 1431. Sa taong iyon, si Papa Eugenio IV ay nagpadala ng isang hukbo sa ilalim ni cardinal Giovanni Vitelleschi at maraming condottieri (kabilang sina Niccolò Fortebraccio, Ranuccio Farnese, at Menicuccio dell'Aquila) upang muling makuha ang lugar, kung saan, pagkatapos ng pagbabayad ng 4,000 florin, ay naging naging buong pagmamay-ari ng papado, pinangunahan ng isang vicar at isang ingat-yaman.
Ang lugar ay naging isang malayang daungan sa ilalim ni Papa Inocencio XII noong 1696 at sa modernong panahon ay ang pangunahing daungan ng Roma. Sinakop ito ng Imperyo ng Pransiya noong 1806. Noong 16 Abril 1859 ang Linya ng riles ng Roma-Civitavecchia ay binuksan para sa serbisyo.
Ang mga hukbong Papal ang nagbukas ng mga tarangkahan ng kuta sa Italyanong heneral na si Nino Bixio noong 1870. Permanente nitong tinanggal ang daungab mula sa kontrol ng papa.
Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang pambobombang Alyado ay malubhang nakapinsala sa Civitavecchia, at nagdulot ng mga nasawing sibilyan.[3]
Ang Civitavecchia ngayon ay isang pangunahing daungan ng mga cruise at bangkang pangtransportasyon. Ito ang pangunahing panimulang punto para sa koneksiyon ng dagat mula sa gitnang Italya papunta sa Sardinia, Sicilia, Malta, Tunis, at Barcelona. Pangalawa sa pinakamahalagang industriya ay ang pangingisda.
Ang lungsod ay ang luklukan din ng dalawang mga estasyon ng koryenteng termika. Ang kumbersiyon ng isa patungo sa uling ay nagpasidhi ng mga protesta ng mamamayan, dahil kinatatakutan na makalilikha ito ng matinding polusyon.
Ang Pantalan ng Civitavecchia, na kilala rin bilang "Pantalan ng Roma",[4] ay isang mahalagang pusod para sa pandagat na transportasyon sa Italya, para sa mga kalakal at pasahero. Bahagi ng "mga Motorway ng Dagat"[5] ito umuugnay sa maraming daungan sa Mediteraneo at kumakatawan sa isa sa mga pangunahing ugnayan sa pagitan ng Italyanong mainland sa Sardinia.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.