Lungsod ng Barcelona
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Barcelona ay isang lungsod sa baybayin ng hilagang silangang bahagi ng Espanya. Ito ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Tangway ng Iberia, ang kabisera ng Catalunya (Espanya) at ng lalawigan ng magkagayang pangalan. Matatagpuan ito sa comarca ng Barcelonès, sa baybaying Mediterraneo (41°23′N 2°11′E) sa pagitan ng mga bunganga ng Llobregat at Besòs. May layo ito ng 160 km mula sa Kapirineyuhan. May populasyon ang Barcelona ng 1 593 075 (2005) samantalang ang kalakhan naman nito ay may populasyon ng 4 686 701 (2005).
Lungsod ng Barcelona Barcelona | |||
---|---|---|---|
municipality of Catalonia, lungsod | |||
| |||
Palayaw: La rosa de foc, Cap i Casal de Catalunya, Ciutat Comtal, Ciudad Condal | |||
Mga koordinado: 41°22′57″N 2°10′37″E | |||
Bansa | Espanya | ||
Lokasyon | Barcelonès, Àmbit metropolità de Barcelona, Lalawigan ng Barcelona, Catalunya | ||
Kabisera | Barcelona City | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Pamahalaan | |||
• Mayor of Barcelona | Jaume Collboni Cuadrado | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 101.30 km2 (39.11 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2023) | |||
• Kabuuan | 1,660,122 | ||
• Kapal | 16,000/km2 (42,000/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+01:00, UTC+02:00 | ||
Wika | Catalan, Kastila, Wikang Occittan | ||
Plaka ng sasakyan | B | ||
Websayt | https://www.barcelona.cat |
Itinatag bilang isang lungsod Romano, naging kabisera noong Gitnang edad ng Kondado ng Barcelona. Matapos pag-isahin ang Kaharian ng Aragon, nagpatuloy ang Barcelona bilang isang mahalagang lungsod sa Korona ng Aragon bilang sentro ekonomiko at administratibo ng Korona at bilang kabisera ng Prinsipado ng Katalunya. May mayamang pamanang kalinangan ang Barcelona at ngayon ay isang mahalagang sentro ng kalinangan at pangunahing puntahang panturismo. Tanyag rin sa mga gawang arkitektoniko nina Antoni Gaudí at Lluís Domènech i Montaner, na itinalaga bilang isa sa mga Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO. Simula noong 1450, naging tahanan na ito ng Unibersidad ng Barcelona. Kilala rin ang lungsod na nagpasinaya ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1992.
Isang pangunahing lungsod pangkalinangan, ekonomiko at sentro ng pananalapi sa Timog kanlurang Europa, at ang pangunahing sentro ng bioteknolohiya sa Espanya.[1] Bilang nangungunang lungsod sa daigdig, ang impluwensiya ng Barcelona sa pandaigdigan na gawaing sosyo-ekonomiko ay nagmarapat sa kanyang mailagay sa estadong pandaigdigang lungsod.[2][3]
Nakakambal ang Barcelona sa mga sumusunod na mga lungsod:(nakaayos ayon sa taon)[4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.