Ang 2005 (MMV) ay isang karaniwang taon na nagsisimula sa Sabado sa kalendaryong Gregoryano. Ito ang ika-2005 taon sa pagtatalagang Karaniwang Panahon at Anno Domini (AD), ang ika-5 taon ng ikatlong milenyo, ang ika-5 taon ng ika-21 dantaon, at ang ika-6 na taon ng dekada 2000.
Itinalaga ang 2005 bilang ang Internasyunal na Taon para sa Palakasan at Pisikal na Edukasyon at ang Internasyunal na Taon ng Mikrokredito. Huling taon ang 2005 para sa Internasyunal na Dekada ng mga Katutubo ng Mundo (1995–2005).
Mayo
- Mayo 13 – Pinaslang ng Interiyor na Ministro sa Uzbekistan at mga tropa ng Pambansang Serbisyong Seguridad ang hindi bababa sa 200 nagproprotesta sa lungsod ng Andijan.[6]
- Mayo 19–21 – Ginanap ang Eurovision Song Contest 2005 sa Kyiv, Ukraine, at nanalo ang Griyegong lahok na si Helena Paparizou sa awiting "My Number One".
- Mayo 30 – Idineklarang nawawala si Natalee Holloway noong isang pagtatapos sa mataas na paaralan na paglalakbay sa Aruba.
Hulyo
- Hulyo 2 – Ginaganap ang Live 8, isang hanay ng 10 magkasabay na konsyerto, sa buong mundo, na pinataas ang interes sa kampanyang Make Poverty History (Gawing Kasaysayan ang Kahirapan).[7]
- Hulyo 6
Agosto
- Agosto 12 – Nailunsad ang Mars Reconnaissance Orbiter mula sa Cape Canaveral, na dinisenyo upang galugarin ang Marte.[10]
- Agosto 18 – Nagsimula ang Misyong Pangkapayapaan 2005, ang unang pinagsamang pagsasanay ng Tsina-Ruso, ng kanilang walong-araw na pagsasanay sa Tangway ng Shandong.[11]
Oktubre
- Oktubre 8 – Yumanig ang 7.6 Mw na lindol sa Azad Kashmir, Pakistan at kalapit na lugar na may isang pinakamataas na intensidad sa Mercalli na VIII (Matindi), na pinatay ang higit sa 86,000 katao at natanggalan ng tirahan ang ilang milyon pa.[15]
- Oktubre 12 – Nailunsand ang ikalawang Tsinong sasakyang pangkalawakan na mayroong tao, ang Shenzhou 6.[16]
- Oktubre 24 – Lumapag ang Hurricane Wilma malapit sa Cape Romano.[17]
Nobyembre
- Nobyembre 11 – Sa Kazakhstan, natagpuang patay si Zamanbek Nurkadilov, ang dating alkalde ng Almaty, pamahalaang ministro at isang kalaban sa politika ni Nursultan Nazarbayev, sa looban ng kanyang pamilya.[18]
- Nobyembre 22
- Enero 1 – Shirley Chisholm, Amerikanong politiko, tagapagturo, at may-akda (ipinanganak 1924)
- Enero 17 – Zhao Ziyang, ikatlong Primiyer ng Tsina (ipinanganak 1919)
- Marso 6 – Hans Bethe, pisikong Alemang-Amerikano (ipinanganak 1906)
- Marso 26 – James Callaghan, ika-70 Punong Ministro ng Reino Unido (ipinanganank 1912)
- Abril 2 – Papa Juan Pablo II (ipinanganak 1920)
- Hunyo 21 – Jaime Sin, ika-30 Arsobispo ng Maynila (ipinanganak 1928)
- Hulyo 1 – Luther Vandross, Amerikanong mang-aawit (ipinanganak 1951)
- Hulyo 17 – Edward Heath, ika-68 Punong Ministro ng Reino Unido (ipinanganak 1916)[21]
- Hulyo 18 – William Westmoreland, Amerikanong hukbong heneral (ipinanganak 1914)
- Setyembre 3 – William Rehnquist, Amerikanong abogado at ika-16 na abogado at ika-16 Punong Mahistrado ng Estados Unidos (ipinanganak 1924)
- Oktubre 24 – Rosa Parks, Amerikanong aktibista ng kilusang pangkarapatang sibil (ipinanganak 1913)[22]
- Disyembre 25 – Birgit Nilsson, Suwekong soprano (ipinanganak 1918)[23]