Remove ads
trenta-ikaanim libro ng Biblya, kompuwesto ng lámang 3 kabanatas From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Aklat ni Sofonias[1][2] o Aklat ni Zephaniah[3] ay isang aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Isinulat ito ng propetang si Sofonias.[2]
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Nagsimulang maglingkod bilang isang propeta ng Diyos si Sofonias noong mga 640 BK hanggang 609 BK (mga huling panahon ng ikapitong daantaon), na kapanahunan ni Josias. Naganap ito mga sampung taon bago maganap ang pagbabagong ginawa ni Haring Josias na may kaugnayan sa pananampalataya noong 621 BK. Kaalinsabay ni Sofonias ang iba pang mga propetang sina Jeremias at Nahum.[1][2][4] Nilalarawan din si Sofonias bilang isang taong may malalim na kaantigang pangbudhi. May diin niyang ibinunyag sa kaniyang aklat at mga gawain ang tunay at pinakapayak na anyo ng kasalanan: na isa itong paglabag sa kaluwalhatian ng nabubuhay na Diyos.[4]
Tinalakay ni Sofonias sa kaniyang aklat na ito ang tungkol sa "Dakilang Araw ng Panginoon," ang mga bantang kaparusahan ng Diyos para sa mundo, sa mga taong hentil, at sa mismong Jerusalem at Juda. Sinasabing wawasakin ang Juda dahil sa pagsamba ng mga mamamayan nito sa mga diyus-diyosan. Gagawaran din ng parusa ng Diyos ang iba pang mga bansa. Binabanggit din niya, sa bandang huli ng aklat, ang pagbabalik-loob sa Diyos ng mga hentil at mga paglilinis at pangaral para sa Israel. Magbabalik ang Israel sa Diyos balang araw, at pamumuhayan ng mga mamamayang matuwid at may kababaan ng kalooban.[2][4] Pangkaraniwan ang mga paksang ito sa lahat ng mga akda ng mga propeta.[4]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.