Ikaanim na aklat ng Bibliya From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Aklat ni Josue o Josue[1] ay ang ikaanim na aklat ng Tanakh at ng Lumang Tipan ng Bibliya. Nagmula ang pamagat ng librong ito sa pangalan ni Josue, ang humalili kay Moises bilang pinuno ng mga Israelita. Nanggaling ang pangalan Josue sa Hosea na dating tawag kay Josue. Pinalitan ni Moises ang Hosea ng pangalang Yehosua na nangangahulugang "ang Panginoon ang kaligtasan."[1]
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Hindi natitiyak ang pangalan at katauhan ng sumulat sa Aklat ni Josue.[1]
Binubuo ang Aklat ni Josue ng tatlong mga bahagi:
Nilalahad sa Aklat ni Josue ang pagkakabihag, pagkakahati, at pagkakasakop ng mga Israelita sa lupaing tinatawag na Canan, sa ilalim ni Josue. Nilalayon ng aklat na bigyan ng patunay ang pagiging matapat ng Diyos sa Israelita, na makakamtan nila ang Lupang Pangako, ang pamana sa kanila ng Diyos. Kung hindi dahil sa Diyos, hindi magagapi ng mga Israelita ang mga bansang nasa Canan.[1]
Ayon sa mga iskolar ng Bibliya, ang pigurang si Moises ay hindi totoo at ang salaysay ng paglalakbay ng mga Israelita mula sa Ehipto patungo sa ilang hanggang sa Canaan ay hindi sinusuportahan ng mga ebidensiyang arkeolohikal.[2][3][4][5][6][7] Ayon sa mga iskolar, ang mga Israelita ay hindi galing sa Ehipto kundi nagmula sa Canaan. Gayundin, hindi inaayunan ng mga arkeologo ng Bibliya na sinakop ng mga Israelita ang Canaan gaya ng binabanggit sa Aklat ni Josue dahil walang ebidensiyang arkeolohikal na sumusuporta sa isang digmaan o pananakop. Ayon sa mga arkeologo, ang Canaan ay hindi tinirhan ng mga tao sa sinasabing panahon ng pananakop, pakikidigma at genocide(pagpatay ng buong lahi) ng mga Israelita sa mga mamamayan ng rehiyong ito.[2][8]
Mula sa pangalang Yehosua ni Josue ang pangalan Hesus. Bilang paghahambing, at ayon kay Msgr. Jose C. Abriol, katumbas ng "pananakop ni Josue sa Lupang Pangako" ang "pananakop ni Hesus sa daigdig" na naganap sa pamamagitan ng "Santa Iglesya, patungo sa Langit ng Bayan."[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.