Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Ikatlong Sulat ni Juan o 3 Juan ay isang aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya na isinulat ni Apostol Juan. Ito ang pangatlo sa iba pang mga Sulat ni Juan na nagsasabing ang "Diyos ay liwanag, katarungan, at pag-ibig."[1]
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Pinaniniwalaan ng mga dalubhasa sa Bibliya na naisulat ang liham na ito, kasama ng dalawa pang mga sulat ni San Juan ang Alagad (ang Una at ang Ikalawang mga Sulat ni Juan) habang nasa Efeso. Layunin ni San Juan na ipaalala sa mga Kristiyanong nasa Asya Menor ang mga sumusunod:[1]
Partikular na tumutukoy ang Ikatlong Sulat ni Juan sa paghahambing ng dalawang tao: si Gayo at si Diotrefes. Ayon kay San Juan, si Gayo ay isang taong mapupuri dahil sa pagkakaroon ng "kagandahang-loob at pananatili sa landas ng katotohanan". Sa kabigtaran naman, si Diotrefes ay isang taong may masamang hangarin, kung kaya't kinagagalitan ni San Juan.[1]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.