From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga Sinaunang Israelita o simpleng Mga Israelita ay isng konpederasyon ng isang mga tribo na nagsasalita ng Wikang Semitiko sa Sinaunang Malapit na Silangan noong Panahong Bakal na tumira sa Canaan.[1][2][3][4] Ang Israel ay pinangalan kay El (diyos) na nangangahulugang "nakipagbuno kay El". Ang katagang 𒅖𒊏𒅋, išrail ay natagpuan sa Ebla at 𐎊𐎌𐎗𐎛𐎍, yšrʾil ay nakita sa Ugarit.[5]
Ang mga taong Yisrir na pinakahulugang Israel ay unang lumitaw sa Merneptah Stele ca. 1200 BCE. Ayon sa mga arkeologo at historyan, ang mga Israelita ay lumitaw mula sa mga taong Cananeo at naging isang natatanging kultura sa pag-unglad ng monolatriya at kalaunan ay monoteismo nito na nakasentro sa pagsamba lamang sa diyos na si Yahweh na isa sa 70 mga anak ni El (diyos) ng mga taong Semitiko..[6][7][8] Sila ay nagsasalita ng wikang Sinaunang Hebreo na isang wikang Semitiko.[9] Ang mga sinaunang Israelita sa simula ay mga politeistiko(pagsamba sa maraming Diyos) at kalaunang naging mga monolotraista(pagsamba sa isang pambansang diyos na seloso sa Aklat ng Exodo 34:14 ngunit pagkilala sa pag-iral ng ibang mga Diyos) at naging mga monoteistiko(pagkilala lamang sa isang diyos na si Yahweh) na lumitaw lamang pagkatapos ng pagkakatapon sa Babilonya ca. 587/586 BCE.
Ayon sa kuwento ng Bibliya, ang mga Israelita ay mga inapo ni Jacob na kalaunang tinawag na Israel. Pagkatapos ng isang tagtuyot, si Jacob at ang kanyang 12 mga anak na lalake ay tumungo sa Ehipto na kalaunang naging Labindalawang Tribo ng Israel. Ang mga Israelita ay lumisan sa Ehipto sa pamumuno ni Moises at kalaunan ay ni Josue na sumakop sa mga lupain ng Canaan. Ito ay sinasalungat ng ebidensiyang arkeolohiakl na walang nangyaring Exodo mula sa Ehipto at walang pananakop na nangyari sa Canaan sa panahon ni Josue.Ayon sa mga iskolar at arkeologo, ang kuwentong ito ay isang mitong pinagmulan na inimbento noong pagkakatapon sa Babilonya.[10][11]
Ayon rin sa Bibliya, si David at Solomon ang naging hari ng Kaharian ng Israel (nagkakaisang monarkiya) na kalaunang nahati sa dalawang kaharian: Ang Kaharian ng Juda at Kaharian ng Israel (Samaria). Karamihan sa mga kuwento sa Bibliya tungkol sa mga kahariang ito ay hindi umaayon sa arkeolohiya.[12][13] Ang Kaharian ng Israel (Samaria) ay bumagsak sa Imperyong Neo-Asirya noong ca. 723-720 BCE at ipinatapon ang mga mamamayan nito sa Asirya.[14] Ang Kaharian ng Juda ay winasak ng Imperyong Neo-Babilonya noong ca. 587/586 BCE at ang mga mamamayan nito ay ipinatapons sa Babilonya.[15] Ang mga mamamamayan ng Juda ay pinayagang makabalik sa Herusalem ni Dakilang Ciro 539 BCE at ang Juda ay naging probinsiya ng Imperyong Persiyano bilang Yehud Medinata sa loob ng 207 taon.[16][17] Ang mga Hudyo at mga Samaritano ang mga inapo ng mga Israelita.[18][19][20][21] Inaaangkin ng mga Hudyo na sila ay nagmula sa angkan ng Tribo ng Judah at Tribo ni Levi dahil ang 10 tribo ay naglaho na pagkatapos ng pagpapatapon sa Asirya.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.