Remove ads
Ika-limang libro ng Bibliya at binubuo ng 34 kabanata From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Aklat ng Deuteronomio[1] ay ang ika-lima at ang huling aklat ng Torah o Pentateuco. Nangangahulugang "ikalawang batas" ang salitang Deuteronomio, ngunit hindi nakalahad sa librong ito ang isang bagong batas, bagkus isang pag-uulit at pagbubuo lang ng batas mula sa Diyos sa Bundok ng Sinai. Itinuturing na buod lamang ito ng mga kaganapang nangyari na sa iba pang mga aklat ng Pentateuco, kaya't isa lamang itong huling habilin ni Moises para sa bayang Israel, bago siya sumakabilang-buhay sa edad na 120.
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Gumamit ng ilang mga bahagi rito si Hesus, katulad ng sa mga sinabi niya laban kay Satanas sa Ebanghelyo ni Mateo (Mt 4; Dt 6, 13), at maging ang mga binanggit niya sa isang manananggol hinggil sa unang utos ng Diyos, na matatagpuan rin sa Ebanghelyo ni Mateo (Mt 22, 35-39; Dt 6, 4).
Simula ng ebidensiyang iminungkahi ni W.M.L de Wette noong 1805, tinanggap ng mga modernong skolar na ang kaibuturan ng Deuteronomio ay nilikha sa Herusalem noong ika-7 siglo BCE sa konteksto ng mga repormang relihiyosong isinulong ng Haring si Josias (na sinasabing naghari noong 641-609 BCE).[2] Ang isang malawak na consensus ng mga skolar ay umiiral na nakikita ang kasaysayang ito sa sumusunod na mga termino:[3]
Ang propetang si Isaias na aktibo sa Herusalem bago ang isang siglo (century) bago ang panahon ni Josias ay hindi nagbanggit ng isang Exodo (paglisan mula sa Ehipto), mga tipan sa diyos o paglabag sa mga batas ng diyos. Ito ay sinasalungat ng kakontemporaryo (o nabuhay sa parehong panahon) si Hosea na aktibo sa hilagang Kaharian ng Israel na kadalasang nagbibigay reperensiya sa Exodo, paglalakbay sa ilang, isang tipan, panganib ng dayuhang diyos at ang pangangailangan ng tanging pagsamba kay Yahweh. Ito ay nagtulak sa mga skolar na makita na ang mga tradisyong ito sa likod ng Deuteronomio ay may hilagaang pinagmulan.[4] Kung ang kodigong Deuteronomiko na hanay ng mga batas sa Kapitulo 12–26 na bumubuo ng orihinal na kaibuturan ng aklat ay isinulat sa panahon ni Josias (huli nang ika-7 siglo BCE) o mas maaga pa rito ay pinagdedebatehan pa rin ng mga skolar. Gayunpaman, maraming mga indibidwal na batas ay mas matanda kesa sa mismong koleksiyon na ito.[5] Ang dalawang mga tula sa kapitulo 32–33 – ang Awit ni Moises at Pagpapala ni Moises ay malamang na orihinal na independiyente.[4]
Ang Deuteronomio ay humawak ng isang palaisipang posisyon sa Bibliya na nag-uugnay ng kuwento ng paglalakbay ng mga Israelita sa ilang sa kuwento ng kanilang kasaysayan sa Canaan nang hindi nabibilang ng buo sa dalawang ito. Ang kuwento sa ilang ay maaring madaling magwakas sa Aklat ng mga Bilang at ang kuwento ng pananakop ni Josue ay maaaring umiral nang wala ito, kahit papaano sa lebel ng kuwento. Gayunpaman, sa parehong mga kaso, may elementong tematiko (teolohikal) na nawawala. Ang mga skolar ay nagbigay ng iba't ibang mga sagot sa problemang ito. Ang kasaysayang Deuteronomistiko ay kasalukuyang ang pinakakilala (ang Deuteronomio ay orihinal na tanging mga kodigo ng batas at tipan na isinulat upang sementuhan ang mga repormang relihiyoso ni Josias at kalaunang pinalawig upang tumayong introduksiyon sa buong kasaysayan); ngunit may isang mas matandang teoriya na nakikita ang Deuteronomio bilang nabibilang sa Aklat ng mga Bilang at ang Aklat ni Josue bilang karagdagan dito. Ang ideyang ito ay mayroon pa ring mga sumusuporta ngunit ang nananaig na pananaw ng mga skolar ay ang Deuteronomio pagkatapos na maging introduksiyon sa kasaysayan ay kalaunang inalis mula dito ay isinama sa Aklat ng Genesis, Aklat ng Exodo, Aklat ng Levitico, Aklat ng mga Bilang dahil ito ay mayroon na si Moises bilang sentral na karakter. Ayon sa hipotesis na ito, ang kamatayan ni Moises ay orihinal na dulo ng Aklat ng mga Bilang at simpleng inilipat mula dito tungo sa dulo ng Deuteronomio. [6]
Lumang Tipan ng Bibliya |
---|
|
Binubuo ang Deuteronomio ng apat na mga bahagi:
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.