Remove ads

Ang abogado[1], manananggol o tagapagsanggalang[2] (sa Ingles ay lawyer, attorney o defender) ay isang taong pinagkalooban ng lisensiya upang makapagbigay ng payong legal, at para kumatawan sa isang kliyente sa loob ng hukuman o korte.[3] Isa itong taong maalam at nag-aral ng batas, kinatawan o taong kumakatawan sa batas (attorney at law sa Ingles), tagapagtanggol o tagapayo (konseho), o solisitor (punong opisyal na pambatas), at isang taong may lisensiya upang magkasakatuparan ng batas.[4] Ang batas ay isang sistema ng mga panuntunan ng kaasalang inilunsdad ng namumunong pamahalaan ng isang lipunan upang magwasto ng mga kamalian, magpanatili ng katatagan, at magdala ng katarungan. Kasama sa hanapbuhay ng pagiging isang manananggol ang kapaki-pakinabang na paggamit at pagpapairal ng abstraktong (baliwag o basal) mga teoriyang legal at kaalaman upang matugunan ang isang tinutukoy na mga suliraning pang-isang tao, o pasulungin ang mga kanaisan ng nagpapanatili o umuupa ng mga abogado upang magsakatuparan ng mga tungkulin o serbisyong pambatas o nasa batas.

Thumb
Larawan ng isang sinaunang manananggol na hinihingan ng payong tulong-pambatas ng isang lalaki.

Sa ilang partikular na mga bansa, katulad ng sa Hapon, Sri Lanka, at sa Estados Unidos, opisyal na pangalan, katawagan, o pamagat sa wikang Ingles para sa isang manananggol ang attorney at law o attorney-at-law, na karaniwang pinaiiksi bilang attorney. Sa Inglatera at sa Gales, dating ginamit din ang ganitong katawagan para sa mga manananggol na nagsasagawa ng hukumang na para sa pangkaraniwang batas. Subalit noong 1873, binigyan ng bagong pamagat ang ganitong mga abogado bilang mga solisitor, isang pamagat na palagian nang pamagat para sa mga manananggol na may gampanin sa mga hukuman ng ekwidad o makatarungang karapatan at paghahabol. Pangkalahatang hindi talaga lumilitaw ang ganitong mga tagapagtanggol bilang kakatig (tagapamagitan, tagapagtaguyod, tagapagtanggol, o tagapagsulong) sa matataas na mga hukuman, sapagkat ang ganitong pagharap ay nakalaan, kahit pangkalahatang magpahanggang sa ngayon, para sa mga baristero.

Remove ads

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.

Remove ads