Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Abenida Arnaiz (Ingles: Arnaiz Avenue), na kilala din sa mga dating pangalan nito na Kalye Libertad at Daang Pasay (Libertad Street at Pasay Road sa Ingles), ay isang pangunahing daang kolektor na nag-uugnay ng mga lungsod ng Makati at Pasay sa Pilipinas. Dumadaan ito mula sa kanlurang dulo nito sa Bulebar Roxas sa distrito ng Santa Clara sa Pasay hanggang sa Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) sa San Lorenzo Village sa Makati. Ang kabuuang haba nito ay 4 kilometro (2 milya). Isang maliit na bahagi (1.6 kilometro) ng tagapagpatuloy ng daan sa Dasmariñas Village, Makati ay tinatawag ring Abenida Arnaiz, mula EDSA hanggang Tamarind Road.
Abenida Arnaiz Arnaiz Avenue | |
---|---|
Libertad Street Pasay Road | |
Impormasyon sa ruta | |
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH)[1][2] | |
Haba | 4.0 km (2.5 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | N120 / AH26 (Bulebar Roxas) sa Pasay |
Dulo sa silangan | N1 / AH26 (Abenida Epifanio de los Santos) sa Makati |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Pasay at Makati |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Hinahati ng South Luzon Expressway (SLEx; o Lansangang Osmeña) ang Abenida Arnaiz sa dalawang bahagi. Ang bahaging kanluran sa Pasay ay isang ma-trapik at pedestrianisadong daan na dating tinawag na Calle Libertad.[3] Sa bahaging ito makikita ang ilan sa mga mahalagang pook sa Pasay tulad ng Cuneta Astrodome, Cartimar shopping district, at Simbahan ng Santa Clara de Montefalco. Sa silangan ng SLEx, papasok ang abenida sa Makati Central Business District (CBD) kung saan dito magsasama ang trapiko mula sa isang ramp ng Metro Manila Skyway malapit sa sangandaan nito sa Kalye Amorsolo. Ang bahagi ng daan mula SLEx hanggang Abenida Chino Roces ay isang kalyeng pa-kanluran ang walang salubong na trapiko nito. Tutuloy ang daan patungong Legaspi Village at San Lorenzo Village ng Makati CBD. Sa mga nayong ito matatagpuan ang ilang tore pang-opisina at kondominiyum, iilang restorang Hapones, isang gusaling pamilihan ng Waltermart, ang lumang Plaza Fair, Don Bosco, at Sentrong Ayala. Ang bahaging ito ng daan sa Makati ay dating tinawag na Pasay Road. Ang dulo nito sa silangan ay ang sangndaan nito sa EDSA malapit sa otel ng Dusit.[4][5][6]
Ipinangalan ang abenida kay Antonio Somoza Arnaiz na isang tagapanguna sa pagpapalipad.[7]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.