Septuagint
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Septuagint ( /ˈsɛptjuːəˌdʒɪnt/), o pinaikling "LXX", o "Griyegong Lumang Tipan", ang salin sa Griyegong Koine ng Tanakh (Bibliyang Hebreo) at mga deuterokanoniko. Ang ilan ay nagsasabing ito ay saling Griyego lamang ng Torah. Ang LXX ay tinutukoy sa mga akdang kritikal ng abrebiasyong [1] or G.
Ang Septuagint ay orihinal na designasyon ng Hudyong Torah sa Griyegong Koine na lingguwa prangka ng Silangang Mediterraneo mula sa kamatayan ni Dakilang Alejandro (323 BCE) hanggang sa pagkakabuo ng Griyegong Byzantino (c.600 CE). Ang ilang sinaunang bago ng panahong Kristiyanong bersiyon ng Septuagint ay tinitingan nang may dakilang respeto sa sinaunang mga panahon. Sina Philo na pilosopong Hudyong Hellenistiko at Josephus na unang siglo CE Romanong-Hudyong historyan ay nagturo ng pagkasi ng diyos sa mga tagapagsaling Hudyo ng Septuagint.[2][3] Gayunpaman, ayon kay Josephus, ang isinalin na Septuagint ay tumutukoy lamang sa Torah(Pauna sa Antiquities of the Jews, XII.2:1-4). Para sa mga modernong Hudyo, ang Septuagint sa kasalukuyang anyo nito ay isang pagbabago ng mga Kristiyano upang umayon sa teolohiyang Kristiyano. Halimbawa, sa paunang pahina ng Aklat ng mga Kronika, sinabi ni Jeronimo na sa kanyang panahon ay may umiiral na tatlong saling Griyego ng Hebreong Bibliya: ang bersiyon ng Kristiyanong si Origen, ang bersiyon ni Hesychius at ang bersiyon ni Lucian. Naniniwala ang mga modernong Hudyo na ang kasalukuyang Septuagint ay mula sa mga pagbabago nina Hesychius, Kristiyanong si Origen at Lucian. Sa simula ng Huli ng Antikwidad na minsang itinuro sa konseho ng Jamnia, ang nananaig na Hudaismong Rabiniko ay tumakwil sa Septuagint bilang isang balidong tekstong Hudyo dahil sa natiyak na mga mistranslasyon (maling salin) nito ng Tanakh (Hebreo) kasama ng mga elementong Hellenistiko-heretikal nito at kaya ay mas pinapaboran ng mga Hudyo ang tekstong Hebreo na Masoretiko sa halip na saling Griyego na Septuagint.[4][5] Ang tekstong Masoretiko rin ang basehan ng mga modernong salin ng Lumang Tipan ng Bibliya sa mga bibliyang Protestante at Romano Katoliko ngunit ang Septuagint ang patuloy na ginagamit sa mga bibliya ng Silangang Ortodokso dahil sa paniniwala nito na kinasihan ng diyos ang Septuagint. Bilang resulta, ang sinaunang mga saling Hudyo ng Torah sa Griyegong Koine ng mga Hudyong Rabbanim ay umiiral lamang sa kasalukuyan panahon bilang mga bihirang pragmento (hindi kumpleto). Ang mga skribang Hudyo ay nagbibigay rin sa orihinal na Hebreo nang walang hanggang kalidad[6] na hindi dapat hawakan o bilangin.
Sa paglipas ng panahon, ang LXX ay nakilala bilang "Griyegong Lumang Tipan" ng Kristiyanismo na nagsasama ng mga salin ng lahat ng mga aklat ng Tanakh at ng mga aklat na kalaunang itinuring na apokripa o deuterokanoniko na ang ilan ay isinulat sa Griyego.[4] Ang ilang mga bersiyon ay tanging naingatan sa anyong pragmentaryo. Dahil sa pagiging akdang komposito, ang proseso ng pagsasalin ng sinaunang Septuagint ay may ilang natatanging mga yugto. Ito ay nagsimula sa ikatlong siglo BCE at nakumpleto noong 132 BCE.[5][7][8][9]
Bukod sa Vetus Latina, ang Septuagint rin ang basehan ng mga salin ng Kristiyanong Lumang Tipan sa mga wikang Wikang Lumang Simbahang Slaboniko, bersiyong Syro-hexaplar , Lumang Armenio, Lumangb Georhiyano, at Wikang Koptiko.[10] Ang Septuagint ang salin na pinagsipian (quoted) ng mga talata ng Lumang Tipan ng mga may-akda ng Bagong Tipan[11] kabilang ang mga salita ni Hesus at partikular na ni Apostol Pablo[12] at ng mga ama ng simbahan. Ang Bagong Tipan ay pinaniniwalaan ng mga skolar ng Bibliya na orihinal na isinulat sa Griyego.