Kritisismong tekstuwal
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Tekstuwal na Krisitismo ay isang sangay ng kritisismong pampanitikan na nauukol sa pagtukoy at pag-aalis ng mga kamalian ng transkripsiyon sa mga teksto ng mga manuskrito. Ang mga sinaunang skriba ay nakagawa ng mga pagkakamali o pagbabago (intensiyonal man o hindi) nang ito kumopya ng mga kopya ng orihinal na dokumento sa pamamagitan ng pagsusulat sa kamay.[1] Sa ibinigay na isa o maraming mga kopya ng manuskrito (na kopya o mga kopya ng orihinal na dokumento), ang kritikong tekstuwal ay naghahangad na muling likhain ang orihinal na teksto (ang archetype o autograpo) mula sa mga kopyang ito sa posibleng pinakamalapit sa orihinal na dokumento. Ang parehong mga proseso ay maaaring gamitin upang tangkain ang muling paglilikha ng mga pagitang edisyon o mga recension ng kasaysayan ng transkripsiyon ng dokumento.[2] Ang huling layunin ng trabaho ng isang kritikong tekstuwal ay ang produksiyon ng isang "edisyong kritikal" na naglalaman ng teksto na pinakamalapit na pagtatantiya sa orihinal na hindi na umiiral na dokumento ng mga kopyang manuskrito. May tatlong mga pundamental na pakikitungo sa kritisismong tekstuwal: Eklektisismo, stemmatika, pag-eedit ng kopyang-teksto. Ang mga tekniko mula sa disiplinang biolohikal na cladistika ay kasalukuyang ginagamit rin upang tukuying ang mga relasyon sa pagitan ng mga manuskrito. Ang pariralang "mas mababang kristisismo" (lower criticism) ay ginagamit upang ilarawan ang salungatan sa pagitan ng kritisismong tekstuwal at mas mataas na kritisismo (higher cirticism) na isang paghahangad na matukoy ang tunay na may akda, petsa at lugar ng pagkakasulat ng orihinal na teksto.