Si Origenes (play /ˈɒrɪən/; Wikang Griyego: Ὠριγένης Ōrigénēs), o Origen Adamantius (184/185 253/254),[1] ay isang skolar at teologong Kristiyano sa Alexandria, Ehipto at isa sa mga manunulat tungkol sa sinaunang simbahang Kristiyano. Noong mga ika-5 at ika-6 na siglo CE, ang kanyang ortodoksiya ay kinuwestiyon na malaking dahil sa kanyang paniniwala sa preeksistensiya at transmigrasyon ng mga kaluluwa at apokatastasis, o unibersal na pagkakasundo na mga ideyang tinalakay ng ng ilang mga manunulat na patristiko ngunit kalaunang itinakwil bilang isang heresiya.[2] Ang Konseho ng Constantinople noong 453 CE ay nagtiwalag kay Origen pagkatapos ng kanyang kamatayan at ang Ikalawang Konseho ng Constantinople noong 553 CE ay nagdeklara sa apokatastasis bilang isang heresiya.[3] Gayunpaman, ang ideyang ito ay nakatagpo ng ilang muling pagsasaalang-alang lalo na sa mga pangkat na Kristiyanong Restorasyonismo.[4] Ang mga kasulatan ni Origen ay isinama sa pangkalahatang kalipunan ng sinaunang mga ama ng simbahan.[5][6] Ang kanyang mga pananaw tungkol sa Trinidad na subordinasyonismo na ang Anak ng Diyos ay mababa sa Diyos Ama ay naging kontrobersiyal noong kontrobersiyang Ariano noong ika-4 na siglo CE bagaman ang pananaw na ito ay karaniwan sa mga ama ng simbahan ng panahong ante-niceno. Itinuro ni Origen na si Hesus ay isang "DEUTEROS THEOS" (ikalawang Diyos) [7], ang Anak ay "natatangi" mula sa Ama[8] at ang Anak ay nang ibang substansiya sa Ama.[9] Ang isang pangkat na nakikila bilang Origenista na matatag na naniniwala sa preeksistensiya ng mga kaluluwa at apokastasis ay idineklarang anathema noong ika-6 siglo CE.[10]

Agarang impormasyon Kapanganakan, Kamatayan ...
Origenes
Thumb
Kapanganakan184/5
Probably Alexandria, Egypt
Kamatayan253/4
Probably Tyre, Lebanon
PanahonAnte-Nicene Fathers
MagulangLeonides of Alexandria
Isara

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.