From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Plioseno (Ingles: Pliocene ( /ˈplaɪ.əsiːn/; makaluma ay Pleiocene at may simbolong PO[6]) ang epoch sa iskala ng panahong heolohiko na sumasaklaw mula 5.332 milyon hanggang 2.588[7] milyong mga taon bago ang kasalukuyan. Ito ang ikalawa at pinakabatang epoch ng Panahong Neoheno sa era na Cenozoic. Ang Plioseno ay sumusunod sa epoch na Mioseno at sinusundan ng epoch na Pleistoseno. Bago ang 2009 pagbabago ng iskala ng panahong heolohiko na naglalagan ng 4 buo ng pinaka kamakailang pangunahing mga pagyeyelo sa loob ng Pleistoseno, ang Plioseno ay binubuo rin ng yugtong Holoseno na tumagal mula 2.588 hanggang 1.805 milyong taon ang nakalilipas. Gaya ng ibang mga mas matandang panahong heolohiko, ang strata na naglalarawan ng simula at wakas nito ay mahusay na tukoy ngunit ang mga eksaktong petsa ng simula at wakas ay katamtamang hindi matiyak. Ang mga hangganang naglalarawan ng pagsisimula ng Plioseno ay hindi inilagay sa isang madaling matukoy na pandaigdigang pangyayari kundi sa mga hangganang pang-rehiyon sa pagitan ng katamtamang init na Mioseno at relatibong mas malamig na Pleistoseno. Ang itaas na hangganan ay inilagay sa simula ng mga pagyeyerlong Pleistoseno.
Pliocene | |
---|---|
5.333 ± 0.08 – 2.58 ± 0.04 milyong taon ang nakakalipas | |
Kronolohiya | |
Etimolohiya | |
Pormal | Formal |
Impormasyon sa paggamit | |
Celestial body | Daigdig |
Paggamit panrehiyon | Global (ICS) |
Ginamit na iskala ng panahon | ICS Time Scale |
Kahulugan | |
Yunit kronolohikal | Epoch |
Yunit stratigrapiko | Series |
Pormal na time span | Formal |
Kahulugan ng mababang hangganan | Base of the Thvera magnetic event (C3n.4n), which is only 96 ka (5 precession cycles) younger than the GSSP |
Lower boundary GSSP | Heraclea Minoa section, Heraclea Minoa, Cattolica Eraclea, Sicily, Italy 37.3917°N 13.2806°E |
GSSP ratified | 2000[4] |
Upper boundary definition |
|
Upper boundary GSSP | Monte San Nicola Section, Gela, Sicily, Italy 37.1469°N 14.2035°E |
GSSP ratified | 2009 (as base of Quaternary and Pleistocene)[5] |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.