Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Italya (Italyano: Italia), opisyal na Republikang Italyano, ay bansang matatagpuan sa Timog-Kanlurang Europa. May populasyon na 62 milyon, ito'y ang ika-siyam na pinakamataong lugar sa Europa at ika-dalawampu't tatlong pinakamatao sa buong mundo.
Republikang Italyano Repubblica Italiana (Italyano)
| |
---|---|
Awitin: Il Canto degli Italiani "Ang Awit ng mga Italyano" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Roma 41°54′N 12°29′E |
Wikang opisyal | Italyano |
Relihiyon (2020) |
|
Katawagan | Italyano |
Pamahalaan | Unitaryong parlamentaryong republika |
• President | Sergio Mattarella |
Giorgia Meloni | |
• President of the Senate | Ignazio La Russa |
• President of the Chamber of Deputies | Lorenzo Fontana |
Lehislatura | Parliament |
• Mataas na Kapulungan | Senate of the Republic |
• Mababang Kapulungan | Chamber of Deputies |
Formation | |
• Unification | 17 March 1861 |
• Republic | 2 June 1946 |
• Current constitution | 1 January 1948 |
1 January 1958 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 301,230 km2 (116,310 mi kuw) (71st) |
• Katubigan (%) | 1.24 (2015)[1] |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2022 | 58,853,482[2] (25th) |
• Densidad | 201.3/km2 (521.4/mi kuw) (71st) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $3.195 trillion[3] (12th) |
• Bawat kapita | $54,216[3] (32nd) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $2.169 trillion[3] (8th) |
• Bawat kapita | $36,812[3] (26th) |
Gini (2020) | 32.5[4] katamtaman |
TKP (2021) | 0.895[5] napakataas · 30th |
Salapi | Euro (€)b (EUR) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
UTC+2 (CEST) | |
Ayos ng petsa | dd/mm/yyyy yyyy-mm-dd (AD)[6] |
Gilid ng pagmamaneho | right |
Kodigong pantelepono | +39c |
Internet TLD | .itd |
|
Ang kanyang teritoryo ay binubuo ng isang mahabang peninsula o tangway at ng dalawang malaking isla sa Dagat Mediterranean: Sicily at Sardinia. Ang Alps at mga bansang Pransiya, Suwisa, Austria, at Eslobenya ay nasa hilagang hangganan nito. Ang mga malayang estado ng San Marino at Lungsod ng Vaticano ay enclaves sa loob ng teritoryong Italyano. Ang Italya ay kasama sa G7 o grupo ng pitong pinakaindustriyalisadong bansa sa mundo. Ito ay nasa puso ng sinaunang Imperyong Romano, at sa ngayon ay puno pa rin ng mga yamang kasaysayang pinagbabasehan ng sibilisasyong kanluranin.
Ang Roma, kabisera ng Italya, ay naging sentro ng pamahalaan ng Kanlurang Sibilisisasyon dahil ito'y ang naging kabisera ng Imperyong Romano. Pagkatapos ng pag-inog ng Imperyo ay pinrotektahan ng Italya ang Roma mula sa pag-sakop ng mga Alemanyang Tribo katulad ng mga mga Lombard at mga Ostrogoth, hanggang sa mga Norman at sa mga Byzantine at iba pa. Ilang siglo ang nakalipas, ang Italya ay ang naging kapanganakan ng Renaissance.[10]
Sa kanilang kasasaysayan bago ang mga Romanong Kastila, ang Italya ay nahati sa mga walang ka kupas-kupas na mga Kaharian at mga Estadong Lungsod (katulad ng Kaharian ng Sardinia at Ang Kaharian ng dalawang Sicily at duchy ng Milano) pero'y nagkaisa noong 1861.[11] Sa kahulihulian ng ika-19 na Siglo, sa daan ng Digmaan Pandaigdig I at hanggang sa Digmaan Pandaigdig II, ang Italya ay humawak ng Imperyanong Kolonyal, na umabot mula sa Libya, Eritrea, Italyanong Somaliland, Ethiopia, Albanya, Rhodes, Ang Dodecanese at sa Tianjin, Tsina. Ang Italya ay isa sa mga miyembro na nagsimula ng Europeong Komunidad na naging Unyong Europeo.
Ang Italya sa kasalukuyan ay isang republikang demokratiko at isang maunlad na bansa.
Bago ang 1861, ang Italya ay pangalang alitaya hindi pa isang ganap na Estado. Ang lugar ay hinati sa mga independenteng mga estado na pinunuan ng iba't ibang bansa. Noong 1850 si Earl ng Cavour na pinuno ng Estado ng Sardinia ay pinakausapan ang mga Austryano sa Lombardy at Veneto na gumawa ng isang Italyanong Hilagang Estado. Ito'y nangyari, pero ang ibang mga estado sa Timog at Silangan Italya ay bumuo ng mas malaking estado kasama ang Piedmont.
Noong 1860 si Giuseppe Garibaldi ay sumunod na humawak ng estado ng Sicily, na nagsimula ng pag-iisa ng Kaharian ng Italya sa sumunod na taon. Si Vittorio Emanuele II ay ginawang hari ng Kaharian. Pero noong 1861, ang Latium at Veneto ay hindi pa parte ng Kaharian dahil ang dalawang estado ay pinunuan ng Santo Papa at ang Imperyong Austryano.
Ang Veneto ay naging parte ng Italya noong 1866 pagkatapos ng isang digmaan laban ang mga Austriyano, at pinalunan ng mga Italyanong Sundalo ang Latium noong 1870. Ito'y nang kinuha ang kapangyarihan ng Santo Papa, pagkatapos ay nagalit ang Santo Papa dahil siya'y ginagawang bihag para hindi maging aktibo ang mga Katoliko sa Politika. Nang taon na yun ay sa huli ay nagkaisa ang Italya ulit.
Ang Italya ay nag-participar sa Unang Digmaan Pandaigdig na kasapi ng Britanya, Pransiya at Rusya kalaban ang Kapangyarihang Sentrales. Halos lahat ng away ng Italya ay malapit sa Austrya. Pagkatapos ang "Caporreto Defeat" akala ng Italya ay talunan na sila pero pagkatapos ang Capital Powers ay sumuko noong 1918 at nakuha ng Italya ang Trentino Tyrol, nang dati'y hawak ng Austrya.
Noong 1922, isang bagong Italyanong Pamahalaan ay nagsimula at si Benito Mussolini ay naging pinuno, isang lider ng fasisismo sa Italya. Siya'y naging pinuno ng Pamahaalan at isang Diktador, siya'y naging kaibigan ng Alemanyang Diktador na si Hitler, at si Mussolini ay naging kasapi nito sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pumasok sa Digmaan noong 1940 ang Italya kalaban ang Pransiya, Britanya at Rusya, at ang Italya ay hinawak ang halos buong Dagat Mediterranean.
Pinaalis si Mussolini sa grupo ng Fasismo noong 25 Hulyo 1943 at noong 8 Setyembre 1943, Si Badoglio ay inahayag na ang digmaan bilang kasapi ng Alemanya ay tapos na. Nagpatuloy ang Italya sa digmaan bilang kasapi ng Pransiya at Britanya pero ang mga Italyanong Sundalo ay walang kaalaman kung sino ibarilin. Sa Hilagang Italya, isang pagkikilos na kilala bilang Resistenza ay nagsimulang lumaban sa mga Alemanyang mananakop.
Si Mussolini ay sinubukan na bumuo ng bagong fasisimong estado sa Hilagang Italya, ang Republika ng Salò pero ito natagumpay. Noong 25 Abril 1945 ang Italya ay naging malaya. Ang Estado ay naging Republika noong 2 Hunyo 1946, at, sa unang pagkakagtaon ang mga babae ay pinayagan bumuto. Tinapos ng mga Italyano ang Savoia Dynasty at sinimulan ang Republikang Pamahalaan.
Noong Pebrero 1947 pumirma ng kasunduan ang Italya kasama ang mga Allies para ipakawala ang ilang mga Kolonya at Teritoryo.
Pumasok ang Italya sa NATO bilang isang tumatag na miyembro, at naging ang ika-siyam na pinakamalaking industriyang ekonomiya sa buong mundo.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.