From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Mioseno (Ingles: Miocene at may simbolong MI[1]) ay isang epoch na heolohiko ng Panahong Neohene at sumasaklaw mula mga 23.03 hanggang 5.332 milyong taon ang nakalilipas (Ma). Ang Mioseno ay ipinangalan ni Sir Charles Lyell. Ang panglan nito ay mula sa Griyegong μείων (meiōn, “kaunti”) atκαινός (kainos, “bago”) at nangangahulugang kaunting kamakailan dahil ang panahong ito ay may 18% na mas kaunting mga modernong pan-dagat na inbertebrato kesa sa Plioseno. Ang Mioseno ay sinusundan ng epoch na Oligoseno at sinusundan ng epoch na Plioseno. Ang Mioseno ang unang epoch ng Panahong Neohene. Ang daigdig ay tumungo sa epoch na Oligoseno hanggang Mioseno at tungo sa Plioseno habang ito ay lumalamig sa isang sunod sunod na mga Panahon ng Yelo. Ang mga hangganang Mioseno ay hindi minarkahan ng isang natatanging pangyayaring pandaigdigan kundi binubuo ng mga hangganang pang-rehiyon sa pagitan ng katamtamang init na Oligoseno at mas malamig na Plioseno. Ang mga halaman at mga hayop sa Mioseno ay katamtamang moderno. Ang mga mamalya at ibon ay mahusay na nakalagak. Ang mga balyena, seal at kelp ay kumalat. Ang epoch na Mioseno ay partikular na interesante sa mga heologo at paleoklimatologo dahil ang mga pangunahing yugto ng Pagtaas na Himalayan ay nangyari sa Mioseno na umapekto sa pang habagat ng mga paterno sa Asya na nauugnay sa Hilagaang pagyeyelo ng Hemispero. [2]
Sistema | Serye | Yugto | Edad (Ma) | |
---|---|---|---|---|
Kwaternaryo | Pleistoseno | Gelasian | mas bata | |
Neohene | Plioseno | Piacenzian | 2.588–3.600 | |
Zanclean | 3.600–5.332 | |||
Mioseno | Messinian | 5.332–7.246 | ||
Tortonian | 7.246–11.608 | |||
Serravallian | 11.608–13.65 | |||
Langhian | 13.65–15.97 | |||
Burdigalian | 15.97–20.43 | |||
Aquitanian | 20.43–23.03 | |||
Paleohene | Oligoseno | Chattian | mas matanda | |
Subdivision of the Neogene Period according to the IUGS, as of July 2009. |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.