Ika-266 at kalusukuyang Papa ng Simbahang Katoliko From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Papa Francisco (Latin: Franciscus, Italyano: Francesco; Kastila: Francisco) ipinanganak; Jorge Mario Bergoglio noong 17 Disyembre 1936) ay ang ika-266 at kasalukuyang Papa ng Simbahang Katolika.[1]
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. (Enero 2014) |
Ang Kanyang Kabanalan Papa Francisco | |
---|---|
Obispo ng Roma | |
Simbahan | Simbahang Katolika |
Arkodiyosesis | Diyosesis ng Roma |
Sede | Banal na Sede |
Nagsimula ang pagka-Papa | 13 Marso 2013 |
Hinalinhan | Benedicto XVI |
Mga orden | |
Ordinasyon | 13 Disyembre 1969 ni Ramón José Castellano |
Konsekrasyon | 27 Hunyo 1992 ni Antonio Quarracino |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Jorge Mario Bergoglio |
Kapanganakan | Buenos Aires, Arhentina | 17 Disyembre 1936
Kabansaan | Arhentino, Vaticano |
Denominasyon | Katoliko |
Tirahan | Lungsod ng Vaticano |
Dating puwesto |
|
Motto | Miserando atque eligendo |
Lagda | |
Eskudo de armas |
Taál ng Buenos Aires, Arhentina, itinalaga siya bilang paring Katoliko noong 1969. Noong 1998 siya ay iniluklok bilang Arsobispo ng Buenos Aires, at noong 2001 siya ay ginawáng kardinal ni Papa Juan Pablo II. Nahalál siya bilang Papa noong 13 Marso 2013, matapos na magbitíw si Papa Benedicto XVI noong 28 Pebrero. Pinili ni Bergoglio ang ngalang pampapang Francisco, ang kauna-unahang papang gumamit ng naturang pangalan, bilang pagpupugay kay San Francisco ng Asisi. Siya ang kauna-unahang Papa mula sa labas ng Europa simula noong ika-8 na dantaon, unang nagmula sa kontinente ng Timog Amerika (at mangyaring sa Katimugang Hemispero), at unang papa na hindi taga-Europa matapos ang panahon ni Papa Gregorio III noong taong 741.[2] Siya rin ang unang naluklok na Heswita bilang Pontifex Maximus.
Sa kabuuan ng kanyang buhay, bilang isang indibidwal at isang pinunong relihiyoso, nakilala ng publiko si Papa Francisco sa kanyang kababaang-loob, sa kanyang pagmamalasakit sa mga mahihirap, at sa kanyang pagnanais na bumuo ng mga pag-uusap bilang paraan upang makaugnay ang lahat ng tao mula sa iba't-ibang lahi, paniniwala, at pananampalataya.[3][4][5] Nakilala rin siya sa pagiging payak at di-gaanong pormal na pamamahala bilang Santo Papa, lalo na noong pinili niyang manirahan sa bahay-pampanauhin (guesthouse) ng Domus Sanctae Marthae kaysa sa apartamento ng Apostolikong Palasyo na siyang ginamit ng mga naunang Papa. Dagdag dito, dahil sa pagiging Heswita at tagasunod ni San Ignacio ng Loyola, kilala rin siya sa pagiging payak sa pananamit, gaya ng pagtanggi niyang magsuot ng tradisyunal na kapa ng Papa na mozzetta noong siya ay maluklok, pagpili niya ng pilak sa halip na ginto para sa kanyang singsing, at paggamit niya ng kanyang krus na ginagamit na niya mula pa noong siya'y kardinal pa lamang.[6][7]
Nanatili ang posisyon ng Papa sa doktrinang Katoliko hinggil sa aborsiyon, artipisyal na kontrasepsiyon, at homoseksuwalidad. Bagama't nananatili ang posisyon ng katuruan ng Simbahan hinggil sa mga gawaing homoseksuwal, sinabi niyang hindi dapat maliitin ang mga bading o bakla.[8] Bilang kardinal, tinutulan niya ang pag-iisang-dibdib ng magkatulad na kasarian (same-sex marriage) sa Arhentina.[9] Dagdag dito, pinananatili niya na siya'y "anak ng Simbahan" hinggil sa pagiging tapat sa mga doktrina ng Simbahan, tinukoy ang aborsiyon bilang "kasuklam-suklam,"[10] at iminungkahing ang mga babae ay pinahahalagahan sa halip na inoordinahan.[11] Kung ibubuod, binigyang-diin ni Papa Francisco na "Kabalintunaang sabihing sinusunod mo si Hesukristo subalit tinatanggihan mo ang Simbahan."[12]
Kaya naman, hinimok niya si Obispo Charles J. Scicluna ng Malta na magsalita laban sa pag-ampon ng mga nagsasamang magkatulad ang kasarian (same-sex couples),[13][14] pinanatiling ang mga Katolikong galing sa diborsiyo at muling nagpakasal ay maaaring hindi tumanggap ng Eukaristiya, at nagtiwalag (excommunicate) ng isang dating paring Katoliko dahil sa mga pananaw nitong lumalapastangan sa Simbahan.[15] Binigyang-diin niyang ang tungkulin ng mga Kristiyano na tulungan ang mga mahihirap at mga nangangailangan, at itinataguyod niya ang mapayapang usapin at mga usapang kabilang ang mga nasa iba't-ibang pananampalataya o interfaith dialogue.[5][16][17][18][19] Ipinahayag din niyang walang puwang sa Simbahan ang pagpapahintulot sa pang-aabusong seksuwal (sex abuse) sa Simbahan, na nagsabing ang pang-aabusong seksuwal ay "kasingsamá ng pagsasagawa ng Itim na Misa (satanic mass)."[20][21][22]
Si Jorge Mario Bergoglio[23] ay isinilang sa Buenos Aires, isa sa limang anak ng Italyanong emigranteng[24][25] sina Mario José Bergoglio, isang orbrero sa daangbakal, at ng kaniyang asawang si María Sívori, isang maybahay. Noong siya ay binatilyo, si Bergoglio ay inalisán ng isang bahagi ng kaniyang baga dulot ng impeksiyon.[26] Siya ay nag-aral at nakatanggap ng Antás Masterál sa kímika at sa Pamantasan ng Buenos Aires bago niya napágpasyaháng pumasok sa pagkapari.[27] Ayon din sa ibang mga sanggunian, siya ay nakapagtapos mula sa isang páaraláng teknikal bilang mekanikong pangkemikal at sa edad ng 21 ay nagpasyang maging pari.[28]
Pumasok si Bergoglio sa Kapisanan ni Hesus noong 11 Marso 1958 at nag-aral sa pagkapari sa isang seminaryong Heswita sa Villa Devoto. Noong 1960, nakuha niya ang pagkalisensiya sa pilosopiya mula sa Colegio Máximo San José sa San Miguel. Noong 1964 at 1965 nagturo siya ng literatura at sikolohiya sa Colegio de la Imaculada, isang mataas na paaralan sa lalawigan ng Santa Fe, Arhentina. Noong 1966 nagturo siya ng kaparehong kurso sa Colegio del Salvador sa Buenos Aires.[29]
Noong 1967, natapos ni Bergoglio ang kaniyang pag-aaral ng teolohiya at naordena sa pagkapari noong 13 Disyembre 1969 ni Arsobispo Ramón José Castellano. Namasukan siya sa Pakultad ng Pilosopiya at Teolohiya ng San Miguel[30], isang semninaryo sa San Miguel, Buenos Aires. Naabot ni Bergoglio doon ang posisyong novice master at naging propesor ng teolohiya.
Itinaas ng Kapisanan ni Hesus si Bergoglio at siya ay nanungkulan bilang probinsiyal ng Arhentina mula 1973 hanggang 1979.[31] Nilipat siya sa isang doctoral dissertation sa Sankt Georgen sa Alemanya at bumalik sa Arhentina upang manungkulan bilang kumpesor at direktor pang-espiritwal sa Cordoba.[29]
Itinalaga si Bergoglio bilang Pangalawang Obispo ng Buenos Aires noong 1992 at inordena noong 27 Hunyo 1992 bilang Titular Bishop ng Auca [32] kasama si Antonio Kardinal Quarracino, Arsobispo ng Buenos Aires, bilang principal consecrator.
Si Bergoglio ang humalili kay Kardinal Quarracino bilang Arsobispo ng Buenos Aires noong 28 Pebrero 1998 at ipinangalang ordinaryo para sa Silangang Katoliko sa Arhentina, na walang sariling prelado.
Sa konsistori noong 21 Pebrero 2001, ginawang kardinal si Arsobispo Bergoglio ni Papa Juan Pablo II, na may titulo bilang kardinal-pari ng San Roberto Bellarmino. Bilang kardinal, itinalaga si Bergoglio sa limang administratibong posisyon sa Kuryang Romano.
Nakilala si Kardinal Bergoglio dahil sa kaniyang pagiging magpakumbaba, pagka-konserbatibo sa doktrina at sa kaniyang prinsipyo sa katarungang panlipunan.[33] Mas pinili niya ang pagkakaroon ng simpleng pamumuhay: mas pinili niyang manirahan sa isang maliit na apartment sa halip ng magarang tirahan para sa obispo, at mas pinili niyang sumakay sa mga pampublikong transportasyon kaysa sa isang limousine.[34]
Noong pumanaw si Papa Juan Pablo II noong 2005, isa sa mga napipisil na papabile si Bergoglio.[35] Lumahok siya bilang isang kardinal-tagahalál (cardinal elector) sa kongklabe noong 2005 na siyang nagluklók kay Papa Benedicto XVI. Ayon sa pahayagang La Stampa, gitgitan sila ni Ratzinger sa halalan, hanggang sa humingî siya ng isang madamdaming pakiusap sa mga kardinal na huwag siyang ihalal.[36] Bago nagsimula ang kongklabe ay nakilahok din siya sa libing ni Papa Juan Pablo II at gumanap bilang rehente kasama ang Kolehiyo ng mga Kardinal, at namuno sa Simbahang Romana Katolika noong panahon ng sede vacante.
Bilang isang kardinal, nakilala si Bergoglio bilang isang konserbatibong Katoliko.[37]
Hatî ang opinyon ng mga Arhentino patungkol sa kaniya. Habang ang ilan ay malakas ang suporta kay Bergoglio dahil sa kaniyang simpleng pamumuhay, ang iba naman ay malaki ang pagkatutol sa kaniya dahil sa mga isyu patungkol sa kasalang homosekswál at sa kanilang pagkabagabag ukol sa kaniyang relasyon sa mapanupil na rehiméng militar noong dekada 70.[38]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.