Palarong Olimpiko sa Taglamig 2022
Ika-24 na edisyon ng Palarong Olimpiko sa Taglamig, na gaganapin sa Beijing, Tsina / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Palarong Olimpiko sa Taglamig 2022, opisyal rin kilala bilang ang Ika-XXIV Palarong Olimpiko sa Taglamig o ang ika-24 na Palarong Olimpiko sa Taglamig (Pranses: Les XXIVes Jeux olympiques d'hiver;[1] Tsino: 第二十四届冬季奥林匹克运动会; pinyin: Dì Èrshísì Jiè Dōngjì Àolínpǐkè Yùndònghuì) at kinilala rin bilang Beijing 2022, ay gaganapin mula Pebrero 4 hanggang 22 2022 sa Beijing at mga bayan sa kalapit na lalawigan ng Hebei, Tsina.[2]
Palaro ng XXXII Olimpiyada Tsino: 第二十四届冬季奥林匹克运动会 | |
Punong-abala | Beijing, China |
---|---|
Salawikain |
|
Estadistika | |
Paligsahan | 109 in 7 sports (15 disciplines) |
Seremonya | |
Binuksan | 4 February |
Sinara | 20 February |
Estadyo | Beijing National Stadium |
Kronolohiya | |
Tag-init | Nakaraan 2020 Rio de Janeiro Susunod 2024 Paris |
Taglamig | Nakaraan 2018 PyeongChang Susunod 2026 Milano-Cortina |
Ang Beijing ay nahalal bilang punong-abalang lungsod noong Hulyo 2015 sa ika-128 na sesyon ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko (IOC) sa Kuala Lumpur, Malaysia. Ang palaro na ito ang unang Palarong Olimpiko sa Taglamig na gaganapin sa Tsina, ang ika-apat na Winter Olympics na ginanap sa Timog Asya, at ang huling sa tatlong magkakasunod na Olympics na gaganapin sa Timog Asya, kasunod ng Palarong Olimpiko sa Taglamig 2018 sa Pyeongchang, Timog Korea, at ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020 sa Tokyo, Hapon. Ang Beijing ang magiging ika-11 lungsod na magdadaos ng Palarong Olimpiko sa ikalawang pagkakataon, at ang ika-una na magiging abala sa parehong Palarong Olimpiko sa Tag-init at Palarong Olimpiko sa Taglamig, sapagkat naging abala ito sa nakaraang Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008.
Kabilang sa proyektong panlungsod ang paggamit sa apat na naitayo na panloob na lugar para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008, tulad ng Beijing National Stadium (na kilala rin bilang Pugad ng Ibon) bilang lugar ng mga seremonya. Ang Beijing din ang ikalawang pambansang kapital na nagho-host sa Palarong Olimpiko sa Taglamig Olympics, pagkatapos ng Oslo, Norway noong 1952, ang pangatlong magkakasunod na lungsod sa mainland na magdadaos ng Palarong Olimpiko sa Taglamig, pagkatapos ng Sochi at Pyeongchang.