![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/f/fc/Milan-Cortina_2026_Winter_Olympics_logo.svg/langtl-640px-Milan-Cortina_2026_Winter_Olympics_logo.svg.png&w=640&q=50)
Palarong Olimpiko sa Taglamig 2026
Ika-25 edisyon ng Palarong Olimpiko sa Taglamig, na gaganapin sa Milan at Cortina, Italya. / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Palarong Olimpiko sa Taglamig ng 2026, na opisyal na kilala bilang ang XXV Olympic Winter Games ( Pranses: Les XXVes Jeux olympiques d'hiver;[1] Italyano: XXV Giochi olimpici invernali), at karaniwang kilala bilang Milano Cortina 2026 o Milan Cortina 2026, ay isang nalalapit na pandaigdigang palaro na nakatakdang gaganapin mula Pebrero 06-22 2026 sa mga Italyanong lungsod ng Milan at Cortina d'Ampezzo. Tinalo ng Milan-Cortina d'Ampezzo ang nag-iisang pagtataya mula sa pinagsamang mga Suwesang lungsod ng Stockholm at Åre, 47-34, upang maihalal bilang punong-abalang lungsod sa ika-134 na sesyon ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko (IOC) sa Lausanne, Suwisa, noong 24 Hunyo 2019.[2][3][4]
Palaro ng {{{edition}}} Olimpiyada {{{localname}}} | |
![]() | |
Punong-abala | Milan and Cortina, Italy |
---|---|
Salawikain |
|
Seremonya | |
Binuksan | 6 February |
Sinara | 22 February |
Estadyo |
|
Kronolohiya | |
Tag-init | Nakaraan [[Palarong Olimpiko sa Tag-init Paris 2024|Paris 2024 ]] Susunod [[Palarong Olimpiko sa Tag-init Los Angeles 2028|Los Angeles 2028 ]] |
Taglamig | Nakaraan [[Palarong Olimpiko sa Taglamig Beijing 2022|Beijing 2022 ]] Susunod [[Palarong Olimpiko sa Taglamig 2030|2030 ]] |
Ito ang magiging pang-apat na Palarong Olimpiko na gaganapin sa Italya at ang unang pamumunuan ng Milan. Mamarkahan ng palarong ito ang ika-20 na anibersaryo ng Palarong Olimpiko sa Taglamig 2006 sa Turin, ang ika-70 anibersaryo ng Palarong Olimpiko sa Taglamig 1956 sa Cortina d'Ampezzo at ika-80 anibersaryo ng Republika ng Italya . Ito ang magiging unang Palarong Olimpiko na may tampok na dalawang punong-abalang lungsod.