palaro ng ika-XXXIII Olimpiyada, na gaganapin sa Paris, Pransya From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Palarong Olimpiko sa Tag-Init 2024, opisyal na kinilala bilang Palaro ng Ika-XXXIII Olimpiyada, (Pranses: Jeux olympiques d'été de 2024), (French: Jeux de la XXXIIIe Olympiade) at kinilala din bilang Paris 2024, ay isang pandaigdigang palarong pampalakasan na itinakdang maisagawa mula 26 Hulyo – 11 Agosto 2024 sa lungsod ng Paris, Pransya.[1] Nahalal ang lungsod na ito bilang tagapamahala noong 13 Setyembre 2017 sa ika-131 sesyon ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko sa Lima, Peru.
Palaro ng XXXIII Olimpiyada | |
Punong-abala | Paris, Pransiya |
---|---|
Salawikain |
|
Seremonya | |
Binuksan | 26 Hulyo (Biyernes) |
Sinara | 11 Agosto (Linggo) |
Estadyo | Stade de France |
Kronolohiya | |
Tag-init | Nakaraan 2020 Tokyo Susunod 2028 Los Angeles |
Taglamig | Nakaraan 2022 Beijing Susunod 2026 Milano-Cortina |
Ginanapan ng mga dating Palarong Olimpiko sa tag-init noong 1900 at 1924, ang Paris ay magiging pangalawang lungsod na gaganapan ng Palarong Olimpiko nang tatlong beses, pagkatapos ng Londres (1908, 1948 at 2012). Ang 2024 ay ang tanda ng sentenaryo o dantaon ng Palaro ng Paris noong 1924, at masasaksihan ang ikaanim na Palarong Olimpiko na gaganapin sa Pransya (tatlo bawat tag-init at taglamig.)
Ang mga lungsod ng Paris, Los Angeles, Boston, Budapest, Hamburg at Roma ang limang opisyal na kandidato sa pagka-punong-abalang lungsod. Nalampasan ng Boston ang Los Angeles, San Francisco, at Washington, D.C. sa opisyal na pag-anyaya sa Estados Unidos. Noong 27 Hulyo 2015, nagkasundo ang Boston at ang USOC na wakasan ang pag-anyaya ng Boston sa pagka-punong abalang lungsod ng Mga Laro, na bahagyang dahil sa magkahalong damdamin sa lungsod ng Boston. Binawi ng Hamburg ang pag-anyaya nito noong 29 Nobyembre 2015 matapos magsagawa ng isang reperendo. Binawi rin ng Roma noong 21 Setyembre 2016 ang kanilang pag-aanyaya dahil sa paghihirap sa pananalapi.[2] Bumitaw rin ang Budapest ay noong 22 Pebrero 2017 pagkatapos ng petisyon laban sa pag-anyaya ng lungsod, na nakakolekta ng higit pang mga lagda kaysa sa kinakailangan para sa isang reperendo.[3][4][5]
Kasunod ng mga pagbitiw na ito, nagpulong ang Lupong Tagapagpaganap ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko (IOC) noong 9 Hunyo 2017 sa Lausanne, Suwisa, upang talakayin ang mga proseso ng pag-anyaya para sa Palarong Olimpiko sa taong 2024 at 2028.[6][7] Pormal na iminungkahi ng IOC na ihalal ang mga punong abalang lungsod para sa Palarong Olimpiko sa 2024 at 2028 nang sabay noong 2017, isang panukala na inaprubahan ng Extraordinary IOC Session noong 11 Hulyo 2017 sa Lausanne.[8] Inayos ng IOC ang proseso kung saan nakipagpulong sa IOC ang komite sa pag-anayaya ng LA 2024 at Paris 2024 upang talakayin kung aling lungsod ang mangunguna para sa taong 2024 at 2028, at kung posible bang piliin ang punong-abalang lungsod para sa parehong oras.
Kasunod ng desisyon na parangalin ang dalawang lungsisd nang sabay-sabay, ang lungsod ng Paris ang mas gustong magiging punong-abalang lungsod ng IOC para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2024. Noong 31 Hulyo 2017, inihayag ng IOC ang Los Angeles bilang ang nag-iisang kandidato para sa 2028,[9][10] na nagbibigay-daan sa Paris na makumpirma bilang punong-abalang lungsod para sa 2024. Ang parehong mga desisyon ay Niratipikahan ang mga desisyon sa ika-131 Sesyon ng IOC 13 Setyembre 2017.[11]
Karamihan sa mga kaganapan sa Palarong Olimpiko ay gaganapin sa at sa paligid ng Paris, kabilang ang mga mga kalapit na lungsod ng Saint-Denis, Le Bourget, Nanterre, Versailles, at Vaires-sur-Marne.[12]
Ginanap ang paunang kompetisyon ng basketbol at pangwakas na kompetisyon ng handball sa Lungsod ng Lille na 225 km (140 mi) mula sa punong-abalang lungsod; ginanap sa lungsod ng Marsella ang mga laro sa paglalayag at ilang mga laro para sa putbol na 777 km (483 mi) mula sa Paris; samantala, ang mga kaganapan para sa pag-surf ginanap sa Teahupo'o sa French Polynesia na 15,716 km (9,765 mi) mula sa Paris.
Gaganapin din ang putbol sa karagdagang limang lungsod: Burdeos, Décines-Charpieu (Lyon), Nantes, Niza and Saint-Étienne.
Venue | Events | Capacity | Status |
---|---|---|---|
Stade de France | Seremonya ng Pagbubukas at Pagsasara | 78,338 | Existing |
Athletics | |||
Saint-Denis | Aquatics (paglalangoy, makasining na paglalangoy) Makabagong Pentatlon (paglalangoy) |
15,000 | Temporary |
Aquatics (water polo, diving) | 5,000 | Additional | |
Paris La Défense Arena[lower-alpha 1] | Himnastika (artistic and trampoline) Handball (finals) |
15,220 | Existing |
Stade Olympique Colombes Yves-du-Manoir | Haki sa parang (in 2 courts) | 10,000 and 5,000 | Renovated |
Le Zénith | Handball (preliminaries, quarterfinals) Gymnastics (rhythmic) |
6,293 | Existing |
Palais des sports Marcel-Cerdan | Basketball (women's preliminaries) Modern Pentathlon (fencing) |
4,000 | Existing |
Palais des Sports Maurice Thorez | Basketball 3x3 | 4,000 | Existing |
Le Bourget | Shooting | 3,000 | Temporary |
Venue | Events | Capacity | Status |
---|---|---|---|
Parc des Princes | Football | 61,000 | Existing |
Stade Roland Garros | Court Philippe Chatrier with retractable roof) Tennis (preliminaries, main games and finals) Volleyball (finals) |
15,000 | Existing |
Court Suzanne Lenglen (with temporary roof) Boxing |
10,000 | ||
Court Simonne Mathieu and secondary courts (outdoor preliminaries) Tennis |
9,000 (5,000+2,000+8x250) | ||
Paris-Bercy Arena | Basketball (men's preliminaries) | 7,500 | Existing |
Wrestling | |||
Basketball | 15,000 | ||
Judo | |||
Stade Jean-Bouin | Rugby | 20,000 | Existing |
Champ de Mars | Beach volleyball | 12,000 | Temporary |
Badminton | 6,000 | ||
Seine | Marathon (starting point) | 13,000 (3,000 sitting) |
Temporary |
Racewalking (starting point) | |||
Marathon swimming | |||
Triathlon (swimming) | |||
Paris expo Porte de Versailles | Sport climbing | 6,000 | Temporary |
Table tennis | 6,000 | ||
Champs-Élysées | Road cycling (finish) | 10,000 | Temporary |
Skateboarding | |||
Marathon (finish) | |||
Racewalking (finish) | |||
Triathlon (cycling and running) | |||
Grand Palais | Fencing | 8,000 | Existing |
Taekwondo | |||
Halle Georges Carpentier | Volleyball (men's preliminaries) | 8,000 | Renovated/Expanded |
Les Invalides | Archery | 6,000 | Temporary |
Stade Pierre de Coubertin | Volleyball (women's preliminaries) | 4,836 | Existing |
Dôme de Paris | Weightlifting | 4,600 | Existing |
Venue | Events | Capacity | Status |
---|---|---|---|
Château de Versailles | Equestrian (dressage, jumping, eventing cross country) and cycling (road start) | 80,000 (22,000 + 58,000) |
Temporary |
Modern pentathlon (excluding swimming and fencing) | |||
Le Golf National | Golf | 35,000 | Existing |
Élancourt Hill | Mountain biking | 25,000 | Existing |
Vélodrome de Saint-Quentin-en-Yvelines | Track cycling | 10,000 (2 x 5,000) | Existing |
BMX (racing and freestyle) | |||
Venue | Events | Capacity | Status |
---|---|---|---|
Vaires-sur-Marne | Rowing | 22,000 | Existing |
Kayak | |||
Canoe slalom | |||
Marseille | Sailing | 5,000 | Existing |
Venue | Events | Capacity | Status |
---|---|---|---|
L'Île-Saint-Denis | Olympic Village | 17,000 | Additional |
Le Bourget | Media Village | Temporary | |
International Broadcast Centre | |||
Main Press Centre |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.