From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 1954 ay ang ikatlong edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Long Beach Municipal Auditorium sa Long Beach, California, Estados Unidos noong 24 Hulyo 1954.
Miss Universe 1954 | |
---|---|
Petsa | 24 Hulyo 1954 |
Presenters | Bob Russell |
Pinagdausan | Long Beach Municipal Auditorium, Long Beach, California, Estados Unidos |
Lumahok | 33 |
Placements | 16 |
Bagong sali |
|
Hindi sumali |
|
Bumalik |
|
Nanalo | Miriam Stevenson Estados Unidos |
Congeniality | Efi Androulakakis Gresya |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Christiane Martel ng Pransiya si Miriam Stevenson ng Estados Unidos bilang Miss Universe 1954.[1][2] Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Estados Unidos sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Martha Rocha ng Brasil, habang nagtapos bilang second runner-up si Virginia June Lee ng Hong Kong.[3][4]
Mga kandidata mula sa tatlumpu't-tatlong bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Russel ang kompetisyon sa ikatlong pagkakataon. Itinampok rin sa edisyong ito ang Star of the Universe Crown na may isang-libong Oriental cultured at itim na perlas na nakalagay sa solidong ginto at platino. Ang koronang ito ay ginamit para sa sumunod na anim na edisyon.[5]
Ang mga kalahok mula sa tatlumpu't-tatlong bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kaniyang bansa matapos na mapatalsik ang orihinal na nanalo.
Niluklok ang first runner-up ng Miss Korea 1954 na si Kae Sun-hee bilang kandidata ng Timog Korea sa Miss Universe matapos hindi tanggapin ang visa ni Miss Korea 1954 Pu Rak Hi upang makapasok sa Estados Unidos dahil sa mga paratang na mayroon siyang pagkakaakibat sa mga grupong komunista.[6][7] Ganoon din ang nangyari kay Rika Dialina, Star Hellas 1954, kung saan pinalitan siya ng kanyang first runner-up na si Efi Androulakakis dahil minsan ay nag-pose si Dialina para sa isang libro ng isang komunistang Griyego.[8][9] Subalit, namagitan sa kaso ni Dialina ang noo'y Kalihim ng Estado ng Estados Unidos na si John Foster Dulles, at nakakuha ng temporary entry permit si Dialina dahil dito. Nakarating si Dialina sa Long Beach ilang araw bago ang paunang kompetisyon, dahilan upang magbitiw si Androulakakis sa kompetisyon. Hiniling ng mga organizer na manatili si Androulakakis sa kompetisyon bilang kinatawan ng Creta, subalit tinanggihan ito ni Androulakakis dahil ayon sa kanya, si Dialina raw ang pinili ng kanyang mga kababayan upang kumatawan sa kompetisyon.[10] Bagama't hindi na opisyal na kandidata si Androulakakis, pinangaralan pa rin ito bilang Miss Congeniality.
Unang sumali sa edisyong ito ang Arhentina, Nuweba Selandiya, Brasil, El Salvador, Honduras, Kanlurang Indies, Kosta Rika, Singapura, Taylandiya, at Timog Korea. Bumalik sa kompetisyon ang Hong Kong, Israel, Kuba, at Tsile na siyang huling sumali noong 1952. Hindi sumali si Berta Elena Landaeta ng Beneswela dahil bigla na lamang ito nawala at hindi matagpuan ng mga pageant organizer ang mga pinaroroonan nito.[11] Samantala, hindi sumali si Gertrude Kapi'olani Miller ng Hawaii dahil sa hindi isiniwalat na dahilan. Hindi sumali ang Austrya, Dinamarka, Suwisa, Timog Aprika, at Turkiya matapos na mabigo ang kanilang mga organisasyong pambansa na magdaos ng kompetisyong pambansa o magtalaga ng kalahok.
Dapat sanang lalahok ang mga kandidata mula sa Guwatemala at Nikaragwa sa unang pagkakataon, subalit hindi sila pinayagan ng kanilang mga pamahalaan dahil sa sigalot sa Gitnang Amerika.[11]
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss Universe 1954 | |
1st runner-up | |
2nd runner-up | |
3rd runner-up |
|
4th runner-up | |
Top 16 |
|
Tulad noong 1953, labing-anim na mga semi-finalist ang napili at ibinunyag sa paunang kompetisyon na binubuo ng swimsuit competition at evening gown competition. Ang labing-anim na mga semi-finalist ay magbibigay ng isang maikling talumpati gamit ang kanilang sariling wika. Pagkatapos nito, lumahok sa swimsuit competition at evening gown competition ang mga semi-finalist, at kalaunan ay napili ang limang pinalista.
Tatlumpu't-tatlong kandidata ang lumahok para sa titulo.
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[lower-alpha 1] | Bayan |
---|---|---|---|
Alaska | Charlein Lander[14] | 18 | Fairbanks |
Arhentina | Ivana Olga Kislinger[15] | 22 | Temperley |
Australya | Shirley Bliss[16] | 20 | Narrandera |
Belhika | Christiane Neckaerts[17] | 19 | Nodebais |
Brasil | Martha Rocha[18] | 21 | Salvador |
El Salvador | Myrna Orozco[19] | 20 | San Salvador |
Estados Unidos | Miriam Stevenson[20] | 21 | Winnsboro |
Gresya | Rika Dialina[21] | 22 | Heraklion |
Hapon | Mieko Kondo[22] | 18 | Nagoya |
Honduras | Lilliam Padilla | 21 | Tegucigalpa |
Hong Kong | Virginia June Lee[23] | 20 | Hong Kong |
Israel | Aviva Pe’er[24] | 18 | Tel-Abib |
Italya | Maria Teresa Paliani | 18 | Roma |
Kanada | Joyce Mary Landry | 20 | Toronto |
Kanlurang Alemanya | Regina Ernst[25] | 18 | Bremen |
Kanlurang Indies | Evelyn Andrade[26] | 18 | Kingston |
Kosta Rika | Marian Esquivel[19] | 18 | San José |
Kuba | Isis Finlay[27] | 20 | Havana |
Mehiko | Elvira Castillo Olivera[28] | 19 | Lungsod ng Mehiko |
Nuweba Selandiya | Moana Manley[29] | 18 | Auckland |
Noruwega | Mona Stornes[30] | 19 | Oslo |
Panama | Liliana Torre[31] | 18 | Lungsod ng Panama |
Peru | Isabella León[19] | 18 | Lungsod ng Lima |
Pilipinas | Blesilda Ocampo[32] | 18 | Maynila |
Pinlandiya | Lenita Airisto[33] | 18 | Helsinki |
Porto Riko | Lucy Santiago[34] | 23 | San Juan |
Pransiya | Jacqueline Beer[35] | 21 | Bois-Colombes |
Singapura | Marjorie Wee[36] | 21 | Singapura |
Suwesya | Ragnhild Olausson[37] | 19 | Estokolmo |
Taylandiya | Amara Asavananda | 18 | Bangkok |
Timog Korea | Kae Sun-hee[38] | 19 | Seoul |
Tsile | Gloria Leguisos[39] | 21 | Santiago |
Urugway | Ana Moreno[40] | 22 | Montevideo |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.