From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Miss Universe 1952 ay ang unang edisyon ng Miss Universe pageant, na ginanap sa Long Beach Municipal Auditorium sa Long Beach, California, Estados Unidos noong 28 Hunyo 1952.[1][2]
Miss Universe 1952 | |
---|---|
Petsa | 28 Hunyo 1952 |
Presenters | Bob Russel |
Entertainment | Bell Sisters |
Pinagdausan | Long Beach Municipal Auditorium, Long Beach, California, Estados Unidos |
Lumahok | 30 |
Placements | 10 |
Bagong sali |
|
Nanalo | Armi Kuusela Pinlandiya |
Congeniality | Myriam Lynn Belhika Valerie Johnson Montana |
Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ng aktres na si Piper Laurie si Armi Kuusela ng Pinlandiya bilang Miss Universe 1952. Ito ang kauna-unahang tagumpay ng Pinlandiya, at ang kauna-unahang nagwagi bilang Miss Universe sa kasaysayan ng kompetisyon.[3] Nagtapos bilang first runner-up si Elza Edsman ng Hawaii, habang nagtapos bilang second runner-up si Ntaizy Mavraki ng Gresya.[4][5]
Mga kandidata mula sa tatlumpung mga bansa at teritoryo ang lumahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan ni Bob Russel ang kompetisyon. Nagtanghal ang Bell Sisters sa edisyong ito.[6] Itinampok rin sa edisyong ito ang Romanov Imperial Nuptial Crown, na dating pagmamay-ari ng isang tsar na Ruso na nagkakahalaga ng $500,000. Ito ay may humigit-kumulang 1,535 diyamante, at 300 karat. Ang koronang ito ay ginamit lamang para sa edisyong ito.[7]
Matapos tumangging mag-pose para sa publicity picture si Miss America 1951 Yolande Betbeze habang suot ang damit panlangoy mula sa Catalina,[8][9] Nakipag-negosasyon ang noo'y executive producer ng Miss Universe na si Oliver Reinhardt noong Oktubre 1950 sa mga opisyal ng Pan American World Airways at Catalina Swimwear upang isponsor ang Miss Universe pageant, na gaganapin sa Long Beach. Pumayag ang Catalina Swimwear na pangunahan ang Miss USA at nagsilbing opisyal na carrier ng kompetisyon ang Pan American World Airways.[10] Naglaan ng $30,000 USD ang lungsod ng Long Beach para sa kompetisyon na gaganapin mula 23 Hunyo hanggang 30 Hunyo 1952.[11][12]
Ang mga kalahok mula sa tatlumping bansa at teritoryo ay napili upang lumahok sa kompetisyon sa unang pagkakataon. Isang kandidata ang nailuklok upang kumatawan sa kanyang bansa matapos na umurong ang orihinal na nanalo.
Iniluklok si Gladys Rubio Fajardo upang kumatawan sa Urugway matapos bumitiw sa kompetisyon si Miss Uruguay 1952 Rosa Adela "Nenela" Prunell dahil sa hindi isiniwalat na dahilan.[13]
Ang age requirement sa edisyong ito ay mula labinwalo hanggang dalawampu't-walong taong gulang, at maari ring lumahok ang mga babaeng kasal na, at mayroon nang anak.[10] Ang patakarang ito ay pinalitan noong 1956 kung saan ipinagbabawal na ang paglahok ng mga babaeng kasal na o mayroong nang anak, ngunit ang patakarang ito ay ibinalik noong 2023.[14][15]
Pagkakalagay | Kandidata |
---|---|
Miss Universe 1952 | |
1st runner-up | |
2nd runner-up | |
3rd runner-up | |
4th runner-up |
|
Top 10 |
|
Tatlumpung kandidata ang lumahok para sa titulo.[17]
Bansa/Teritoryo | Kandidata | Edad[lower-alpha 1] | Bayan |
---|---|---|---|
Alaska | Shirley Burnett | 19 | Anchorage |
Australya | Leah MacCartney[18] | 19 | Melbourne |
Belhika | Myriam Lynn[19] | 25 | Bruselas |
Beneswela | Sofía Silva[20] | 23 | Tumeremo |
Dinamarka | Hanne Sørensen[21] | 20 | Copenhague |
Estados Unidos | Jacqueleen Loughery[22] | 21 | Brooklyn |
Gran Britanya | Aileen Chase | 21 | Londres |
Gresya | Ntaizy Mavraki[23] | 18 | Atenas |
Hapon | Himeko Kojima[24] | 20 | Osaka |
Hawaii | Elza Kananionapua Edsman[25] | 20 | Honolulu |
Hong Kong | Judy Dan[26] | 21 | Hong Kong |
Indiya | Indrani Rahman[27] | 21 | Chennai |
Israel | Ora Vered[28] | 18 | Tel-Abib |
Italya | Giovanna Mazzotti[24] | 19 | Lombardia |
Kanada | Ruth Carrier | 21 | Toronto |
Kanlurang Alemanya | Renate Hoy[24] | 21 | Munich |
Kuba | Gladys López | 20 | Havana |
Mehiko | Olga Llorens Pérez[29] | 21 | Ciudad Juárez |
Noruwega | Eva Røine | 24 | Mysen |
Panama | Elzibir Gisela Malek[30] | 18 | Cocle |
Peru | Ada Gabriela Bueno[31] | 18 | Lungsod ng Lima |
Pilipinas | Teresita Sanchez[32] | 19 | Malolos |
Pinlandiya | Armi Kuusela | 17 | Muhos |
Porto Riko | Marilia Levy Bernal[33] | 20 | Lares |
Pransiya | Claude Goddart[34] | 22 | Burdeos |
Suwesya | Anne Marie Thistler[35] | 19 | Estokolmo |
Timog Aprika | Catherine Higgins[36] | 19 | Transvaal |
Tsile | Esther Saavedra Yoacham[37] | 23 | Santiago |
Turkiya | Gelengul Tayforoglu[38] | 18 | Ankara |
Urugway | Gladys Rubio Fajardo | 21 | Montevideo |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.