From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Malayong Silangan o Dulong Silangan (Ingles: Far East) ay isang salitang panheograpiya na kadalasang tumutukoy sa Silangang Asya (kasama ang Hilagang-silangang Asya), ang Malayong Silangang Rusya (bahagi ng Hilagang Asya), at Timog-silangang Asya.[1] Minsang isinasama rin ang Timog Asia para sa mga kadahilanang ekonomiko at kalinangan.[2] Unang ginamit ang salitang "Far East" sa wikang Ingles sa mga diskursong heopolitika sa Europa noong ika-12 dantaon. Tinukoy ang Malayong Silangan bilang "pinakamalayo" sa tatlong "mga silangan", sa labas ng Malapit na Silangan (Near East) at ng Gitnang Silangan (Middle East). Gayon din, noong Dinastiyang Qing ng ika-19 at unang bahagi ng ika-20 mga dantaon ang salitang "Tàixī (泰西)" – iyan ay anumang mas-kanluran sa mundong Arabe – ay ginamit upang matukoy ang mga bansang Kanluranin.
Malayong Silangan (Dulong Silangan) Far East | |||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Pangalang Tsino | |||||||||||||||||
Tradisyunal na Tsino | 遠東 | ||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 远东 | ||||||||||||||||
Kahulugang literal | Malayong Silangan | ||||||||||||||||
| |||||||||||||||||
Pangalang Burmese | |||||||||||||||||
Burmes | အရှေ့ဖျား ဒေသ | ||||||||||||||||
IPA | [ʔəʃḛbjá dèθa̰] | ||||||||||||||||
Pangalang Biyetnames | |||||||||||||||||
Alpabetong Biyetnames | Viễn Đông | ||||||||||||||||
Chữ Hán | 遠東 | ||||||||||||||||
Pangalang Thai | |||||||||||||||||
Thai | ตะวันออกไกล Tawan-oak klai | ||||||||||||||||
Pangalang Koreano | |||||||||||||||||
Hangul | 극동 | ||||||||||||||||
Hanja | 極東 | ||||||||||||||||
| |||||||||||||||||
Pangalang Mongol | |||||||||||||||||
Sirilikong Mongol | Als Dornod | ||||||||||||||||
Pangalang Hapones | |||||||||||||||||
Kanji | 極東 | ||||||||||||||||
Katakana | キョクトウ | ||||||||||||||||
| |||||||||||||||||
Pangalang Malay | |||||||||||||||||
Malay | تيمور جاوء Timur Jauh | ||||||||||||||||
Pangalang Indones | |||||||||||||||||
Indones | Timur Jauh | ||||||||||||||||
Pangalang Tagalog | |||||||||||||||||
Tagalog | Kasilanganan Silanganan (poetiko) Malayong Silangan (literal) | ||||||||||||||||
Pangalang Portuges | |||||||||||||||||
Portuges | Extremo Oriente | ||||||||||||||||
Pangalang Ruso | |||||||||||||||||
Ruso | Дальний Восток Pagbigkas sa Ruso: ˈdalʲnʲɪj vɐˈstok | ||||||||||||||||
Romanisasyon | Dál'niy Vostók |
Mula noong dekada-1960, ang "Silangang Asya" ay naging pinakakaraniwang tawag sa rehiyon sa pandaigdigang mga outlet ng midyang pangmasa.[3][4]
Bago ang panahong kolonyal, tumutukoy ang "Malayong Silangan" sa alinman lugar sa silangan ng Gitnang Silangan. Noong ika-16 na dantaon, tinawag ni Haring Juan III ng Portugal ang India na isang "mayaman at nakapupukaw na bansa sa Malayong Silangan[5] (Extremo Oriente)." Pinatanyag ang salita noong panahon ng Imperyong Britaniko bilang pangkalahatang termino para sa mga lupain sa silangan ng Britanikong India.
Sa heopolitikang Europeo bago ang Unang Digmaang Pandaigdig, ang Malapit na Silangan (Near East) ay tumtukoy sa malalapit na mga lupain ng Imperyong Otomano, ang Gitnang Silangan (Middle East) ay nagpapahiwatig sa hilagang-kanlurang bahagi ng Timog Asya at ng Gitnang Asya, at ang Malayong Silangan (Far East) ay nagngangahulugan sa mga bansang sa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko at silangang bahagi ng Karagatang Indiyano. Maraming mga wikang Europeo ay may magkakahawig na mga termino, tulad ng Pranses (Extrême-Orient), Kastila (Lejano Oriente), Portuges (Extremo Oriente), Aleman (Ferner Osten), Italyano (Estremo Oriente), Polako (Daleki Wschód), Noruwego (Det fjerne Østen) at Olandes (Verre Oosten).
Kapuna-punang pumupukaw ang termino sa pangkalinangan at pangheograpiya na paghihiwalay; hindi lamang malayo ang "Malayong Silangan" ayon sa heograpiya, kung hindi eksotiko ito ayon sa kalinangan. Bilang halimbawa, hindi nito tinutukoy ang makakanluraning bansa ng Australya at New Zealand na mas malayo pa sa Silangang Asya sa silangan ng Europa. Malinaw na inilarawan ni Robert Menzies, isang Punong Ministro ng Australya, ang pinaghalong pangkuktura at pangheograpiyang subdyektibidad na ito. Habang pinagmumuni-muni ang mga kapakanang pangheopolitika ng kaniyang bansa kalakip ng pagsisimula ng digmaan, nagkomento siya na (isinalin sa Tagalog/Filipino):
Iba ang mga suliranin sa Pasipiko. Kung anong tinatawag na Malayong Silangan ng Gran Britanya ay Malapit na Hilaga para sa amin.[6]
Sa pangkaraniwang kahulugan maihahambing ang Malayong Silangan sa mga termino tulad ng "ang Oryente" ("the Orient"), na nagngangahulugang Silangan; ang "Mundong silanganan;" o sa payak "Silangan." Sa papaano man maaaring isama sa Malayong Silangan ang Timog-silangang Asya, ang Malayong Silangan ng Rusya, at kung minsan ang Subkontienteng Indiyano.
Tungkol naman sa termino, sinulat nina John K. Fairbank at Edwin O. Reischauer, mga propesor ng East Asian Studies sa Unibersidad ng Harvard, sa aklat na East Asia: The Great Tradition na (sa Tagalog/Filipino):
Nang lumakbay ang mga Europeo sa dakong silangan upang maabot ang Cathay, Hapon at Kaindiyahan, likas nilang binigyan ng pangkalahatang pangalan na 'Far East' ang mga malalayong rehiyon na iyon. Maari sanang tinawag ng mga Amerikanong lumayang patungong Tsina, Hapon at Timog-silangang Asya sa pamamagitan ng Pasipiko ang lugar na iyon na 'Malayong Kanluran,' dahil na rin sa magkatulad na lohika. Ngunit para sa mamamayang nakatira sa bahaging iyon ng mundo, hindi ito 'Silangan' o 'Kanluran' at siguradong hindi 'Malayo.' Ang pangkalahatang mas katanggap-tanggap na termino para sa lugar ay 'Silangang Asya,' na tiyak ayon sa heograpiya at hindi ipinahihiwatig ang lipás nang ideya na ang Europa ay ang sentro ng sibilisadong mundo."[4][7]
Sa kasalukuyan, nananatili ang termino sa mga pangalan ng matagal nang mga institusyon, tulad ng Unibersidad Pederal ng Malayong Silangan sa Vladivostok, Pamantasan ng Dulong Silangan sa Maynila, at ang Unibersidad ng Malayong Silangan (Korea) sa Timog Korea. Bilang karagdagan, dating ginamit ng Nagkakaisang Kaharian at ng Estados Unidos ang Malayong Silangan para sa ilang mga yunit at hukbong militar sa rehiyon, tulad ng Far East Fleet ng Maharlikang Hukbong Dagat .
Pangalan ng rehiyon[8] at teritoryo, kasama ang watawat |
Lawak (km²) |
Populasyon |
Kapal ng populasyon (per km²) |
Kabisera | Mga uri ng pamahalaan | Pananalapi | Mga kinikilalang wika |
---|---|---|---|---|---|---|---|
Hilagang Asya | |||||||
Rusya[9] | 6,952,600[10] | 8,371,257[10] | 1.2 | Mosku | Pederal na republikang kalahi-pampanguluhan | Rublo | Ruso at 27 ibang mga co-opisyal na wika |
Timog-silangang Asya | |||||||
Brunei | 5,765 | 417,200 | 72.11 | Bandar Seri Begawan | Ganap na Sultanatong Islamiko | Dolyar ng Brunei | Malay at Ingles |
Cambodia | 181,035 | 16,245,729 | 81.8 | Phnom Penh | Monarkiyang konstitusyonal | Riel | Khmer |
Pulo ng Christmas[11] | 135 | 1,843 | 10.39 | Flying Fish Cove | Teritoryong panlabas ng Australya | Dolyar ng Australya | Wala[12] |
Kapuluang Cocos (Keeling)[13] | 14 | 544 | 43.0 | West Island | Teritoryong panlabas ng Australya | Dolyar ng Australya | Wala[14] |
Indonesya | 1,904,569 | 261,115,456 | 138.0 | Jakarta | Republikang pampanguluhan | Rupiah | Indones |
Laos | 237,955 | 6,758,353 | 26.7 | Vientiane | Socialist Republic | Kip | Lao |
Malaysia | 330,803 | 32,049,700 | 92.0 | Kuala Lumpur | Pederal na monarkiyang konstitusyonal, Demokrasyang parlamentaryo |
Ringgit | Malay |
Myanmar (Burma) | 676,578 | 53,582,855 | 76.0 | Naypyidaw | Pinag-isang pampanguluhang republikang konstitusyonal |
Kyat | Birmano |
Pilipinas | 300,000 | 100,981,437 | 336.0 | Maynila | Pinag-isang pampanguluhang republikang konstitusyonal |
Piso | Filipino at Ingles |
Singapore | 722.5 | 5,638,700 | 7,804.0 | Singapore | Republikang parlamentaryo | Dolyar ng Singapore | Malay, Ingles, Mandarin, at Tamil |
Thailand | 513,120 | 68,863,514 | 132.1 | Bangkok | Monarkiyang konstitusyonal, Demokrasyang parlamentaryo sa ilalim ng military junta |
Baht | Thai |
Silangang Timor (Timor-Leste) | 15,410 | 1,167,242 | 78.0 | Dili | Republikang parlamemtaryo | Dolyar ng Estados Unidos / Mga baryang sentimo | Tetum at Portuges |
Vietnam | 331,212 | 94,569,072 | 276.03 | Hanoi | Isang-partidong estado, Republikang sosyalista |
đồng | Biyetnames |
Silangang Asya | |||||||
Tsina[15] | 9,598,094[16] |
1,371,821,094[17] | 145.0 | Beijing | Isang-partidong republikang sosyalista | Yuan (Renminbi) | Wikang Mandarin[18] |
Hong Kong[19] | 1,108 | 7,448,900 | 6,777.0 | Hong Kong | Natatanging rehiyong pampangasiwaan ng Republikang Bayan ng Tsina. |
Dolyar ng Hong Kong | Tsino,[20] Ingles |
Hapon | 377,973 | 126,440,000 | 334.0 | Tokyo | Demokrasyang parlamentaryo, Monarkiyang konstitusyonal |
Yen | Wala (Hindi pa nakakapagpasa ng batas ang Pambansang Diet (lehislatura) ng Hapon na kumikilala sa Hapones bilang opisyal na wika ng bansa.) |
Macau[21] | 115.3 | 653,100 | 21,340.0 | Macau | Natatanging rehiyong pampangasiwaan ng Republikang Bayan ng Tsina |
Pataca | Tsino,[22] Portuges |
Mongolia | 1,566,000 | 3,081,677 | 1.97 | Ulaanbaatar | Republikang parlamentaryo | Tögrög | Monggol |
Hilagang Korea | 120,540 | 25,368,620 | 212.0 | Pyongyang | Pinag-isang diktadurang Juche Republikang sosyalista |
Won ng Hilagang Korea | Koreano |
Timog Korea | 100,363 | 51,446,201 | 507.0 | Seoul | Republikang pampanguluhan | Won ng Timog Korea | Koreano |
Taiwan[23] | 36,197 | 23,577,271 | 650.0 | Taipei | Sistemang kalahi-pampanguluhan | Dolyar ng Bagong Taiwan | Mandarin |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.