![cover image](https://wikiwandv2-19431.kxcdn.com/_next/image?url=https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/0/05/2016-07-23_14-33-03_Alabang_Zapote_Road.jpeg/640px-2016-07-23_14-33-03_Alabang_Zapote_Road.jpeg&w=640&q=50)
Daang Alabang–Zapote
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Daang Alabang–Zapote (Ingles: Alabang–Zapote Road) ay isang pambansang daang may apat na linya at haba na 10.9 kilometro (6.8 milya) na dumadaan mula silangan pa-kanluran sa katimugang dulo ng Kalakhang Maynila, Pilipinas. Kalinya nito ang Abenida Dr. Santos sa hilaga at pinangalan ito mula sa dalawang baranggay na pinag-uugnay nito: Alabang sa Muntinlupa at Zapote sa Las Piñas. Ang Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan o DPWH ang nangangasiwa sa lansangang ito.
Daang Alabang–Zapote Alabang–Zapote Road | |
---|---|
Calle Real (Real Street) | |
![]() Daang Alabang–Zapote papalapit ng Daang CAA, Barangay Talon Uno. | |
Impormasyon sa ruta | |
Pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan | |
Haba | 10.9 km (6.8 mi) |
Bahagi ng | ![]() |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | ![]() |
| |
Dulo sa silangan | ![]() |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Mula sa silangang dulo nito sa isang palitan sa South Luzon Expressway at Metro Manila Skyway sa Alabang, Muntinlupa, dadaan ang Daang Alabang–Zapote pakanluran patungo sa mga sangandaan nito sa Abenida Diego Cera at Lansangang Aguinaldo sa Las Piñas. At simula noong 1997, tumutuloy na ito pakanluran hanggang sa kasalukuyang dulo nito sa kanluran sa CAVITEx (R-1) sa Bacoor, Cavite, sa pamamagitan ng isang flyover at tulay.[1]
Dinadala ng daan ang higit sa 70,000 sasakyan kada araw magmula noong 2016, at tinitiis nito ang mga pagsisikip sa trapiko. Naitala ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA) ang Daang Alabang–Zapote bilang isang pangunahing punto ng paninikip (o kung tawagi'y choke point), at binago ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP), o balaking "color coding", sa daan upang hindi na kabilang ang mga window hour.