Las Piñas
lungsod ng Pilipinas sa Kalakhang Maynila / From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Lungsod ng Las Piñas ay isang lungsod sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Napapaligiran ito sa hilaga at hilagang-silangan ng Lungsod ng Parañaque; sa silangan at timog-silangan ng Lungsod ng Muntinlupa; sa timog ng Munisipalidad ng Imus, Cavite; sa timog-kanluran at kanluran ng Munisipalidad ng Bacoor, Cavite; at sa timog-kanluran ng Look ng Maynila. Pamahayan (residential) ang kalahati ng nasasakupan ng lupain samantalang pangkalakalan (commercial), industriyal at institusyunal ang natitirang kalahati. Binubuo ang kasalukuyang pisograpiya ng Las Piñas ng tatlong sona: Look ng Maynila, Coastal Margin at Guadalupe Plateau. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 606,293 sa may 156,899 na kabahayan.
Agarang impormasyon Las Piñasᜎᜐ᜔ ᜉᜒᜈ᜔ᜌᜐ᜔ Lungsod ng Las Piñas, Bansa ...
Las Piñas ᜎᜐ᜔ ᜉᜒᜈ᜔ᜌᜐ᜔ Lungsod ng Las Piñas | ||
---|---|---|
| ||
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng Las Piñas | ||
Mga koordinado: 14°27′N 120°59′E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Pambansang Punong Rehiyon (NCR) | |
Distrito | Nag-iisang Distrito ng Las Piñas | |
Mga barangay | 20 (alamin) | |
Pagkatatag | 1762 | |
Ganap na Lungsod | 26 Marso 1997 | |
Pamahalaan | ||
• Punong Lungsod | Imelda Aguilar | |
• Manghalalal | 291,074 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 32.69 km2 (12.62 milya kuwadrado) | |
Populasyon (Senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 606,293 | |
• Kapal | 19,000/km2 (48,000/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 156,899 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lungsod | |
• Antas ng kahirapan | 2.50% (2021)[2] | |
• Kita | ₱3,532,202,969.00 (2020) | |
• Aset | ₱10,511,413,540.00 (2020) | |
• Pananagutan | ₱3,602,512,759.00 (2020) | |
• Paggasta | ₱2,519,470,383.00 (2020) | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
Kodigong Pangsulat | 1740–1752 | |
PSGC | 137601000 | |
Kodigong pantawag | 02 | |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima | |
Mga wika | wikang Tagalog | |
Websayt | laspinascity.gov.ph |
Isara