Metro Manila Skyway
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Metro Manila Skyway, na mas-kilala sa madla bilang Skyway, ay isang fully grade separated na nakaangat na mabilisang daanan na nagsisilbi bilang pangunahing mabilisang daanan sa katimugang Kalakhang Maynila, at sumusunod sa pagkakalinya ng umiiral na South Luzon Expressway (SLEX) sa ibabaw nito. Humahaba ito mula Gil Puyat Avenue sa hilaga hanggang Alabang–Zapote Road sa timog at tumatawid ito sa mga lubhang urbanisadong pook ng Makati, Pasay, Taguig, Parañaque, at Muntinlupa, at pinapagaan nito ang SLEX at ibang mga pangunahing lansangan mula sa mabigat na trapiko.
Metro Manila Skyway | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 31.2 km (19.4 mi) kasama ang kasalukuyang itinatayo na Ikatlong Yugto |
Umiiral | 1998–kasalukuyan |
Bahagi ng |
|
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | N190 (Abenida Gil Puyat) at Kalye Malugay, Makati |
Dulo sa timog | AH26 / E2 (South Luzon Expressway) at Daang Bunye, Alabang, Muntinlupa |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Skyway ay ang unang fully grade-separated highway (o lansangang nakahiwalay nang husto sa lupa) sa Pilipinas. Isa ito sa mga pinakamahabang flyover sa mundo na may kabuuang haba na 31.2 kilometro (19.4 milya). Nagbibigay ito ng daan papasok sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino sa pamamagitan ng NAIA Expressway. Kalakip ng pagkokompleto ng Ikatlong Yugto ng Karugtong ng Skyway (Skyway Extension Stage 3) na nakatakda sa 2020, mag-uugnay ang nakaangat na mabilisang daanan sa North Luzon Expressway sa Lungsod Quezon, at maitutulong mabawasan ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Maynila at Paliparang Pandaigdig ng Clark sa Pampanga.[1]
Dahil sa pagbubukas ng sistemang Skyway, malaki ang binago sa sitwasyong trapiko ng South Luzon Expressway kalakip ng karagdagang kapasidad ng daanan, naiayos na mga daan, pinaganda at bagong tayong mga pasilidad.
Mula 2011, ginagamit ang Metro Manila Skyway bilang pangunahing running course ng Condura Skyway Marathon.[2]
Kalakip ng pagbubukas ng sistemang Skyway, ang mga motorista ay pinadala sa isang sistemang may-bayad na daan habang ang trapiko sa South Luzon Expressway ay gumanda nang husto dahil sa dagdag na kapasidad ng daan, mga naayos na daan, at mga bago at pinagandang pasilidad.
Noong Nobyembre 27, 1995, ang PT CITRA, isang mamumuhunan, ay pumasok sa isang kasunduang Supplemental Toll Operation Agreement (STOA) kasama ang pamahalaan ng Republika ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Toll Regulatory Board (TRB) bilang tagapahintulot, at ang Philippine National Construction Corporation (PNCC) bilang tagapagpatakbo. Ang STOA ay bunga ng mga usapan sa bawa't mga partido na opisyal na nagsimula noong Oktubre 31, 1994 sa pagbuo ng Technical Working Group na binubuo ng mga kinatawan mula sa Lupon ng mga Pamumuhunan (BOI), Kagawaran ng Pananalapi (DOF), AIA Capital bilang tagapayo ng pananalapi, Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), TRB, PNCC, at PT CITRA Group.
Sa ilalim ng STOA, iniutos ang CMMTC na magpinansya, magdisenyo at magtayo ng Unang Baitang ng Proyektong South Metro Manila Tollway na binubuo ng isang nakaangat na mabilisang daanan mula Bicutan hanggang Gil Puyat at pagsasama rito ang pagpapaganda at pagpapanatili ng bahaging nasa lupa ng proyektong South Metro Manila Tollway, na binubuo naman ng isang nakaangat na mabilisang daanan mula Nichols hanggang Alabang, ay itinuturing isang pinagsamang sistema ng Unang Baitang ng South Metro Manila Tollway. Karampatang inapruba ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang STOA noong Abril 7, 1996.
Nakapaloob sa Unang Yugto ang pagaayos ng bahaging nasa lupa na Magallanes-Alabang at ang pagtatayo ng isang pang-anim na landas at sampung kilometrong nakaangat na mabilisang daanan mula Gil Puyat (Buendia) hanggang Bicutan. Nagsimula ang Unang Yugto noong Abril 7, 1995 at bahagyang binuksan sa mga motorista noong Oktubre 1999. Unang nakompleto ang mga labasan ng Abenida Gil Puyat (Buendia), Makati, Magallanes Village, Skyway Toll Plazas A at B at Bicutan noong Disyembre 26, 1997. Natapos naman ang Labasan ng Don Bosco noong Enero 3, 2002. Itinayo ang Labasan ng NAIA Terminal 3 sa pagitan ng Setyembre 5, 2004 at 2010. Gumasta ang CMMTC ng $32,746,652.19 para sa Unang Yugto na may habang 9.5 kilometro.
Inihayag ng Citra Metro Manila Tollways Corp. noong Abril 2, 2009 ang patatayo ng Ikalawang Yugto ng Skyway.[3] Pagsapit ng Hunyo sa taong iyon, itinatayo na ang mga bagong haligi nito. Pagsapit ng Mayo 4, 2010, 50% tapos ang Ikalawang Yugto at inikot ng Citra Metro Manila Tollways Corp. ang pinakamataas na pierhead sa pook ng Sucat; pagsapit naman ng Hulyo 25, 65% tapos na ito, kalakip ng paglalagay ng kongkreto sa 134 sa kinakailangang 238 mga agwat, at sinimulan ang paglalatag ng aspalto. Binuksan ang bahaging Bicutan-Sucat noong Disyembre 15. Nakagagamit ang mga motorista ng bahaging ito nang libre hanggang Disyembre 22, nang ibinalik ng Skyway ang mga bayarin nito sa mga antas bago ang taong 2007. Noong Abril 6, 2011, binuksan sa publiko nang walang sinisinggil na bayarin (hanggang Abril 25) ang rampang labasan ng Hillsborough, tarangkahang pambayad ng Alabang, at Labasan ng South Station. Pinahaba ng Ikalawang Yugto nang 7 kilometro (4.3 milya) ang nakaangat na mabioisang daanan, mula Bicutan hanggang Alabang.
Upang makatulong sa pagpapaibsan ng bumibigat na daloy ng trapiko sa Kalakhang Maynila, ipinanukala ng pamahalaan ang pagtatayo ng Ikatlong Yugto ng Skyway (Skyway Stage 3) na dadaan sa ilang mga lungsod sa daklunsod, na may habang 14.8 kilometro. Uugnayin nito ang mga mabilisang daanan ng North Luzon Expressway at South Luzon Expressway. Sinimulan ang pagtatayo noong Pebrero 17, 2014, at inaasahang matatapos ito pagsapit ng Abril 2018.[4][5] Ngunit naurong sa 2020 ang nakatakdang pagtatapos ng proyekto dahil sa mga antala sa pagtatayo at mga usaping karapatan sa daanan (right-of-way).[6][7] Ang mga usaping karapatan sa daanan din ang naging sanhi ng paglipat ng pagkakahanay ng bahaging Santa Mesa ng Ikatlong Yugto, at sinusunod ng bagong disenyo ang Ilog San Juan sa halip na dumaan sa Kalye Old Santa Mesa.
Binuksan sa mga motorista noong Hunyo 2018 ang maliit na kahabaan ng pahilagang mga landas ng bahaging Buendia-Quirino na tumatawid sa Abenida Gil Puyat. Binuksan ang bahaging Buendia-Plaza Dilao noong Hulyo 22, 2019.
Isang sunog sa pagawaan ng mga plastik ng San Miguel Yamamura Packaging Corp. sa Pandacan ay nagpaguho ng isang 300 metro (980 talampakang) kahabaan ng Ikatlong Yugto ng Skyway na magpapa-antala sa pagtatapos ng proyekto.[8]
Nagsisimula ang Skyway sa Barangay San Isidro, Makati, sa may timog ng Abenida Gil Puyat. A-angat ito sa ibabaw ng Palitan ng Magallanes at babalik sa orihinal na lebel nito pagkatapos ng pagtawid sa EDSA. Ang unang nakaangat na bahagi ay nagtatapos sa Palitan ng NAIA Expressway, kung saan bababa ito sa lebel ng lupa at kalinya ng SLEX at PNR Metro South Commuter Line sa hangganan ng Pasay-Taguig. Babalik sa pagiging nakaangat ang Skyway malapit sa Labasan ng C-5 at Arca South. Kalaunan liliko ito nang bahagya sa Bicutan, malapit sa dating dulo nito, at tutuloy ito sa pagtahak sa ibabaw ng SLEX. Sa Labasan ng Sucat, a-angat ang Skyway sa ibabaw ng silangang dulo ng Abenida Dr. Arcadio Santos at bababa bago matumbok ang tarangkahang pambayad sa Cupang, Muntinlupa. Isang labasan ay magpapabalik sa South Luzon Expressway at isang rampang pasukan ay nagdadala ng trapiko bais-bersa. Paglampas ng tarangkahang pambayad at labasan pa-SLEX, kikipot sa isang linya kada direksyon ang Skyway, at liliko ito pakanluran bago sumama sa Daang Alabang–Zapote malapit sa South Station sa Alabang.
Ang Ikatlong Yugto na kasakukuyang itinatayo ay nahahati sa limang mga bahagi. Ang Unang Bahagi (Section 1) ay nagsisimula sa Labasan ng Gil Puyat at dadaan pahilaga sa kahabaan ng Lansangang Osmena, liliko pakanan sa Abenida Quirino (C-2) at tatapos sa Zamora Flyover. Liliko naman ang Ikalawang Bahagi (Section 2) sa pampribadong planta ng Manila Plastics Packaging (pag-aari ng San Miguel Corporation na parehong konsesyonaryo ng Skyway), susunod sa kurba ng Ilog San Juan at mag-uugnay sa Abenida Gregorio Araneta sa Santa Mesa, Maynila, malapit sa SM City Santa Mesa. Sa sangandaan ng Bulebar Aurora nagsisimula ang Ikatlong Bahagi (Section 3) na dadaan sa kahabaan ng Abenida Gregorio Araneta hanggang sa makaabot ito sa Abenida Quezon, kung saang tutuloy ang Ikatlong Yugto bilang Ikaapat na Bahagi (Section 4). Liliko ito pakaliwa sa Abenida Sarhento Rivera at liliko pahilaga patungong Palitan ng Balintawak sa EDSA sa kahabaan ng Abenida Bonifacio. Mula rito nagsisimula ang Ikalimang Bahagi (Section 5) na tatawid sa ibabaw ng EDSA at nag-uugnay sa NLEx paglampas ng flyover ng Lansangang Quirino. Ang kabuuang haba ng Ikatlong Yugto ay 14 na kilometro.[5]
Ang inayos at nasa lupang bahagi ng South Luzon Expressway (SLEX) mula Nichols hanggang Alabang at ang nakaangat na mabilisang daanan mula Buendia hanggang Bicutan ay tinatawag na ngayong Metro Manila Skyway System. Pinamamahala ito ng Skyway Operations and Maintenance Corporation (SOMCo), isang kompanya ng umiiral na PNCC – mayhawak, Citra Metro Manila Tollways Corporation. Kinuha ng SOMCo ang pamamahala at pagpapanatili ng Skyway mula sa dating tagapamahala, PNCC Skyway Corporation, epektibo noong Enero 2008 at itinatag sang-ayon sa probisyong hinihingi sa Amended Supplemental Toll Operators Agreement (A-STOA) sa pagitan ng PNCC, Citra Metro Manila Tollways Corp. at Toll Regulatory Board (TRB) noong Hulyo 2007.
Nasa atas ang SOMCo ng tatlong pangunahing gawaing pampamamahala: ang kaligtasan at katiwasayan sa trapiko, ang pagpapanatili ng mga pasilidad, at ang pangongolekta ng mga bayarin.
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. (Oktubre 2023) |
Tinaguriang "'Ikatlong Yugto ng Skyway'" (Skyway Stage 3), nakatanggap ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) ng isang kusang panukala mula sa Citra Metro Manila Tollways Corp. (CMMTC) para sa pagtatayo ng karugtong ng Skyway na tatakbo mula Bicutan, Taguig hanggang Balintawak, Lungsod Quezon, sang-ayon sa panukala. Sinama ng DPWH ang proyekto sa PPP (o Pagtutulungan ng Pampubliko at Pribadong Sektor)trust nito at isinailalim sa isang Swiss Challenge, isang pamamaraan na nag-aatas sa isang ahensiya ng pamahalaan na nakatanggap ng isang kusang halaga (unsolicited bid) para sa isang proyekto na ilathala ang halaga at mag-anyaya ng mga ikatlong partido para i-tumbas o i-higitan ang halagang ito.
Kasalukuyang itinatayo, nagsimula ang pagtatayo ng Ikatlong Yugto noong Abril 2014. Nakasaad sa naunang mga panukala ang 14 na kilometrong proyekto na hahatiin sa apat na mga bahagi.[9] Ang mga antalang dulot ng mga usaping karapatan sa daan ay nagpalipat ng pagkakalinya ng Ikalawang Bahagi ng Ikatlong Yugto. Ang naunang pagkakahanay ay magkakaroon ng Zamora flyover at tatawid ng Ilog Pasig, sasanib sa NLEx-SLEx connector tollway malapit sa kampus ng PUP, at dadaan sa mga kalye ng Old Santa Mesa at Victorino Mapa. Inilipat ito paglaon upang iliko ang kahabaan mula sa Zamora flyover patungong planta ng San Miguel Plastics Packaging, at susunod sa Ilog San Juan hanggang sa sangandaan ng Abenida Gregorio Araneta at Bulebar Aurora. Isa pang pagbabago sa mga panukala ay ang pagdaragdag ng ikalimang bahagi sa hilagang dulo ng proyekto. Sa halip na tatapos sa mismong Palitan ng Balintawak sa EDSA, tatawid sa ibabaw nito at ng flyover ng Lansangang Quirino ang Ikalimang Bahagi at magkokonekta sa mismong NLEx bago ang Tarangkahang Pambayad ng Balintawak.
Samantala, isang taon bago inanunsiyo nang publiko ang panukala ng CMMTC, isinumite ng NLEX concessionaire subsidiary Metro Pacific Tollway Development Corporation (MPTDC) sa pamamagitan ng Manila North Tollways Corporation (MNTC) ang kanilang panukala na tinaguriang "NLEx-SLEx Connector Road" (o "Segment 11") ng proyektong NLEx Phase 2 project. Nakasaad dito na itatayo ang isang 13.24 kilometrong nakaangat na mabilisang daanan mula Buendia (Unang Yugto ng Skyway) hanggang Daang C-3 na mag-uugnay sa NLEx sa pamamagitan ng Segment 10 ng proyektong NLEx Phase 2. Dadaan ang malaking bahagi ng nakaangat na daanan sa ibabaw ng mga riles ng Philippine National Railways Right-Of-Way.[10].
Ayon kay Kalihim Rogelio Singson ng DPWH, kapuwang matutuloy ang mga panukala; maaaring umiral ang mga nasabing panukala sapagkat ang mga proyektong ito ay maglilingkod sa dalawang mag-kabilang koridor ng Kamaynilaan.[10]
Unang ipinanukala ng San Miguel Corporation ang proyekto noong Nobyembre 2017.[11] Ipinanukala nito ang pagpapalapad ng dalawang mga landas ng bahaging Sucat–Alabang ng Skyway from Sucat to Alabang, kaya ang magiging kabuuang bilang ng mga landas ay anim (tatlong mga landas sa bawat direksiyon), at idurugtong ang nakaangat na mabilisang daanan mula kasalukuyang dulo na South Station Alabang patungong SLEX Susana Heights sa Muntinlupa. Ang Proyektong Pagpapalawak ng Skyway ay ang unang yugto ng pantatlong-taong proyekto ng San Miguel Corporation para sa pagpapalawak ng lahat ng mga mabilisang daanan sa katimugang Kalakhang Maynila upang mabawasan ang paninikip ng trapiko sa pangunahing mga lansangan.
Nagsimula noong Agosto 2019 ang pagtatayo ng karugtong ng Skyway mula South Station Alabang patungong Labasan ng SLEX sa Susana Heights.[12] Inaasahang matatapos ito pagsapit ng Disyembre 2020 sa halagang ₱10 bilyon.
Metro Manila Expressway Phase 1/Skyway Stage 4/C6 (Southeast Metro Manila Expressway)
Blg. ng kilometro | Labasan | Kinaroroonan | Uri ng palitan | Mga nota/komento |
---|---|---|---|---|
TBA | Skyway Stage 4 Main Toll Plaza A | Makati | Ito ay magiging unang tarangkahang pambayad na may sampung mga linya ng Ika-apat na Yugto ng mabilisang daanan. Matatagpuan sa pahilagang linya. | |
TBA | Skyway Stage 4 Main Toll Plaza B | Makati | Ito ay magiging pangalawang tarangkahang pambayad na may sampung mga linya ng Ika-apat na Yugto ng mabilisang daanan. Matatagpuan sa pahilagang linya. | |
TBA | Circumferential Road 5 Interchange | Makati | Directional T | Ito ay magiging palitan nito sa Daang C-5. |
TBA | Circumferential Road 6 Interchange | Taguig | Directional T | Ito ay magiging palitan sa Daang C-6 sa Taguig. |
TBA | Ortigas Avenue Extension Interchange | Pasig | Trumpeta | Ito ay magiging palitan sa Karugtong ng Abenida Ortigas sa Pasig. |
TBA | Marcos Highway Interchange | Marikina | Kalahating Trebol | Ito ay magiging palitan sa Lansangang Marikina–Infanta (Lansangang Marcos) sa Marikina. |
TBA | Skyway Stage 4 Tumana Bridge Toll Plaza | Marikina | Ito ay magiging huling tarangkahang pambayad na may walong mga linyang labasan at walong mga linyang pasukan ng mabilisang daanan. | |
TBA | J.P. Rizal Highway Exit Ramp | Marikina | Ito ay magiging rampang pasukan/labasan sa Lansangang J.P. Rizal. | |
TBA | Batasang Pambansa Interchange | Lungsod Quezon | Ito ay magiging rampang pasukan/labasan sa paligid ng Hugnayan ng Batasang Pambansa. Matatagpuan sa Daang Batasan, Lungsod Quezon. | |
Gumagamit ang Skyway ng pinagsamang sistemang bayarin ng bukas na daan (open road), saradong daan (closed road), at tarangkahan (barrier). Isinasagawa ang pahilagang pagkokolekta ng bayarin sa mga tarangkahang pambayad sa Muntinlupa, kung saan ang mga sasakyang mula South Luzon Expressway (SLEX) ay pinambabayad ng bayarin batay sa kanilang punto ng pagpasok sa SLEX, at walang pagkokolekta ng bayarin sa mga labasan. Isinasagawa ang patimog na pagkokolekta ng bayarin sa mga tarangkahang pambayad pagkalabas, subalit para sa mga lalabas sa SLEX, ang pagkokolekta ng bayarin ay sa halip isinasagawa sa mga labasan nito. Walang inilalabas na mga tiket sa mga punto ng pagpasok sa Skyway.
Gumagamit din ng Skyway ang sistemang de-kuryente sa pangongolekta ng mga bayarin (electronic toll collection o ETC) gamit ang Autosweep RFID. Dating ginamit ng sistemang ETC ang E-Pass, na gumamit ng teknolohiyang transponder. Ginagamit din ang sistemang ETC ng Skyway sa South Luzon Expressway. Kadalasang nasa pinakakaliwang linya ng isang tarangkahan ang mga linya ng pangongolekta ng ETC, subalit maaaring mangyari sa mga magkahalong linya (mixed lanes), kung saan maaaring maisagawa ang pagbabayad ng salapi gayundin ang ETC.
Magmula noong April 2011[update] , ang mga halaga ng bayarin, mula tarangkahang pambayad ng Ayala Greenfield (ang unang tarangkahang pambayad sa South Luzon Expressway pahilaga), ay ang sumusunod:
Uri | Halaga | ||
---|---|---|---|
papunta at mula Alabang/SLEX | papunta at mula Sucat/Dr. A. Santos Ave. | papunta at mula Bicutan/Doña Soledad | |
Class 1 (Mga kotse, motorsiklo, at SUV) |
₱164.00 | ₱118.00 | ₱72.00 |
Class 2 (Mga bus, magaan na trak) |
₱329.00 | ₱237.00 | ₱145.00 |
Class 3 (Mga mabigat na trak) |
₱493.00 | ₱356.00 | ₱218.00 |
Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Lalawigan | Lungsod/Bayan | km | mi | Labasan | Pangalan | Mga paroroonan | Mga nota |
---|---|---|---|---|---|---|---|
Makati | 6 | 3.7 | Buendia | Buendia | Pahilagang labasan at patimog na pasukan, Pahilagang pasukan at patimog na labasan (lugar ng Abenida Zobel Roxas). Hilagang dulo ng mabilisang daanan mula 1999 hanggang 2020. | ||
7 | 4.3 | Amorsolo | Amorsolo | Pahilagang labasan at patimog na pasukan. Dating tawag na Makati exit. | |||
7 | 4.3 | Don Bosco | Don Bosco Street | Pahilagang labasan at patimog na pasukan. Papasok sa Don Bosco Technical Institute. | |||
Hangganan ng Pasay at Taguig | 9 | 5.6 | Magallanes | Magallanes | Pahilagang labasan at patimog na pasukan. Hilagang dulo ng pagkakatugma sa AH26. | ||
Taguig | 9 | 5.6 | NAIA | E6 (NAIAx) – Mga Terminal 1, 2 at 3 ng NAIA | Palitang hugis-T | ||
11 | 6.8 | Tarangkahang pambayad ng Runway A (Tinanggal) | |||||
11 | 6.8 | Tarangkahang pambayad ng Runway B | |||||
Parañaque | 14 | 8.7 | Bicutan | Bicutan, Doña Soledad | Patimog na labasan at pahilagang pasukan. | ||
16 | 9.9 | SLEX | Pansamantalang patimog na labasan at pahilagang pasukan bago nagawa ang Stage 2. | ||||
Muntinlupa | 19 | 12 | Sucat | Sucat, Dr. A. Santos | Patimog na labasan at pahilagang pasukan. | ||
20 | 12 | Tarangkahang pambayad ng Alabang (Autosweep RFID at kabayarang salapi para sa pahilaga lamang, lusutan sa patimog lamang) | |||||
20 | 12 | E2 / AH26 (SLEX) – Calamba | Patimog na labasan na lamang. Pahilagang pasukan ay isinara noong 2020. | ||||
21 | 13 | Tarangkahang pambayad bago magkarating sa Alabang Exit (tinanggal) | |||||
22 | 14 | South Station | Filinvest City, Alabang | Patimog na labasan at pahilagang pasukan. Katimugang dulo ng mabilisang daanan. | |||
26 | 16 | Susana Heights, Soldiers Hills | Magiging katimugang dulo ng mabilisang daanan pag nabuksan. | ||||
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
|
Lalawigan | Lungsod/Bayan | km | mi | Labasan | Pangalan | Mga paroroonan | Mga nota |
---|---|---|---|---|---|---|---|
Caloocan | Balintawak | Hilagang dulo. Tutuloy pahilaga bilang North Luzon Expressway (NLEX). | |||||
Lungsod Quezon | Sergeant Rivera | ||||||
Tarangkahang Pambayad ng Del Monte | |||||||
Quezon Avenue | |||||||
E. Rodriguez Sr. | |||||||
Aurora Boulevard | |||||||
Maynila | NLEX-SLEX Connector | ||||||
Nagtahan | |||||||
Plaza Dilao | |||||||
Quirino Avenue | |||||||
Tarangkahang Pambayad ng Buendia | |||||||
Makati | Buendia | ||||||
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
|
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.