Ang mga bertebrado o mga hayop na may gulugod o nagugulugudan (Latin: vertebrata, Kastila, Portuges: vertebrado, Aleman: Wirbeltier, Ingles: vertebrate) ay mga uri ng Hayop na miyembro ng sublapi Vertebrata (sa loob ng kalapian Chordata), partikular na ang mga kordatang may mga buto sa likod o gulugod. Bumibalang na may 57,739 mga espesye ang mga nailarawan nang mga bertebrado. Pinakamalaking subphylum ng ng kordata ang mga bertebrado, at naglalaman ng mga kilalang malalaking hayop na panglupa. Kabilang sa mga bertebrado ang mga isda, amphibian, reptilya, ibon, at mamalya (kasama ang tao).
Vertebrate | |
---|---|
Example of vertebrates: Acipenser oxyrinchus (Actinopterygii), an African bush elephant (Tetrapoda), a Tiger shark (Chondrichthyes) and a River lamprey (Agnatha). | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Superpilo: | Deuterostomia |
Kalapian: | Chordata |
Klado: | Olfactores |
Subpilo: | Vertebrata J-B. Lamarck, 1801[2] |
Infraphylums | |
| |
Kasingkahulugan | |
Ossea Batsch, 1788[2] |
Anatomiya at morpolohiya
Kabilang sa mga katangian ng subphylum na ito ang pagkakaroon ng sistemang muskular na kalakhang bumubuo sa mga magkatambal na mga kimpal o bunton; maging ang pagkakaroon ng sintemang sentrong nerbyos na bahagyang nakapaloob sa gulugod (kung mayroon). Sinasang-ayunan ng mga dalubhasa na ang pinakatangi-tanging pagkakakilanlan ng mga bertebrado ay ang pagkakaroon ng gulugod at kuwerdas na panggulugod, ng sisidlan ng utak, at ng panloob na mga sangkabutuhan (o iskeleton). Subalit hindi ito totoo sa mga isdang lamprey, bagaman pinagtatalunan kung totoo sa ilang mga kordata ang pagkakaroon ng sangkabutuhan.
Kasaysayang pang-ebolusyon
Nagsimulang magkaroon ng mga bertebrado noong mga may mga 530 milyong taon ang nakararaan noong panahon ng pagsabog na Cambrian, na bahagi ng kapanahunang Cambrian (ang Myllokunmingia ang siyang pinakaunang nakilalang bertebrado). Batay sa isang pagsusuring molekyular na isinagawa kaylan-lamang, kabilang sa mga bertebrado ang mga hagfish, habang ibinibilang na isang kapatid na grupo ng mga bertebrado (sa loob ng karaniwang taxon: ang mga Craniata) ng ibang mga dalubhasa.
Taksonomiya at klasipikasyon
Ang kaurian ng mga bertebrado batay kina Janvier (1981, 1997), Shu et al. (2003), at Benton (2004).[3]
- Subphylum na Vertebrata
- (Walang-ranggong grupo) Hyperoartia (mga lamprey)
- Klase †Conodonta
- Subklase †Pteraspidomorphi
- Klase †Thelodonti
- Klase †Anaspida
- Klase †Galeaspida
- Klase †Pituriaspida
- Klase †Osteostraci
- Infraphylum Gnathostomata (mga bertebradong may panga)
- Klase †Placodermi (Paleozohikong may pormang armado)
- Klase Chondrichthyes (Kartilyahinadong isda)
- Klase †Acanthodii (Paleozohikong ginulugudang mga pating )
- Superklase Osteichthyes (mabutong isda)
- klase Actinopterygii (isdang may hugis-sinag na palikpik)
- klase Sarcopterygii (isdang may malobong palikpik)
- Subklase Coelacanthimorpha (mga coelacanth o silakanta)
- Subklase Dipnoi (isdang may baga o lungfish)
- Subklase Tetrapodomorpha (mga ninuna ng mga tetrapod)
- Superklase Tetrapoda (bertebradong may apat na paa)
Etimolohiya
Hinango ang pangalan ng mga bertebrado mula sa mga hanay ng buto ng gulugod (hanay panggulugod o kolumnang vertebral).
Mga sanggunian
Bibliograpiya
Tingnan din
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.