Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mga Coelacanth ( /ˈsiːləkænθ/, pag-aangkop ng Modernong Latin na Cœlacanthus "lubog na espina", mula sa Griyegong κοῖλ-ος koilos "hollow" + ἄκανθ-α akantha "espina", ay tumutukoy sa lubog na likurang mga sinag palikpik ng unang specimen na fossil na inilarawan at pinangalanan ni Louis Agassiz noong 1839) [2]) ang mga pangkat ng order ng isda na kinabibilangan ng pinakamatandang alam na nabubuhay na lipi ng Sarcopterygii (isdang may lobong palikpik at mga tetrapoda). Ang mga coelacanth ay nabibilang sa subklaseng Actinistia na isang pangkat ng isdang may lobong palikpik na nauugnay sa isdangbaga(lungfish) at ilang mga ekstinto na mga isda ng panahong Deboniyano gaya ng mga osteolepiform, porolepiform, rhizodont at Panderichthys.[2] Ang mga coelacanth ay inakalang naging ekstinto noong Huling Kretaseyoso ngunit muling natuklasan noong 1938 sa baybaying ng Timog Aprika.[3] Ang mga espesye na Latimeria chalumnae at Latimeria menadoensis ang tanging mga nabubuhay na espesye ng coelacanth na matatagpuan sa kahabaan ng mga baybayin ng Karagatang Indiyano at Indonesia.[4][5]. Ang coelacanth ay pinalayawang nabubuhay na fossil dahil ang isdang ito ay orihinal na alam lang sa mga fossil rekord bago ang unang pagkakatuklas ng isang buhay na specimen nito.[2] Gayunpaman, ang mga modernong coelacanth ng pamilyang Latimeriidae ay walang fossil rekord. Ang mga fossil coelacanth ay nasa ibang mga pamilya na karamihan ay sa Coelacanthidae at malaking iba sa mga modernong coelacanth dahil ang mga ito ay mas maliit at walang mga panloob na istraktura. Dahil sa walang fossil rekord ang latimeria kaya ito ay hindi isang "nabubuhay na fossil".[6] Ang coelacanth ay inakalang nag-ebolb sa tinatayang kasalukuyang anyo nito mga 400 miyong taon ang nakalilipas.[1]
Coelacanth | |
---|---|
Preserved specimen of West Indian Ocean coelacanth caught in 1974 off Salimani, Grand Comoro, Comoro Islands | |
Live coelacanth seen off Pumula on the KwaZulu-Natal South Coast, South Africa, 2019 | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Superklase: | Osteichthyes |
Klado: | Sarcopterygii |
Subklase: | Actinistia Cope, 1871 |
Tipo ng espesye | |
†Coelacanthus granulatus Agassiz, 1839 | |
Families and genera | |
Others, see text |
Ayon sa analisis na henetiko ng kasalukuyang espesye, ang diberhensiya ng mga coelacanth, isdangbaga(lungfish) at mga tetrapoda ay inakalang nangyari mga 390 milyong taon ang nakalilipas.[1] Ang mga coelacanth ay inakalang sumailalim na sa enkstinksiyon noong 65 milyong taon ang nakalilipas noong pangyayaring ekstinksiyong Kretaseyoso-Paleohene. Ang unang naitalang fossil ng coelacanth ay natagpuan sa Australia at isang panga ng coelacanth na may petsang bumabalik noong 360 milyong taon nakalilipas na pinangalanang Eoachtinistia foreyi. Ang pinaka-kamakailang espesye ng coelacanth sa fossil rekord ang Macropoma. Ang Macropoma na isang kapatid na espesye ng Latimeria chalumnae ay naghiwalay noong 80 milyong taon ang nakalilipas. Ang fossil rekord ng coelacanth ay walang katulad dahil ang mga fossil ng coealacanth ay natagpuan 100 taon bago natukoy ang unang buhay na specimen. Noong 1938, muling natuklasan ni Courtenay-Latimer ang unang buhay na specimen na L. chalumnae na nahuli sa baybaying ng Timog London, Timog Aprika, Noong 1997, ang isang biologong marino ay nasa isang honeymoon at nakatuklas ng ikalawang buhay na espesyeng Latimeria menadoensis sa isang pamilihan sa Indonesia. Noong Hulyo 1998, ang unang buhay na specimen ng Latimeria menadoensis ay nahuli sa Indonesia. Ang tinatayang mga 80 espesye ng coelacanth ay nailarawan. Bago ang pagkakatuklas ng buhay na specimen ng coelacanth, ang saklaw ng panahon ng coelacanth ay inakalang sumasakop mula sa Gitnang Deboniyano hanggang sa Itaas na Kretaseyoso. Maliban sa isa o dalawang mga specimen, ang lahat ng mga fossil na natuklasan sa mga panahong ito ay nagpapakita ng isang magkatulad na morpolohiya. [2][5]
Ang sumusunod na kladograma ay batay sa maraming mga sanggunian.[7][8][9][10]
Coelacanthiformes |
| |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.