Ang Mga Aklat ni Samuel[1], Una at Ikalawang Aklat ni Samuel o Una at Ikalawang Aklat ng mga Hari sa Bibliyang Vulgata ay mga aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Tungkol sa mga kasaysayan ni Haring Samuel at ni Haring Saul ang Unang Aklat ni Samuel; samantalang hinggil naman sa kasaysayan ni Haring David ang pangalawa, na tinatawag ding Ikalawang Aklat ni Samuel. Tinatayang naganap ang mga pangyayari sa mga aklat na ito noong 1120 BK hanggang 970 BK.[1]
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
May-akda
Hindi ganap na natitiyak kung sino ang umakda sa Mga Aklat ni Samuel, bagaman pinaniniwalaang sinulat ang mga ito noong mabuwag ang mga kaharian noong panahon ni Roboam, mga 929 BK.[1]
Pinaghanguan
Ibinatay ang mga aklat na ito mula sa Aklat ng Banal at pinaniniwalaang mula pati sa mga inakdaang kasulatan nina Samuel, Natan, at Gad.[1]
Unang Aklat ni Samuel
Tungkol sa kasaysayan ng dalawang hari ang nakasaad sa Unang Aklat ng mga Hari. Una rito ang kasaysayan kasaysayan ni Samuel, isang hukom at propeta ng bayang Israel. Itinuturing si Samuel bilang isa sa pinakamagiting na taong nabanggit sa Bibliya. Pangalawang nilalahad sa Unang Aklat ng mga Hari ang kasaysayan ng pinakaunang hari sa Israel, na si Saul.[1]
Mga bahagi ng Unang Aklat ni Samuel
Binubuo ang Unang Aklat ng mga Hari ng mga sumusunod na bahagi:[1]
- Ang mga Huling Hukom sa Israel (1-7)
- Ang Pagkakatatag ng Kaharian (8-15)
- Sina Saul at David (16-31)
Ikalawang Aklat ni Samuel
Tungkol kay David ang Ikalawang Aklat ng mga Hari at kinapapalooban ng mga "magagandang aral."[1]
Mga bahagi ng Ikalawang Aklat ni Samuel
Binubuo ang Ikalawang Aklat ng Mga Hari ng mga sumusunod na bahagi:[1]
- Si David sa Hebron (1-4)
- Si David, Hari sa Jerusalem (5-20)
- Mga Dagdag (21-24)
Mga sanggunian
Tingnan din
Mga panlabas na kawing
Wikiwand in your browser!
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.