Enero 2– Tv host na si Hoda Kotb siya ay pinili bilang Co-Anchor Pagkatapos ng Terminado ni Lauer kasama sina Savannah Guthrie, Al Roker at Carson Daly sa Today Show
Enero 24 – Inulat ng mga Siyentipiko sa Tsina sa talaarawan na Cell ang paglikha ng unang unggoy na clone gamit ang paglipat ng somatikong nukleyar ng selula, at pinangalan itong Zhong Zhong at Hua Hua.[1][2][3][4]
Pebrero 11 – Bumagsak ang Lipad 703 ng Saratov Airlines noong dagliang pagkatapos ng unang pagtaas mula sa Moscow, na kinitil ang lahat ng 71 katao na sakay nito.[6]
Hunyo 3 – Hindi bababa sa 109 tao ang namatay at daan-daan ang nasugatan sa pagputok ng Volcán de Fuego, ang pinakanakamamatay na bulkan ng Guatemala sa loob ng isang siglo.[13]
Hunyo 12 – Naganap ang pagpupulong ng Hilagang Korea–Estados Unidos ng 2018 sa Singapore na dinaluhan ni Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos at Pinuno ng Hilagang Korea na si Kim Jong-un. Ito ang unang pagpupulong sa pagitan ng isang Pangulo ng Estados Unidos at pinuno ng Hilagang Korea.[14]
Setyembre 4 – si Craig Melvin bilang news anchor kapalit ni Morales noong 2016 sa Programa na Today Show ng NBC kasama sina Guthrie, Kotb, Roker at Daly.
Oktubre 30 – Natapos ang misyon ng NASA na Kepler pagkatapos naubusan ang sasakyang-pangkalawakn ng panggatong.[23]
Nobyembre
Nobyembre 11 – Maraming mga bansa sa buong mundo, partikular sa Europa at Komonwelt, kasama ang Estados Unidos, ang inalala ang katapusan ng sentenaryo ng Unang Digmaang Pandaigdig sa pamamagitan ng mga sermonya, talumpati, parada at memoryal sa Araw ng Armistisyo, Araw ng Beterano, at Araw ng Pag-alala.[24]
Disyembre 15 – Ibinalik sa Pilipinas ng Estados Unidos ang mga kampana ng Balangiga na kinuha ng mga sundalo ng Hukbo ng Estados Unidos mula sa bansa noong 1901 bilang tropeo sa digmaan.[26]
Disyembre 22 – Isang tsunami ang tumama sa Kipot ng Sunda, Indonesia, na pinatay ang hindi bababa sa 430 katao at sinugatan ang halos 1,500.[27]