Tinola

From Wikipedia, the free encyclopedia

Tinola

Ang tinola ay isang uri ng Pilipinong sabaw na karaniwang inihahain bilang ulam na sinasabayan ng kanin.[1] Kabilang sa mga sinasahog nito ang manok o isda, mga piraso ng papaya at/o sayote, at mga dahon ng siling labuyo. Tinitimplahan ang sabaw nito ng luya, sibuyas, at patis. [2] Tinotola rin ang isda o iba pang karne.[3]

Agarang impormasyon Kurso, Lugar ...
Tinola
Thumb
Tinolang manok na may sayote at dahon ng labuyo
KursoPangunahing pagkain
LugarPilipinas
Ihain nangMainit
Pangunahing SangkapManok, berdeng papaya, dahon ng siling labuyo, luya, sibuyas, patis
Baryasyon
  • Baboy na may sayote at malunggay
  • Isda na may kamatis
Mga katuladTiyula itum, bulalo
Page Padron:Plainlist/styles.css has no content.
Isara

Mga baryante

Sa mga ibang baryante, maaaring palitan ang manok ng isda, pagkaing-dagat, o baboy. Maaaring palitan din ang berdeng papaya ng sayote o upo. Bukod sa dahon ng labuyo, maaaring sahugin ang mga ibang madahong gulay tulad ng petsay, espinaka, malunggay, mustasa, at iba pa. Maaari rin itong dagdagan ng patatas, kamatis at iba pang sahog.[4]

Mga katulad

Magkahawig ang tinola sa binakol at ginataang manok, ngunit nag-iiba sila sa paggamit ng katas ng buko at gata, ayon sa pagkabanggit.[5][6] May kaugnayan din ang lauya ng mga Ilokano. Subalit kadalasang ginagamit ang paa ng baboy o baka sa lauya.[7]

Magkahawig na sabaw ang sinabawang gulay (kilala rin bilang utan Bisaya), na sinasahugan ng malunggay at iba pang mga gulay.[8]

Tingnan din

Mga sanggunian

Wikiwand - on

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.