From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang mustasa (Ingles: mustard o mustard greens[1]; Kastila: mostaza) ay isang uri ng gulay.[2] Katangian nito ang pagkakaroon ng mga malalapad at madililim na dahon at mga mapanglaw ngunit lunti ring mga sanga.[1] Karaniwan din itong ginagawang dilawin na panimplang sarsa para sa mga hotdog.
Pangunahing pinanggagalingan ang mga buto ng ilang mga uri ng mustasa ng langis o mantika at mga sarsa. Partikular na nagmumula ang ganitong mga buto sa mga matataas na mga halamang mustasang may mabubuhok na mga dahon, maiikling mga likbit (sisidlan ng mga buto), at dilaw na mga bulaklak.[3]
Nagbubuhat naman sa ilang mga uri ng mustasang may mga dahong kamukha ng repolyo ang mga pagkaing lunting gulay.[3]
Kabilang ang mustasa sa pangkat na kinasasamahan ng puting singkamas, repolyo, kaliplawer. Dating katutubo ang mga mustasa sa Matandang Mundo ngunit isa nang pangkaraniwang halamang pinararami at inaalagahan sa lahat ng bahagi ng mundo.[3]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.