karneng baboy From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang karne ng baboy (Sus domesticus) ang pinakakaraniwang kinakaing karne sa buong mundo.[1] May ebidensya ng pag-aalaga ng baboy mula noong 5000 BK.[2]
Kinakain ang baboy bagong luto man o preserbado; pinapahaba ng pag-aasin ang buhay-tabi ng mga produktong baboy. Mga halimbawa ng napreserbang baboy ang hamon, gammon, bacon, at longganisa.
Karneng baboy ang pinakasikat na karne sa mundong Kanluranin, lalo na sa Gitnang Europa. Popular din ito sa Silangan at Timog-silangang Asya (Indotsina, Pilipinas, Singapura, at Silangang Timor). Lubhang pinahahalagahan ang karne sa mga lutuing Asyano, lalo na sa Tsina (kasama ang Hong Kong) at Hilagang-silangang Indiya,[3][4] para sa taba at tekstura nito.
Pinagbabawalan ng ilang relihiyon at kultura ang pagkokonsumo ng baboy, kapansin-pansin ang Islam at Hudaismo.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.