Ang Tarento o Taranto (Italyano: [ˈTaːranto]; Tarantino: Tarde; Latin: Tarentum;[3] maagang Italyano: Tarento;[3] Sinaunang Griyego: Τάρᾱς[4]) ay isang baybaying lungsod sa Apulia, Katimugang Italya. Ito ang kabesera ng Lalawigan ng Tarento at isang mahalagang komersiyal na pantalan pati na rin ang pangunahing base ng hukbong-dagat ng Italya.[5]

Agarang impormasyon Tarento Tarde (Napolitano)Tárantas (Griyego), Bansa ...
Tarento

Tarde (Napolitano)
Tárantas (Griyego)
Comune di Taranto
Thumb
Ika-15 siglong Kastilyong Aragon
Thumb
Eskudo de armas
Lokasyon ng Tarento
Thumb
Thumb
Tarento
Tarento
Lokasyon ng Tarento sa Italya
Thumb
Tarento
Tarento
Tarento (Apulia)
Mga koordinado: 40°28′N 17°14′E
BansaItalya
RehiyonApulia
LalawiganTarento (TA)
Mga frazioneTalsano, Lido Azzurro, Lama, San Vito, San Donato
Pamahalaan
  MayorRinaldo Melucci (mula 29 Hunyo 2017) (PD)
Lawak
  Kabuuan249.86 km2 (96.47 milya kuwadrado)
Taas
3 - 431 m (−1,411 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
  Kabuuan198,283
  Kapal790/km2 (2,100/milya kuwadrado)
Demonym
  • Tarantino
  • Tarentino
Sona ng orasUTC+1 (CET)
  Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
74121-74122-74123
Kodigo sa pagpihit(+39)099
Santong PatronSan Cateldo ng Tarento
Saint dayMayo 10
WebsaytOpisyal na website
Isara

Ang Tarento ay itinatag ng mga Espartano noong ika-8 siglo BK. Sa panahon ng kolonisasyong Griyego sa mga baybayin ng Timog Italya, ang lungsod ay isa sa pinakamahalaga sa Magna Graecia at ito ay naging makapangyarihan sa larangan ng kultura, ekonomiya, at militar, na nagsilang ng mga pilosopo, estratehista, manunulat, at atleta, tulad nina Archytas, Aristoxenus, Livius Andronicus, Heracleides, Iccus, Cleinias, Leonidas, Lysis, at Sosibius. Ang pitong taong pamamahala ng Archytas ay nagmarka bilang rurok ng pag-unlad ni Tarrnto at pagkilala sa gahum nito sa iba pang kolonya ng Gresya sa katimugang Italya.

Sa panahong Normando, naging kabisera ito ng Prinsipalidad ng Tarento, na sumakop sa halos lahat ng sakong ng Apulia.

Mula sa pangalan ng lungsod nakukuha ang species na Lycosa tarantula, na pinagmulan ng mga katagang tarantella, tarantismo, at tarantula . Kilala rin ang Tarento sa malaking populasyon ng mga lumba-lumba at iba pang cetacea na ayon sa kasaysayan ay matatagpuan malapit sa Kapuluang Cheradi, na matatagpuan sa harapan ng lungsod.

Ito ang pangatlong pinakamalaking kontinental na lungsod sa katimugang Italya at isang mahalagang komersiyal at pandagat na pantalan na may mahusay at maunlad na mga pandayan ng bakal at asero, pagpipino ng langis, gawaing kimika, daungang pandagat, at pabrika sa pagproseso ng pagkain.

Bandang 500 BK ang lungsod ang isa sa pinakamalaki sa buong mundo na may mga tinatayang populasyon hanggang sa 300,000 katao.[6][7]

Mga sanggunian

Wikiwand in your browser!

Seamless Wikipedia browsing. On steroids.

Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.

Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.