Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang hegemoniya (Griyego ἡγεμονία hēgemonía, "pamumuno") o gahum (Sebwano "kapangyarihan") ay ang politikal, ekonomika, o militar na pangingibabaw o kontrol ng isang estado sa iba pa [1][2][3][4] Sa sinaunang Gresya, tumutukoy ang isang hegemoniya sa pangingibabaw ng isang lungsod-estado sa iba pang lungsod-estado.[5]
Sa ika-19 na siglo, naging kahulugan na ng hegemoniya ang isang heopolitikal at kultural na pangingibabaw ng isang bansa sa iba pang bansa; na kung saan nagmula ang hegemonismo, ang politikang Dakilang Kapangyarihan ay nangahulugan[kailangan ng sanggunian] upang magtatag ng Europeong hegemoniya sa kontinental na Asya at Aprika.[6] Sa ika-20 siglo, binuo ng Antonio Gramsci (1891–1937) ang pilosopiya at sosyolohiya ng heopolitikong hegemoniya sa teoriyang hegemoniyang kultural, na kung saan ang isang uring panlipunan ay may kakayahang himukin ang sistema ng mga halagahan at mores ng isang lipunan, ipang makabuo at makapagtatag ng isang namumunong uring Weltanschauung, isang pananaw sa mundo na pinangangatwiranan ang status quo ng pangingibabaw ng mga burges sa iba pang uring panlipunan ng lipunan.[5][7]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.