Remove ads
bansa sa Timog-Silangang Asya From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Taylandiya,[6] opisyal na Kaharian ng Taylandiya, ay bansang matatagpuan sa Timog-Silangang Asya na nasa Tangway ng Indotsina. Napapalibutan ito ng Laos at Cambodia sa silangan, Tangway ng Malaya at Malaysia sa timog, at Dagat Andaman at Myanmar sa kanluran. Nakilala ang Taylandiya bilang Siam, na naging opisyal na pangalan hanggang 11 Mayo 1949. Nangangahulugang "kalayaan" ang salitang Thai (ไทย) sa wikang Thai. Pangalan din ito ng mga grupong etnikong Thai na nagdudulot sa ilang nakatira dito, partikular ang mga kalakihang minoryang Tsino, na patuloy na tawagin ang bansa bilang Siam.[7]
Kaharian ng Taylandiya
| |
---|---|
Awiting Pambansa: เพลงชาติไทย Phleng chāt Thai "Awiting Pambansa ng Taylandiya" Awiting Makahari: สรรเสริญพระบารมี Sansoen Phra Barami "Luwalhatiin ang Kanyang Prestihiyo" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Bangkok 13°45′N 100°29′E |
Official language and national language | Tailandes |
Katawagan | Tailandes Siames |
Pamahalaan | Unitary parliamentary constitutional monarchy |
• Monarch | Vajiralongkorn (Rama X) |
Paetongtarn Shinawatra | |
Lehislatura | National Assembly |
• Mataas na Kapulungan | Senate |
• Mababang Kapulungan | House of Representatives |
Formation | |
• Sukhothai Kingdom | 1238–1448 |
• Ayutthaya Kingdom | 1351–1767 |
• Thonburi Kingdom | 1767–1782 |
• Rattanakosin Kingdom | 6 April 1782 |
• Constitutional monarchy | 24 June 1932 |
• Current constitution | 6 April 2017 |
Lawak | |
• Kabuuan | 513,120 km2 (198,120 mi kuw) (50th) |
• Katubigan (%) | 0.4 (2,230 km2) |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2024 | 65,975,198[1] (22nd) |
• Senso ng 2010 | 64,785,909[2] (21st) |
• Densidad | 132.1/km2 (342.1/mi kuw) (88th) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2024 |
• Kabuuan | $1.644 trillion[3] (23rd) |
• Bawat kapita | $23,401[3] (74th) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2024 |
• Kabuuan | $548.890 billion[3] (26th) |
• Bawat kapita | $7,812[3] (88th) |
Gini (2021) | 35.1[4] katamtaman |
TKP (2022) | 0.803[5] napakataas · 66th |
Salapi | Baht (฿) ([[ISO 4217|THB]]) |
Sona ng oras | UTC+7 (ICT) |
Ayos ng petsa | dd/mm/yyyy (BE) |
Gilid ng pagmamaneho | kaliwa |
Kodigong pantelepono | +66 |
Internet TLD |
|
Kilala ng mga tagalabas ang Taylandiya bago ang taong 1939 bilang Siam. Ayon kay George Cœdès, ang salitang Thai (ไทย) ay nangangahulugang 'malayang tao' sa wikang Tailandes.[8] Ayon naman kay Chit Phumisak, ang ibig sabihin ng Thai (ไท) ay 'mga tao' o 'tao'; nagpapakita ang kanyang pagsisiyasat na ang ilang mga rural na lugar ay gumamit ng salitang "Thai" sa halip na ang karaniwang Thai na salitang khon (คน) para sa mga tao.[9] Ayon kay Michel Ferlus, ang mga etnonym na Thai-Tai (o Thay-Tay) ay maaaring nagmula sa etymon na *k(ə)ri: 'tao'.[10]
Kadalasang tinutukoy ng mga Taylandes ang kanilang bansa gamit ang anyong magalang na prathet Thai (Thai: ประเทศไทย). Ang prathet Thai ay ginamit sa Pambansang Awit ng mga Thai (Thai: เพลงชาติ), na isinulat ni Luang Saranupraphan noong dekada 1930s. Ang unang linya ng pambansang awit ay: prathet thai ruam lueat nuea chat chuea thai (Tailandes: ประเทศไทยรวมเลือดเนื้อชาติเรวมเลือดเนื้อชาติเชื้ 'ทย) o itinatag ang Taylandiya sa dugo at laman'.[11] Ginagamit din nila ang mas kolokyal na terminong mueang Thai (Thai: เมืองไทย) o simpleng Thai; ang salitang mueang, na dating tumutukoy sa isang lungsod-estado, ay karaniwang ginagamit upang tukuyin ang isang lungsod o bayan bilang sentro ng isang rehiyon. Ang Ratcha Anachak Thai (Thai: ราชอาณาจักรไทย) ay nangangahulugang 'kaharian ng Taylandiya' o 'kaharian ng Thai'. Sa etimolohiya, ang mga bahagi nito ay: ratcha (Sanskrito: राजन्, rājan, 'hari, royal, realm'), ana- (Pali āṇā 'awtoridad, utos, kapangyarihan', mula mismo sa Sanskrit आज्ञा, ājñā, ng parehong kahulugan), at -chak (mula sa Sanskrit चक्र cakra- 'wheel', isang simbolo ng kapangyarihan at pamumuno).
Maaaring nagmula ang dating pangalan ng Taylandiya na Siam sa Sanskritong salita na श्याम (śyāma, 'dark') o Mon ရာမည (rhmañña, 'stranger') na may kaparehong pinagmulan sa Shan at Assam. Hindi posibleng ang salitang Śyâma ang tunay na pinagmulan, ngunit isang paunang dinisenyong paglihis mula sa wasto at orihinal na kahulugan nito.[12][13] Ang isa pang teorya tungkol sa pinagmulan ng Siam ay ang pangalan ay nagmula sa mga Tsino na tinatawag ang rehiyon ng Taylandiya na 'Xian'.[14]
Dahil sa heograpikal na lokasyon, ang kultura ng mga Thai ay labis na naimpluwensiyahan ng Tsina at ng India. Subalit, marami ring mga kakaibang kulturang umusbong sa Taylandiya simula noong nagsimula ang kultura ng Baan Chiang.
Ang unang estadong Thai na nabuo ay nagsimula sa isang Kahariang Budhista ng Sukhothai noong 1238, kasunod ng paghina at pagbagsak ng Emperyong Khmer noong ika-13 hanggang ika-15 siglo.
Isang siglo ang lumipas, ang kapangyarihan ng Sukothai ay natabunan ng mas malaking kaharian ng mga Ayutthaya, na nabuo noong kalagitnaan ng ika-14 na siglo, matapos masakop ang Angkor noong 1431, halos lahat ng korte at mga kaugaliang Hindu ay dinala sa Ayutthaya, at ang mga kaugalian at mga ritwal ay kinuha ng kultura ng mga Siam.
Pagkatapos ng pagbagsak ng Ayutthaya noong 1767, Ang Thonburi ay naging kabisera ng Taylandiya sa sandaling panahon sa ilalim ni Dakilang Haring Taksin, hanggang magkaroon ng kudeta noong 1782.
Ang kapangyarihang Europeo ay nagsimulang dumating noong ika-16 na siglo. Kahit na malakas ang mga Europeo, ang Taylandiya ay nag-iisang bansa na hindi nasakop sa Timog Silangang Asya. Ang dalawang pangunahing dahilan nito ay dahil ang Taylandiya ay may matagal na pagpapasa ng mga mahuhusay na pinuno noong 1800 na nakayang gamitin ang tensiyon sa pagitan ng Pranses at mga Briton.
Noong 1932, isang mapayapang himagsikan ang nagresulta sa isang bagong monarkiyang konstitusyunal. Noong digmaan, ang Taylandiya ay kakampi ng Hapon. Ngunit pagkatapos ng digmaan, naging kakampi naman ito ng Estados Unidos. Ang Taylandiya ay nagkaroon ng walang katiyakang pamahalaan, kaya't dumaan ito sa mga sunod-sunod na kudeta, ngunit natuloy rin ito sa demokrasya noong 1980.
Noong 1997, ang Taylandiya ay tinamaan ng krisis pinansiyal ng Asya kaya ang baht ay nagkahalaga ng 56 baht bawat isang dolyar EU kumpara sa 25 na Baht ng Taylandiya noong bago pa tumama sa bansa ang krisis.
Ang pinuno ng pamahalaan ay ang Punong ministro, na pinipili ng hari mula sa mga kasapi ng mababang kapulay kaunting direktang kapangyarihan ayon sa konstitusyon; subalit, bilang haungan ng parliyamento, na kadalasang pinuno ng partido ng mayorya, politika, at pamahalaan.
Ang Hari ay simbolo ng pambansang pagkakakilanlan at ang napiling nakapagtanggol. Kadalasang tinatalaga ng Punong Ministro ng Taylandiya ang gabinete.
Ang parliyamento ay tinatawag na Pambasang Kapulungan (รัฐสภา, rathasapha) at ang kanyang kamara: na binubuo ng Kapulungan ng mga Kinatawan (สภาผู้แทนราษฎร, sapha phuthaen ratsadon) na may 500 pwesto at ang Senado (วุฒิสภา, wuthisapha) na may 200 pwesto. Ang mga kasapi ng parehong Kapulungan ay inihahalal sa pamamagitan ng popular na halalan. Ang sistema ng hudikatura (ศาล, saan) ay may tatlong antas, ang pinakamataas ay ang Kataastaasang Hukuman (ศาลฎีกา, sandika).
Aktibong kasapi ang Taylandiya ng ASEAN.
Ika-50 pinakamalaking bansa sa buong mundo ang Taylandiya na may kabuuang sukat na 513,000 km² (198,000 mi²). Maaaring ihambing ito sa laki ng Espanya, at may kalakihan lang ng unti sa estado ng California ng Estados Unidos. Bahagyang mas-maliit din ito sa sukat ng Yemen.
Ang Taylandiya ay kinapapalooban ng mga katangi-tanging rehiyong heograpikal, na tumutukoy sa mga pangkat panglalawigan. Ang mga lupain sa hilaga ay mabundok, na may pinakamataas na tuktok sa Doi Inthanon na may taas na 2,576 metro (8,451 talampakan). Ang hilagang silangan ay binubuo ng Talampas ng Khorat, na naghahanggan sa silangan ng Ilog Mekong. Ang gitnang bahagi ng bansa ay binubuo halos ng kapatagang lupa. Ang timog ay binubuo ng makitid na Kra Isthmus na lumalaki habang patungong Tangway ng Malay.
Ang Taylandiya ay nahahati sa 76 mga lalawigan (จังหวัด, changwat) na pinagsama-sama sa limang pangkat ayon sa lokasyon. Mayroong 2 espesyal na pinamamahalaang distrito: ang kabiserang lungsod na Bangkok (Krung Thep Maha Nakhon sa Thai) at Pattaya. Ang Bangkok ay nasa panglalawigang antas, samantalang ang Pattaya ay bahagi ng lalawigan ng Chon Buri. Ang ibang mamamayang Thai ay binibilang pa rin ang Bangkok bilang lalawigan, kaya naging 76 na lalawigan ang bansa ng Taylandiya.
Nahahati ang bawat lalawigan sa maliliit na mga distrito. Noong 2000, mayroong 796 na distrito (อำเภอ, amphoe), 81 mas maliliit na distrito (กิ่งอำเภอ, king amphoe), at 50 distrito ng Bangkok (เขต, khet). Ang ibang bahagi ng lalawigan na naghahanggan sa Bangkok ay tinatawag din na Kalakhang Bangkok (ปริมณฑล, pari monthon). Ang mga lalawigan na ito ay ang Nonthaburi, Pathum Thani, Samut Prakan, Naon Pathom, Samut Sakhon. Ang pangalan ng bawat kabiserang lungsod (เมือง, mueang) ay katulad din ng sa lalawigan nito. halimbawa, ang kabisera ng lalawigan ng Chiang Mai (changwat Chiang Mai) ay Mueang Chiang Mai. Ang 76 na lalawigan ay ang sumusunod:
Karamihan sa populasyon ng Taylandiya ay mula sa iba't ibang pangkat ng mga taong Tai. Ang ilan sa kanila ay ang, taga-Gitnang Thai, Ang taga-Hilagang silangang Thai o Isan o Lao, Ang taga-Hilagang Thai, at ang mga taga-Katimugang Thai. Ang mga taga-Gitnang Thai ay matagal nang dominado sa politika, ekonomiya, at kultura ng bansa, kahit na binubuo lamang sila ng isang katlo ng ng populasyon ng Taylandiya at bahagya lamang ang mga taga Hilagang silangang Thai. Dahil sa sistemang pangedukasyon at sa pagpapatibay ng pambansang pagkakakilanlan, karamihan sa mga tao ay nakakapagsalita ng salita ng Gitnang Thai pati na rin ang kanilang mga sariling lokal na diyalekto.
Ang Wikang Thai ay ang pambansang wika ng Taylandiya, na isinusulat sa sarili nitong sistema, subalit maraming mga etniko at mga rehiyonal na diyalekto ang ginagamit din sa mga pook na ang nakararami ay mga nagsasalita ng Isan o Mon-Khmer. Kahit na itinuturo ang Ingles sa lahat ng paaralan, mababa pa rin ang kagalingan ng mga ito.
Mataas ang antas ng kamuwangan sa Taylandiya, at ang edukasyon ay naibibigay ng isang maayos na sistemang pampaaralan ng kindergarten, mababang paaralan, mababa at mataas na sekondarya, maraming dalubhasaang bokasyunal, at mga pamantasan. Ang pribadong sektor ng edukasyon ay mahusay ang pagkakabuo at malaki ang naitutulong sa pangkalahatang pamamahala ng edukasyon kung saan hindi kayang maibigay ng pamahalaan sa mga mga pampubliko nitong paaralan. Ang edukasyon ay sapilitan hanggang ika-9 na baitang, at ang pamahalaan ay nagbibigay ng libreng edukasyon hanggang ika-12 baitang.
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.