From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Hinduismo ay isang nananaig na relihiyon[1][2] ng subkontinenteng Indiano. Ang Hinduismo ay kinabibilangan ng Shaivismo, Vaishnavismo, Śrauta at iba pa. Sa ibang mga pagsasanay at pilosopiya, ang Hinduismo ay kinabibilangan ng isang malawak na spektrum ng mga batas at preskripsiyong mga "pang-araw araw na moralidad" batay sa karma, dharma, at iba pang mga norm ng lipunan. Ang Hinduismo ay isang konglomerasyon ng natatanging mga pananaw na intelektuwal o pilosopikal sa halip na isang hindi mababagong karaniwang hanay ng mga paniniwala.[3]
Ang Hinduismo ay nabuo sa mga iba't ibang tradisyon at walang isang tagapagtatag.[4] Kabilang sa mga direktang ugat nito ang historikal na relihiyong Vediko ng Indiang Panahong Bakal at sa gayon, ang Hinduismo ay kadalasang tinatawag na "pinakamatandang nabubuhay na relihiyon"[5] sa mundo.[1][6][7][8]
Ang isang klasipikasyong ortodokso ng mga tekstong Hindu ay hatiin sa mga tekstong Śruti ("nahayag") at Smriti ("naalala"). Ang mga tekstong ito ay tumatalakay sa teolohiyang Hindu, pilosopiyang Hindu, mitolohiyang Hindu, mga ritwal, mga templong Hindu at iba pa. Ang mga pangunahing kasulatang relihiyoso ng Hindu ay kinabibilangan ng mga Veda, Upanishad, Purāṇas, Mahābhārata, Rāmāyaṇa, Bhagavad Gītā at Āgamas.
Ang Hinduismo na may mga isang bilyong mga tagasunod ang ikatlong pinakamalaking relihiyon sa buong mundo pagkatapos ng Kristiyanismo at Islam.
Ang pinakamaagang ebidensiya ng prehistorikong relihiyon sa India ay mula pa noong huling Neolitiko sa panahong maagang Harappan (5500 BCE –2600 BCE).[9][10] Ang mga paniniwala at mga kasanayan ng panahong bago-ang-klasiko (1500 BCE - 500 BCE) ay tinatawag na historikal na relihiyong Vediko". Ang relihiyong Vediko ay nagpapakita ng impluwensiya mula sa relihiyong Proto-Indo-Europeo.[11][12][13][14] Ang pinakamatandang Veda ang Rigveda na may petsang 1700 BCE –1100 BCE.[15] Ang mga Veda ay nakasentro sa pagsamba ng mga diyos gaya nina Indra, Varuna at Agni at sa ritwal na Soma ritual. Ang mga handog na apoy na tinatawag na yajña ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-awit ng mga mantra na Vediko ngunit walang mga templo o idolong alam.[16][17]
Ang ika-9 at ika-8 siglo BCE ay nakasaksi ng pagkakalikha ng mga pinakamaagang Upanishad.[18]:183 Ang mga Upanishad ay bumubuo ng teoretikal na basehan ng klasikong Hinduismo at kilala bilang Vedanta (konklusyong Veda).[19] Ang mas matandang mga Upanishad ay naglunsad ng mga pag-ate sa papalaking kasidhian ng mga ritwal.[20] Ang mga iba ibang spekulasyong monistiko ng mga Upanishad ay sinintesis sa isang balangkas ng teistiko ng sagradong kasulatang Hindu na Bhagavad Gita.[21]
Ang pangunahing mga epikong Sanskrit na Ramayana at Mahabharata ay tinipon sa isang tumagal na panahon noong mga huling siglong BCE at mga maagang siglong CE.[22] Ang mga ito ay naglalaman ng mga kuwentong mitolohika tungkol sa mga pinuno at mga digmaan sa sinaunang India at pinasukan ng mga tratadong relihiyosong at pilosopikal. Ang mga kalaunang Purana ay nagsasalaysay ng mga kuwento tungkol sa mga deva at mga devi at kanilang mga pakikisalamuha sa mga tao at kanilang mga pakikidigma laban sa rakshasa.
Ang papalaking urbanisasyon ng India noong ika-7 at ika-6 siglo BCE ay humantong sa paglitaw ng mga bagong kilusang asetiko o sharmana na humanon sa ortodoksiya ng mga ritwal.[23] Si Mahavira (c. 549 BCE –477 BCE) na tagapagtaguyod ng Jainismo at si Buddha (c. 563 BCE - 83 BCE) na tagapagtatag ng Budismo ang mga prominenteng ikono ng kilusang ito.[18]:184 Ang Shramana ay nagpalitaw ng konsepto ng siklo ng kapanganakan at kamatayan, ang konsepto ng samsara at konsepto ng kalayaan.[24] Sina Radhakrishnan, Oldenberg at Neumann ay naniniwalang ang kanon na Budista ay naimpluwensiyahan ng mga Upanishad.[25]
Sa mga maagang siglo ng CE, ang ilang mga eskwela ng pilosopiyang Hindu ay pormal na kinodigo kabilang ang Samkhya, Yoga, Nyaya, Vaisheshika, Purva-Mimamsa and Vedanta.[26] Ang panahon sa pagitan ng ika-5 at ika-9 na siglo CE ay isang panahong makinang sa pagunlad ng pilosopiyang India dahil ang mga pilosopiyang Hindu at Budista ay yumabong ng magkatabi.[27] Sa mga magkakaibang eskwelang ito ng kaisipan, ang hindu-dualistikong Advaita Vedanta ang umahon na bilang pinakaimpluwensiya at pinakanananaig na eskwela ng pilosopiya.[28][29] Ang Charvaka na ateistikong materyalistikong eskwela ay nakilala sa Hilagang India bago ang ika-8 siglo CE.[30]
Ang kulturang Sanskritiko ay bumagsak pagkatapos ng wakas ng panahong Gupta. Ang maagang mga mediebal na Purana ay tumulong na magtatag ng isang nanaig na relihiyoso sa mga bago ang literasiya mga lipunang pang-tribo na sumasailalim sa akulturasyon. Ang mga doktrina ng Brahmanikong Hinduismo at ng mga Dharmashastra ay sumailalim sa isang radikal na transpormasyon sa mga kamay ng mga kompositor na Purana na humantong sa paglitaw ng isang Hinduismo na nanaig sa lahat ng mga mas maagang tradisyon.[31] Sa ikawalong siglong mga palibot na maharalika, si Buddha ay sinimulang palitan ng mga diyos na Hindu sa pujas.[32] Ito rin ang parehong panahon na si Buddha ay ginawang isang avatar ni Vishnu.[33]
Bagaman ang Islam ay dumating sa India noong maagang ika-7 siglo CE sa pagdating ng mga mangangalakal na Arabo at pananakop ng Sindha, ito ay naging isang pangunahing relihiyong noong kalaunang pananakop na Muslim ng subkontinenteng Indiano.[34] Sa panahong ito, ang Budismo ay mabilis na bumagsak at maraming mga Hindu ang sapilitang inakay sa Islam.[35][36][37] Ang maraming mga pinunong Muslim o mga heneral nito ng hukbo gaya nina Aurangzeb at Malik Kafur ay wumasak sa mga templong Hindu[38][39][40] at umusig sa mga hindi-Muslim. Gayunpaman, ang ilan gaya ni Akbar ay mas pumapayag sa ibang relihiyon. Ang ika-17 siglong Hindung Imperyong Maratha n India ang itinuturing na nagwasak ng Islamikong pamumunong Mughal sa India.[41] Sa karagdagan, ang mga Maratha ang itinuturing na mga tagapagtaguyod ng Hinduismo.[42] Ang Hinduismo ay sumailalim sa mga malalalim na pagbabago sanhi ng impluwensiya ng mga kilalang gurong sina Ramanuja, Madhva, at Chaitanya.[34] Ang mga alagad ng kilusang Bhakti ay lumayo mula sa mga abstraktong konsepto Brahman na pinagsama ng pilosopong si Adi Shankara mga ilang siglo bago nito na may kasigasigan debosyon tungo sa mas malalapitang mga Avatar lalo na sina Krishna at Rama.[43]
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.