Ilog Mekong
From Wikipedia, the free encyclopedia
From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Mekong o Ilog Mekong ay isang ilog sa Silangang Asya at Timog-silangang Asya. Ito ang ika-12 sa mga pinakamahabang itlog sa mundo at ika-3 sa pinakamahaba sa Asya[1] na may tinatantiyang haba na 4,909 km (3,050 mi)[1] at paagusan na may lawak na 795,000 km2 (307,000 mi kuw), na naglalabas ng 475 km3 (114 cu mi) ng tubig kada taon.[2] Mula sa pinagmumulan nito sa Talampas ng Tibet, dumadaloy ang ilog sa Timog-kanlurang Tsina (kung saan ito ay opisyal na tinatawag na Ilog Lancang), Myanmar, Laos, Taylandiya, Kambodya, at timugang Biyetnam. Nagpapahirap sa nabigasyon sa Mekong ang matinding kapanahun-kapanahunang baryasyon ng daloy at presensiya ng mga mabibilis na agos at talon. Gayunpaman, isang pangunahing ruta ng kalakalan ang ilog para sa Tibet at Timog-silangang Asya. Ang pagtatayo ng mga prinsang hidroelektriko sa kahabaan ng Mekong noong d. 2000 hanggang d. 2020 ay nagdulot ng mga malulubhang problema sa ekosistema ng ilog, kabilang dito ang pagpalala ng tagtuyot.[3][4][5]
Ilog Mekong 湄公河 (Méigōng Hé) / 澜沧江 (Láncāng Jiāng) မဲခေါင်မြစ် (Megaung Myit) ແມ່ນ້ຳຂອງ (Maenam Khong) แม่น้ำโขง (Maenam Khong) ទន្លេមេគង្គ (Tônlé Mékôngk) Sông Mê Kông / Sông Cửu Long (九龍) | |
---|---|
Lokasyon | |
Bansa | Tsina, Myanmar, Laos, Taylandiya, Kambodya, Biyetnam |
Pisikal na mga katangian | |
Pinagmulan | Bukal Lasaigongma (拉赛贡玛) |
⁃ lokasyon | Bundok Guozongmucha (果宗木查), Zadoi, Nagsasariling Prepekturang Tibetano ng Yushu, Qinghai |
⁃ mga koordinado | 33°42.5′N 94°41.7′E |
⁃ elebasyon | 5,224 m (17,139 tal) |
Bukana | Delta ng Mekong |
⁃ lokasyon | Biyetnam |
⁃ mga koordinado | 10.19°N 106.75°E |
⁃ elebasyon | 0 m (0 tal) |
Haba | 4,350 km (2,700 mi) |
Laki ng lunas | 795,000 km2 (307,000 mi kuw) |
Buga | |
⁃ lokasyon | Delta ng Mekong, Dagat Timog Tsina |
⁃ karaniwan | 16,000 m3/s (570,000 cu ft/s) |
⁃ pinakamababa | 1,400 m3/s (49,000 cu ft/s) |
⁃ pinakamataas | 39,000 m3/s (1,400,000 cu ft/s) |
Mga anyong lunas | |
Mga sangang-ilog | |
⁃ kaliwa | Srepok, Nam Khan, Tha, Nam Ou |
⁃ kanan | Mun, Tonlé Sap, Kok, Ruak |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.