Remove ads
From Wikipedia, the free encyclopedia
Si Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid[1] (Pagkadalaga: Regina Encarnacion Ansong Velasquez; 22 Abril 1970), higit na kilala bilang Regine Velasquez, ay isang Pilipinong mang-aawit, aktres, TV host, at binansagan bilang Asia's Songbird. Napanalunan niya ang 1989 Asia Pacific Singing Contest sa Hong Kong,[2] at tanyag sa pagkakaroon ng mataas mat malawak na vocal range.[3][4]
Regine Velasquez-Alcasid | |
---|---|
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Regina Encarnacion Ansong Velasquez |
Kilala rin bilang | Asia's Songbird |
Kapanganakan | Maynila, Pilipinas | 22 Abril 1970
Genre | OPM, pop, soul, Broadway |
Trabaho | mang-aawit, aktres, TV host |
Instrumento | Vocals (Lyric soprano) |
Taong aktibo | 1986—kasalukuyan |
Label | Vicor (1990—1991) PolyGram (1993—1998) VIVA (1998—2006) Universal (2006—present) |
Si Velasquez ang kauna-unahang Asyanang manananghal na nagtanghal ng isang solo concert sa Carnegie Hall sa Bagong York, bilang bahagi ng serye ng sentenaryong konsiyerto ng Carnegie Hall.[5][6]
Noong 1994, prinodyus ng Polygram Records ang kanyang unang album pang-Asya, ang Listen Without Prejudice. Tinuturing ito bilang pinakamatagumpay na album ni Velasquez, na nakabenta ng 700,000 sipi sa Asya.[7] Nakabenta ng mahigit sa 100,000 sipi sa Pilipinas, 300,000 s Tsina, at 20,000 sa Thailand.
Nakipagtulungan siya sa mga tagapagtanghal gaya nina Paul Anka,[8][9] David Hasselhoff, 98 Degrees, Brian McKnight, Mandy Moore, Ronan Keating, Stephen Bishop, Jim Brickman,[10] Peabo Bryson,[11] Jeffrey Osborne, Dave Koz, Grasshopper, Coco Lee, Michel Legrand, David Pomeranz, Eduardo Capetillo, Fernando Carrillo, Billy Crawford, David Archuleta, at sa bandang mula sa Singapore na Skritch. Ang "In Love With You", isang dueto kasama si Jacky Cheung, ang nakakuha ng pinakamataas na posisyon sa MTV Asia's Top 20 Asian Videos noong.
Noong 2000, nagtanghal siya sa temang pangmilenyo ng Pilipinas na pinamagatang Written In The Sand kasama ang 2,000 kabataan sa tuktok ng The Peninsula Manila,[12] na ipinalabas sa 67 mga estasyong pantelebisyon sa buong daigdig para sa espesyal na edisyong pangmilenyo ng BBC Television Centre na 2000 Today.[12]
Panganaay na anak si Velasquez nina Teresita at Gerardo Velasquez, ipinanganak sa Tondo, Maynila, Pilipinas noong 22 Abril 1970. Lumipat ang kanyang pamilya sa Hinundayan, Southern Leyte, kung saan nag-aral si Velasquez sa Hinundayan Central School.
Maagang namulat sa musika si Velasquez; ang kanyang ama ay madalas umawit ng mga awitin ni Frank Sinatra sa kanyang mga anak at ang kanilang ina naman ang nag-gigitara. Labis ang pagkahilig ni Velasquez sa musika at bago pa man siya matutong magbasa, umaawit na siya kasama ang kanyang pamilya. Isinali siya ng kanyang ama sa isang patimpalak sa pag-awit sa kanilang lugar. Tinulungan niya ang kanyang anak na paghusayan ang tinig nito sa pamamagitan ng pagpapa-awit nito sa dagat sa lalim na hanggang leeg. Tinuruan din siya ng kanyang ina na kung papaano kumilos sa entablado at paano bigyan-pakahulugan ang mga awit. Sa gulang na anim, lumahok si Velasquez sa pambansang timpalak sa pag-awit sa telebisyon para sa mga baguhan, ang Tita Betty's Childer's Show. Ang kanyang inawit, ang "Buhat Nang Kita'y Makilala", ay nanalo bilang ikatlong pinakamahusay. Nagpatuloy si Velasquez sa pagsali sa mga patimpalak sa pag-awit sa mga bayan sa buong bansa. Nang siya ay siyam na taong gulang, lumipat ang kanilang pamilya sa Balagtas, Bulacan, kung saan nag-aral siya sa Balagtas Central School. Nag-aral din siya sa St. Lawrence Academy, kung saan nanalo siya ng mga gantimpala para sa Vocal Solo at Vocal Duet para sa taunang patimpalak ng BULPRISA (Bulacan Private School Association).
Noong siya ay labing-apat na taong gulang, sumali si Velasquez sa senior division ng "Ang Bagong Kampeon". Isang pambansang patimpalak sa pag-awit na isinahihimpapawid sa telebisyon.[13] Iminungkahi ng kanyang ama na itampok niya ang awiting "Saan Ako Nagkamali". Nanalo siya ng walong sunod-sunod na linggo at naging kauna-unahang kampeon ng palabas. Ang direktor ng musika ng palabas na si Dominic Salustiano, ay iminungkahi na awitin niya ang "In Your Eyes" ni George Benson bilang awiting pangwagi. Napanalunan niya ang isang kontrata sa ilalim ng OctoArts, at inirekord ang single na "Love Me Again" bilang Chona Velasquez, ang kaniyang palayaw noong panahong iyon. Sumali rin siya sa Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit, isang samahan ng mga Pilipinong mang-aawit na nagtatanghal sa mga lounge sa Kalakhang Maynila. Binibigyan siya ng tulong ng OPM sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga payo at pagpapahiram ng mga kasuotan para sa kanyang mga pagtatanghal.
Sa utos ng isang kaibigan at kasamang mang-aawit sa OctoArts na si Pops Fernandez, naging panauhin si Velasquez sa palabas pantelebisyon na 'Penthouse Live' ng GMA 7 noong 16 Pebrero 1986. Iminungkahi ni Martin Nievera, asawa at co-host ni Pops sa palabas, na huwag nang gamitin ang "Chona" at gamitin ang pangalang Regine bilang kaniyang screen name. Noong taon din na iyon, ang kanyang ama ay umalis sa trabaho nito upang buong oras na maasikaso ang papayabong na karera ng kanyang anak.[14]
Lumagda ng isang kontrata si Velasquez sa Viva Records noong 1987, at inilabas ang kanyang kauna-unahang album, ang Regine. Naglalaman ang album ng mga awit na "Kung Maibabalik Ko Lang," "Isang Lahi, " at "Urong Sulong".
Noong 1988, pinaiklian ni Velasquez ang kanyang buhok bilang protesta dahil hindi siya binigyan ng pagkakataon upang itanghal ang kanyang unang konsiyerto na pinamagatang, "True Colors" dahil magtatanghal ang bandang The Jets sa kaparehong araw ng kanyang ika-18 kaarawan.
Noong 1989, napili si Velasquez na katawanin ang Pilipinas sa Asia-Pacific Singing Contest na ginanap sa Hong Kong. Noong 23 Disyembre 1989, napanalunan ni Velasquez ang pinakamataas na gantimpala ng patimpalak sa pag-awit ng You'll Never Walk Alone" mula sa Carousel at "And I Am Telling You I'm Not Going" mula sa Dreamgirls. Pagkatapos ng patimpalak, sinimulan siyang tawagin ng media bilang Asia's Songbird.[15]
Pinili ni Jose Mari Chan si Velasquez upang gumawa ng duet para sa kanyang album na pinamagatang Constant Change. Nagkamit ang album ng Certified Diamond Record Award mula sa PRIMA.
Lumagda si Velasquez sa Vicor at naglabas ng ilang mga album, na inumpisahan ng Nineteen 90. Nakapaloob sa album ang mga awiting "Narito Ako", "I Have To Say Goodbye, " at "Promdi". Ang kanyang unang konsiyerto para sa album na Narito Ako, ay napuno at ginanap sa Folk Arts Theater, at kasama si Gary Valenciano bilang panauning manananghal.
Ang unang solong konsiyerto ni Velasquez sa Estados Unidos, na pinamagatang Narito Ako sa New York, ay ginanap sa Pangunahing Bulwagan ng Carnegie Hall noong 11 Oktubre 1991.
Sunod niyang inilabas ang album na pinamagatang Tagala Talaga. Naglalaman ito ng mga awiting klasikong Filipino na isinulat nina Nonong Pedero, Willy Cruz, George Canseco, Louie Ocampo, Freddie Aguilar, at awitin ng mga Pambansang Alagad ng Sining sa Musika na sina Ryan Cayabyab, Lucio D. San Pedro at Levi Celerio.
Noong 1992, patuloy ang pagguest ni Velasquez sa mga palabas sa telebisyon sa Pilipinas. Noong Hulyo 1993, natuklasan siya nina Alex Chan at Norman Cheng, ang Regional Marketing Manager ng Polygram Far East at Pangulo ng Polygram Far East habang pinapanood si Velasquez sa konsiyerto nitong "Music and Me. Pagkatapos nito, nilapitan nila si Velasquez at sinabing nais nilang pangasiwaan ang karera nito sa Asya.
Una, itinampok nila si Velasquez sa isang duet kasama si Paul Anka na pinamagatang "It's Hard to Say Goodbye"[9] na kasama sa kanyang ika-apat na album, ang Reason Enough, na inilabas noong 1993 at nakakuha ng estadong platuinum album.
Noong 4 Nobyembre 1994, nagtanghal si Velasquez kasama si Janno Gibbs at Ariel Rivera sa Universal Amphitheatre sa Los Angeles. Mayo 6,100 ang nanonood. Sinundan ito noong Nombyembre 12, 1994 ng pagtatanghal nila sa Cow Palace Auditorium in San Francisco.[16]
Inihiyag nila Velasquez at Ogie Alcasid ang kanilang tipanan sa Party Pilipinas noong 8 Agosto 2010 pagkatapos ng 7 taon.[17] Nang 22 Disyembre ng katulad na taon, pinakasalan ni Velasquez ang kanyang matagal ng kasintahan na si Ogie Alcasid sa Terrazas de Punta Fuego sa Nasugbu, Batangas.[18]
Kulay pulang damit pang-kasal anag suot ni Velasquez sa tinaguriang "Kasal ng Dekada". Bukod tanging dinesenyo ni Monique Lhuillier ang kanyang damit na napabalitang may halagang $8,000 (subalit sinasabi ng iba na higit pa dito ang tunay na halaga nito), na iniregalo sa kanya ni Dr. Vicki Belo na tumayo bilang isa sa 20 pangunahing mga ninong at ninang na kinabibilangan din dila Mothery Lily Monteverde, Felipe L. Gozon, Wilma Galvante, Manny V. Pangilinan, Sharon Cuneta, Jose Mari Chan, Viva boss Vic del Rosario Jr., Tony Tuviera, German Moreno, Ida Henares, Nanette Inventor, Orlando Ilacad, Anastacia Puno, Dr. Crisanta Villanueva, Ma. Rosario Legarda, Ronnie Henares, Freddie Santos at Michel Lhuillier at wife Amparito Llamas-Lhuillier (magulang ni Monique).[19]
Noong Abril 2011, kinumpirma niya at ng kanyang asawa ang balitang siya ay nagdadalang tao sa palabas ding Party Pilipinas.[20]
Isinilang ni Velasquez ang kanilang unang anak ni Ogie Alcasid noong 8 Nobyembre 2011 sa Makati Medical Center at pinangalanang Nathaniel James Velasquez Alcasid.[21]
Pamagat | Petsa | Pook | Ginampanang papel |
---|---|---|---|
Kenkoy Loves Rosing[22] | Agusto at Setyembre 1991 | Music Museum | Rosing |
Two Hearts, One Beat | Pebrero at Hulyo 1994 | PICC Plenary Hall | Bidang Babae |
Noli Me Tángere | Hulyo 14 hanggang 6 Agosto 1995 | Sentrong Pangkultura ng Pilipinas Pangunahing Teatro | María Clara |
Forever After | 2006 | World Tour | Regine (fairy) |
Pelikuka
Taon | Pelikula | Ginampanan | Produksiyon | Mga Tala at Gantimpala |
---|---|---|---|---|
1987 | The Untouchable Family | Sheila | ||
1988 | Pik Pak Boom | Irma | ||
1989 | Elvis and James 2 | Whitney | ||
1992 | Big Ambulance: Call for Emergency | Gina | ||
1996 | Wanted: Perfect Mother | Sam | ||
1997 | DoReMi | Reggie | ||
1998 | Honey Nasa Langit na Ba Ako? | Marian | ||
1999 | Dahil May Isang Ikaw | Anya Katindig | ||
2000 | Kailangan Ko'y Ikaw | Francine Natra | GMMSF 32th Box Office Entertainment Awards for Box-Office Queen[23] | |
2001 | Pangako Ikaw Lang | Cristina | GMMSF 33rd Box Office Entertainment Awards for Box Office Queen[24][25] | |
2002 | Ikaw Lamang Hanggang Ngayon | Katherine | Nanomina—Young Critics Circle Award para sa Pinakamahusay na Pagtatanghal ng isang lalaki o babae, Matanda o Bata, Indibidwal o grupo o Sumusuportang Papel | |
2003 | Pangarap Ko Ang Ibigin Ka | Alex | ||
2003 | Captain Barbell | Cielo | ||
2004 | Masikip Sa Dibdib | mang-aawit | Lumabas upang awitin ang "Saan Ako Nagkamali?" | |
2006 | Till I Met You | Luisa | ||
2007 | Paano Kita Iibigin | Martee | Nanomina—Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Award para sa Pinakamahusay na Aktres Nanomina—Film Academy of the Philippines para sa Pinakamahusay na Aktres | |
2008 | Urduja | Urduja | Ginamit ang kanyang boses | |
2009 | Kimmy Dora | Guro ng Wikang Ingles | cameo appearance[26] | |
OMG (Oh, My Girl!) | production assistant | cameo appearance | ||
Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie | Angelina's first Yaya | cameo appearance | ||
2012 | Of All the Things | Bernadette "Berns" | Nanalo—Ika-10 Golden Screen Awards para sa Pinakamahusay na Pagtatanghal ng isang aktres bilang Bida-Musikal o Komedya | |
2013 | Mrs. Recto | Carla Recto | post-production[27] |
Telebisyon
Taon | Pamagat | Himpilan | Ginampanan | Tala at mga gantimpala |
---|---|---|---|---|
1997 | SOP | bilang sarili niya | Host (1997—2010) | |
2000 | Habang May Buhay | Kabanata "Sa Puso Ko'y Ikaw" kasama si Piolo Pascual | ||
2002 | Star For A Night | bilang sarili niya | Host (2002—2003) | |
Maalaala Mo Kaya | Abby | Kabanata "Lobo" 2002 PMPC Star Award for Telebivison para sa Pinakamahusay na aktres | ||
2003 | Search For A Star | bilang sarili niya | Host (2003—2004) | |
2004 | Forever in My Heart | Angeline | pangunahing tauhan | |
Pinoy Pop Superstar | bilang sarili niya | Host (2004—2007) 2005 PMPC Star Award for Television para sa Pinakamahusay na Host na Babae 2006 PMPC Star Award for Television para sa pinamahusay na Host ng Programang Talent Search | ||
2007 | Celebrity Duets | bilang sarili niya | Host (2007—2009) kasama si Ogie Alcasid | |
2008 | Maalaala Mo Kaya | Cathy | Kabanata "Dalandan" sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian kasama si Albert Martinez, Mickey Ferriols & Christian Vasquez | |
Songbird | bilang sarili niya | Host | ||
Ako si Kim Samsoon | Kim Samsoon Buot | pangunahing tauhan | ||
2009 | Totoy Bato | Anna Molina | pangunahing tauhan | |
Are You the Next Big Star? | bilang sarili niya | Host | ||
SRO Cinemaserye | bilang sarili niya | Kabanata "The Eva Castillo Story" | ||
Darna | Elektra, leader of the Planet Women | recurring role (season 2, 2009—2010) | ||
2010 | Diva | Sampaguita/ Melody | pangunahing tauhan | |
Party Pilipinas | bilang sarili niya | Host (2010—2013) | ||
2011 | I Heart You, Pare! | Antonia "Tonya" Estrella/ Tonette Star/ Tony Boy | pangunahing tauhan na lumaon ay pinalitan ni Iza Calzado dahil sa pagdadalang tao niya | |
2012 | H.O.T. TV | bilang sarili niya | Host | |
Sarap Diva | bilang sarili niya | Host | ||
2013 | Sunday All Stars | bilang sarili niya | Manananhal/Judge | |
2014 | Bet Ng Bayan | bilang sarili niya | Host | |
2016 | Poor Señorita | Rita Villon | pangunahing tauhan | |
2017 | Full House Tonight | bilang sarili niya | Host/Performer | |
2017 | Mulawin vs Ravena | Sandawa |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.