Remove ads
lungsod sa Rusya From Wikipedia, the free encyclopedia
Ang Olyokminsk (Ruso: Олёкминск, IPA [ɐˈlʲɵkmʲɪnsk]; Yakut: Өлүөхүмэ, Ölüöxümə) ay isang lungsod at sentrong pampangasiwaan ng Distrito ng Olyokminsky sa Republika ng Sakha, Rusya. Matatagpuan ito sa kaliwang pampang ng Ilog Lena, 651 kilometro (405 milya) timog-kanluran ng Yakutsk, ang kabisera ng republika. Ang populasyon nito (ayon sa Senso 2010) ay 9,494 katao.[2]
Olyokminsk Олёкминск | ||
---|---|---|
Lungsod sa ilalim ng hurisdiksiyon ng distrito[1] | ||
Transkripsyong Iba | ||
• Yakut | Өлүөхүмэ | |
| ||
Mga koordinado: 60°22′N 120°25′E | ||
Bansa | Rusya | |
Kasakupang pederal | Republika ng Sakha[1] | |
Distritong administratibo | Distrito ng Olyokminsky[1] | |
Lungsod | Olyokminsk[1] | |
Itinatag | 1635[1] | |
Katayuang lungsod mula noong | 1783 | |
Pamahalaan | ||
• Pinuno | Semyon Fedulov | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 12 km2 (5 milya kuwadrado) | |
Taas | 150 m (490 tal) | |
Populasyon | ||
• Kabuuan | 9,494 | |
• Kapal | 790/km2 (2,000/milya kuwadrado) | |
• Kabisera ng | Distrito ng Olyokminsky[1], Lungsod ng Olyokminsk[1] | |
• Distritong munisipal | Olyokminsky Municipal District[3] | |
• Urbanong kapookan | Olyokminsk Urban Settlement[3] | |
• Kabisera ng | Olyokminsky Municipal District[4], Olyokminsk Urban Settlement[3] | |
Sona ng oras | UTC+9 ([5]) | |
(Mga) kodigong postal[6] | 678100, 678139 | |
(Mga) kodigong pantawag | +7 41138 | |
OKTMO ID | 98641101001 |
Kilala ang lungsod sa ilang mga gusaling gawa sa kahoy na matatag pa rin kahit na buhat ang mga ito bago ang ika-20 dantaon wooden architecture, kasama ang Kapilya ng Alexander Nevsky (1891) at ang Katedral ng Ating Tagapagligtas (1860).
Itinatag ito noong 1635[1] bilang isang ostrog ng mga Cossack na pinamunuan ni Pyotr Beketov, sa kaliwang pampang ng Ilog Lena katapat ng bunganga ng Ilog Olyokma. Inilipat kalaunan ang kuta nang ilang kilometro salungat sa agos, sa isang kinatatayuang hindi gaanong bahain kapag tagsibol.
Bilang tagpuan ng trapiko sa ilog sa Lena at Olyokma, naging himpilan ito para sa mga ekspedisyon ng mga Ruso pasilangan at kalaunan ay naging sentro ng pangangalakal sa ruta ng ilog patungong Yakutsk. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong 1783.
Dito ipinatapon ang mga Disyembristang manghihimagsik na sina Nikolay Chizhov at Andrey Andreyev.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, itinayo rito ang isang palapagan para sa rutang panghimpapawid ng Alaska-Siberia (ALSIB) na ginamit upang ilulan ang Amerikanong mga sasakyang panghimpapawid ng palatuntunang Lend-Lease patungong Silangang Prontera.[7]
Ang pagproseso ng tabla at ang isang planta ng kuryente ay mga pangunahing bahagi ng ekonomiya ng lungsod, pati na rin ang pagsasaka sa paligid nito.
Pinaglilingkuran ang Olyokminsk ng Paliparan ng Olyokminsk Airport IATA: OLZ.
Amg Olyokminsk ay may klimang subartiko (Köppen climate classification Dfc). Ang mga taglamig ay may mga katamtamang temperatura mula –34.6 hanggang −26.6 °C (−30.3 hanggang −15.9 °F) sa Enero, habang ang mga tag-init ay may mga katamtamang temperatura mula +12.0 hanggang +24.8 °C (53.6 hanggang 76.6 °F) sa Hulyo. Sa mga buwan ng tag-init ng Hunyo, Hulyo, at Agosto, kadalasang lumalagpas sa +30 °C (86 °F) ang mga temperatura tuwing araw. Mas-mataas ang pag-ulan sa tag-init kaysa sa ibang mga bahagi ng taon.
Datos ng klima para sa Olyokminsk | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 2.8 (37) |
1.0 (33.8) |
11.2 (52.2) |
18.8 (65.8) |
31.9 (89.4) |
35.4 (95.7) |
36.5 (97.7) |
37.7 (99.9) |
31.9 (89.4) |
18.2 (64.8) |
6.1 (43) |
−0.7 (30.7) |
37.7 (99.9) |
Katamtamang taas °S (°P) | −26.6 (−15.9) |
−20.4 (−4.7) |
−8.1 (17.4) |
3.3 (37.9) |
13.3 (55.9) |
22.2 (72) |
24.8 (76.6) |
21.2 (70.2) |
11.5 (52.7) |
−0.8 (30.6) |
−16.6 (2.1) |
−26.0 (−14.8) |
−0.18 (31.67) |
Arawang tamtaman °S (°P) | −30.7 (−23.3) |
−25.9 (−14.6) |
−15.1 (4.8) |
−2.9 (26.8) |
7.1 (44.8) |
15.3 (59.5) |
18.4 (65.1) |
14.6 (58.3) |
6.1 (43) |
−5.0 (23) |
−20.8 (−5.4) |
−29.9 (−21.8) |
−5.73 (21.68) |
Katamtamang baba °S (°P) | −34.6 (−30.3) |
−30.7 (−23.3) |
−21.8 (−7.2) |
−9.2 (15.4) |
1.0 (33.8) |
8.5 (47.3) |
12.0 (53.6) |
8.8 (47.8) |
1.4 (34.5) |
−9.0 (15.8) |
−24.9 (−12.8) |
−33.7 (−28.7) |
−11.02 (12.16) |
Sukdulang baba °S (°P) | −60.1 (−76.2) |
−57.6 (−71.7) |
−47.4 (−53.3) |
−35.1 (−31.2) |
−16.1 (3) |
−4.7 (23.5) |
0.2 (32.4) |
−4.4 (24.1) |
−14.5 (5.9) |
−32.1 (−25.8) |
−49.1 (−56.4) |
−57.2 (−71) |
−60.1 (−76.2) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 17 (0.67) |
11 (0.43) |
9 (0.35) |
10 (0.39) |
32 (1.26) |
39 (1.54) |
58 (2.28) |
50 (1.97) |
40 (1.57) |
21 (0.83) |
21 (0.83) |
18 (0.71) |
326 (12.83) |
Araw ng katamtamang pag-ulan | 0 | 0 | 0.2 | 3 | 15 | 16 | 15 | 15 | 16 | 5 | 0.1 | 0 | 85.3 |
Araw ng katamtamang pag-niyebe | 27 | 23 | 18 | 11 | 3 | 0.1 | 0 | 0 | 2 | 20 | 27 | 27 | 158.1 |
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) | 80 | 79 | 71 | 60 | 57 | 63 | 69 | 74 | 75 | 77 | 82 | 80 | 72.3 |
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw | 38 | 116 | 211 | 249 | 268 | 295 | 308 | 241 | 152 | 93 | 60 | 17 | 2,048 |
Sanggunian #1: pogoda.ru.net,[11] | |||||||||||||
Sanggunian #2: NOAA (sun only, 1961-1990)[12] |
Seamless Wikipedia browsing. On steroids.
Every time you click a link to Wikipedia, Wiktionary or Wikiquote in your browser's search results, it will show the modern Wikiwand interface.
Wikiwand extension is a five stars, simple, with minimum permission required to keep your browsing private, safe and transparent.